YOUTH 40

164 13 1
                                    

Jeuness P.O.V

Abot tenga ang ngiti ko habang tinitignan ang sarili ko sa salamin. May dinner date kami nila Mama ngayon kasama si Papa kaya bihis na bihis ako dahil na rin siguro sa masaya ang puso ko ngayon ay napapansin ko na lagi nalang akong nakangiti.

Pinagmasdan ko ang suot kong white dress na may manggas na hanggang sa ibabaw nang aking tuhod at pinaresan ng black doll shoes. Nilugay ko ang buhok ko sa likod habang naglagay lang ako nang light makeup gabi na din kasi.

Nakarinig ako nang katok mula sa pinto na senyas para bumaba na ako kaya sinulyapan ko muna ulit ang sarili ko sa salamin. Pakiramdam ko kasi lately gumaganda ako kahit na hindi naman ako nagbubuhat nang sarili kong bangko pero simula nang maging kami ulit ni Cordin ay mas inalagaan kuna ang sarili ko at totoo nga ang sinabi nila pag nasa tamang tao kana gumaganda ka.Haha!

Pagkarating ko sa baba ay natadnan ko sina Kuya at Mama na nakatayo mukhang ako nalang ang hinintay nila.

"Ang bagal mo" sumangot na sabi ni kuya na napakamot pa nang ulo.

Inikutan ko lang siya nang mata at nilagpasan siya. Nakasuot si Kuya nang polo na blue na bumagay sa kanya nagmukha siyang presintable habang si Mama naman ay kagaya ko ay nakadress din siya nang pula. Nagumpisa nang maglakad papalabas si Mama kaya agad na din akong sumunod habang si kuya ay sinigurado muna na nakasarado ang lahat nang pintuan at nakapatay ang ilaw. Pagkalabas namin ni Mama ay nakita namin si Papa na naghihintay habang nakasandal sa kotse niya.

Hindi maalis ang ngiti ko habang tumatakbo papalapit kay Papa. Niyakap ko siya agad na agad din naman niyang tinugunan.

"Miss you Pa" tugon ko sa pagitan nang yakap namin.

"Namiss din kita anak" sagot ni Papa sabay hiwalay namin at hinalikan ako sa noo.

Kung hindi niyo kasi natatanong ay Daddy's gurl po ako simula bata palang kami ay pag pinapalo ako ni Mama kay Papa agad ang takbo ko. Hindi naman naging hadlang ang paghihiwalay nila Mama at magkaroon nang ibang pamilya si Papa para malayo ang loob ko sakaniya. Lagi siyang nagbibigay nang oras sa amin.

Niyakap din ni Papa si kuya nang makarating siya sa tabi namin habang nagshake hands naman silang dalawa ni Mama.

Naging mabilis lang ang byahe namin sa restaurant na kakainan namin kilala daw ni Papa ang may-ari kaya naman sa private room ang kinuha ni Papa. Filipino style yung resto sa labas ay nababalutan na nang mga makikinang na mga ilaw habang sa loob naman ay ang mga design ay gawa sa mga abaka at ang mga upuan at lamesa ay gawa sa kahoy.

Pagkaupo namin ay agad na kaming nagorder na mga pinagmamalaki natin mga luto dito sa pinas kung banyaga ka dito magandang pumunta makikilala mo talaga ang mga kulturang at tradisyon sa atin.

Magkatabi kami syempre ni Papa habang magkatabi naman ni Kuya si Mama mahaba ang lamesang dito kaya marami ang bakanteng upuan. Magkatapat kami ni kuya sa gilid kaya napapansin ko ang paminsan minsan niya pagngiti kahit na wala naman itong hawak na cellphone. Nabaliw na.

"Nakainom kaba nang gamot?" tanong ko sakaniya kaya napatingin siya sa akin. Hindi niya ako sinagot bagkus ngayon ay tumatawa na siya hindi gaya kanina na nagkangiti lang. Hindi ko nalang siya pinansin at binaling ang tingin sa pintuan hinihintay kong dumating na yung pagkain namin gutom na din naman ako eh. Napalundag ako nang makita ang isang waiter na pumasok pero wala siyang dalawang pagkain.

"Ma'am,Sir meron po naghahanap sainyo" tugon ni kuya waiter.

"Sino?" tanong ni Mama habang tinitignan kami na nagtatanong kung may inahasaang kaming bisita kaya agad akong umiling para sabihin na wala.

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now