YOUTH 12

155 17 0
                                    

Jeuness P.O.V

"Kumusta na kayo ni Cordin" bulong sa akin ni Ramsey. Naglalakad kami ngayong kasama sina Alvara at Lennon balak namin na bumili ng pananghalian namin at sa room kakain pwede naman doon ngayon lang talaga naman naiisipan.

"Okay naman kami" tugon ko na hindi man lang tumitingin sa kanya.

Hindi ko pa alam kung sasabihin ko sa kanila na kami kilala ko silang lahat. Baka ipagsabi pa nila sa iba tapos kumalat, mas gusto ko na pribado nalang ang relasyon namin na kami lang ang nakakaalam kaysa sa madami ang nakakaalam marami din ang nakikialam.

"So kayo nang dalawa" tugon niya. Tinignan niya ako at binigyan niya ako nang "hindi mo ako maloloko look".

Inis ko siyang tinignan itong babaeng talagang ito wala kang matatago. Matalas ang pang amoy ang loka. Wala na akong magagawa mukhang kukulitin niya ako pag diko pa sinabi sakanya.

"Oo na,cge pagkalat mo chismosa eh" tugon ko.

"Ito naman hindi ko pagsasabi kahit kanino debale nalang sakanila baka makalbo ako pagtinago ko na alam kuna" tugon niya at umalis na sa tabi ko. Dahan dahan siyang pumunta kila Lennon na ngayon ay nag oorder na ng pagkain nila paniguradong sasabihin niya na yun sa kanila.

Binuksan ko ang wallet na dala ko para makakuha ng pera nang may maramdaman akong malamig na kamay na
humawak sa braso ko kaya napaurong ako pero ganun nalang bigla ang tibok nang puso ko nang makita ko siya.

Umuulan ba nang mga puso ngayon bakit parang nalulunod ako sa kilig. Ang tiyan kong naalboruto nanaman na parang may mga kung ano sa tiyan ko at ang puso ko na lalabas na sa sobrang lakas nang tibok.

"Hi girlfriend ko" nakangiting tugon niya.

OMG Jeuness kalma,hinga malalim.

Nakakabaliw at nakakamatay ang ngiti niya putek para akong nalulusaw bigla nang makita ko siya ganito naba talaga ang pakiramdam nang inlove parang ang sarap naman kung ganun.

"Hello boyf..riend k..o" utal utal na tugon ko nahihiya pa kasi ako sakanya. Nabigla ako nang makita ko siyang tumatawa pero mahina lang iyon at dahan dahan na nilagay ang ulo sa balikat ko. Kinikilig ba siya?

"Ang sarap pakinggan,paulit nga" tugon niya na nasa balikat ko parin.

Hindi naman halatang gusto niya ah pinapaulit niya. Dahil mabait naman ako at medyo gusto din naman na sinasabi yun ay inulit ko.

"Hello Boyfriend ko" tugon ko na may halo nang pagkasweet gusto ko siyang makitang mas lalo pang kinikilig.

Ganun nalang ang tuwa ko nang umalis na siya sa pagkakabatong sa balikat ko kaya kitang kita ko na nangngamatis na ang pisngi niya sa sobrang pula. Cute.

Hinila ko na siya nang mapansin ko na wala siyang balak na magsalita pa. Nagorder muna ako nang pagkain naming dalawa nagpupumilit pa siya na siya na daw ang bibili pero humindi dahil hindi naman sa lahat nang bagay kailangan ang lalaki ang laging may sagot sa pagkain niyong dalawa kailangan din natin mga babae na pag gastusan sila para walang lugi.

Hinayaan ko na siya na magdala nang pagkain namin. Malalagkit na tingin agad ang  dumapo sa amin ng makaupo na kaming dalawa hindi lang sina Alvara ang nandito sa table pati na din ang mga ibigan ni Cordin.

Nasa harap namin sila Alvara at ang boyfriend niyang si Vesper kasunod nun si Lennon at Ramsey na katapat naman sina Meynar,Ethan at Nathan meron ding nakaupong isang lalaki na nasa dulo pero hindi ko makita ang mukha dahil nakatingin sa ibang direksyon. Sinundan ko ang mga tingin niya at doon ko nalaman na nakatingin siya kay Alanine kaklase din naman siya pero lagi siyang mag-isa hindi rin siya nakikihalubilo sa aming mga kaklase kaya siguro wala siyang kaibigan. Tahimik siya pero matalino din kung tatawagin siya para sumagot sa harap doon lang siya nagsasalita. Gusto ko siyang kaibiganin pero hindi ako yung taong bigla nalang lalapit sayo na para bang feeling close.

"Maupo kana" tugon ni Cordin. Kinuha niya ang kamay ko at bigla nalang niya akong hinila kaya napaupo na ako. Ang akala ko ay aalisin na niya ang kamay niya pero hindi nagsisimula na namin galawin ang mga pagkain namin pero isang kamay lang ang gamit naming dalawa.

"Kailangan niyo nang extrang kamay free pa yung akin" biglang tugon ni Ramsey na nakataas pa ang kanang kamay.

Tinignan ko siya nang masama habang pilit na umalis sa pagkakahawak sa lalaking ito para makakain ako ng maayos pero bigo akong makaalis.

"Bitawan mo muna nga ako hindi ako makakain sayo" bulong ko sakanya.

Nang maramdam ko na niluwagan na niya ang pagkakahawak ay agad kong inalis pero bigla niya ulit kinuha kaya napatingin na ako sakanya.

"Saglit lang" tugon niya. Inalis niya ang pagkakahawak sa kamay ko at may kung anong kinuha sa bulsa nang kanyang slacks. Mukhang may kukunin siya.

Lumabas ang isang magandang bracelet sa kanyang bulsa kitang kita ang pagkasimple nito pero malalaman mo din na mahalaga. Kulay brown siya na napapaligiran nang mga maliliit na bola na may nakaukit na mga letra kung pagsasamahin mo may mabubuong salitang.

"Cordin♡Jeuness"

Tinignan niya muna ako bago niya dahan dahan sinuot sa akin. Hindi ko maalis ang mga tingin ko sakanya ang mga ganitong mga pagkakataon ay mas lalo ko pa siyang nagugustuhan.

Bago ko makalimutan ay agad kong kinuha ang cellphone ko at agad na kinuhanan nang litrato. Ang mga ganitong eksena ay masayang balikan at tignan.

"Pasensiya kana yan lang ang nakaya ko" malungkot na tugon niya.

Hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sa akin.

"Thank you, walang maliit o malaki basta bigay mo hindi na mahalaga sa akin yun." ngiting tugon ko sakanya pinisil ko na din ang kamay niya para sabihing okay lang.

"Meron din ako" tugon niya sabay taas nang kanang kamay niya. May suot suot din siyang nung kagaya sa akin na mas lalong nagpasaya sa akin.

Pero mukhang nakalimutan ko na kasama pala namin ang mga kaibigan kong chismosa kaya biglang naudlot.

"Para may naaamoy akong kakaiba" tugon ni Lennon na may pa singot singot pa.

"Tumigil nga kayo" pagsisita ko.

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now