YOUTH 7

181 18 0
                                    

Jeuness P.O.V

Pilit akong bumangon sa aking pagkakahiga dahil naririnig kuna ang aking alarm(sermon ni Mama)  na kanina pa nagsasalita. Nakapikit pa ang mata ko nang makalabas ako sa sarili kong kwarto at doon ko na mas lalong narinig ang malakas na boses ni Mama. Hindi ko alam kung bakit mainit nanaman ang ulo nang aking nanay.

"Kung kaya nalang kaya ang nanay dito tapos ako ang anak,puro cellphone nalang ang ginagawa niyo samantalang nung panahon namin wala namang mga cellphone." sigaw ni Mama. Napahawak nalang ako sa tenga ko dahil sa sobrang lakas na nakakasira nang eardrums.

Tinignan ko si Kuya na ngayon ay nakaupo sa sofa namin habang nakatutok sa Laptop niya kaya siguro galit na galit nanaman si Mareng Jane (Mama).

Tamad kong kinuha ang tuwalya sa gilid nang banyo para agad na maligo.

Araw nang sabado ngayon kaya buong araw kung maririnig ang mga pangaral slash sermon ni Mama na walang makakapagtigil sakanya. Lahat nalang nang nakikita niya sa amin ay kinumpara niya nuong panahon nila napakalayo na nang panahon ngayon sa ngayon marami nang mga nagagawa ang teknolohiyang ngayon panahon.

Mula sa banyo ay rinig na rinig ko parin ang boses ni Mama sa labas kahit na nilakasan kuna ang faucet namin di kami mayaman kaya walang shower simpleng banyo lang talaga ang banyo namin sakto lang para sa aming tatlo nila Kuya. Mas malaki lang nang kaunti ang kwarto sa banyo namin may marble na tiles sa sahig at kulay dilaw na pintura na bumabalot sa buong banyo may maliit na salamin sa bungad ng pinto kaya makikita mo ang mukha mo. Katabi nang inodoro ang timba na may lamang tubig dito na din ang liguan namin simple pero malinis naman.

Kalahating oras din ang tinagal kong maligo bago lumabas na nakatapis hindi ako nakapagdala nang damit ko kaya dahan dahan akong naglakad papunta sa kwarto ko.

Suot ang purple oversize t-shirt at isang sports short ay agad na akong lumabas nang kwarto ko ganito ang lagi kong porma pag nandito lang ako sa bahay para komportable with matching di magsuot nang bra.Heaven!.

Natadnan ko si Mama na nagluluto sa kusina pero ang bunganga ay hindi parin tumitigil napansin ko din na wala na sa sala si Kuya mukhang naumay na kay Mama.

Agad akong umupo at binuksan ang takip nang pagkain namin.May sinangag,hotdog,itlog na sunny side up at nang kapeng malamig na. Dali dali akong kumuha nang pagkain ko pero hindi pa man ako nakakasubo nang magsalita si Mama.

"Ikaw Maria puro ka cellphone tinatanghali kana nang gising" tugon niya. Lumapit ito sa akin habang ako naman ay hindi maiwasang bumusangot.

Ilang beses ba niya ako tatawaging Maria?Ang ganda nang pangalan ko Jeuness.

"Ma ano ba tigilan niyo nga ang kakatawag sa akin nang Maria ang sagwa" inis kong tugon.

Napatigil siya sa pag luluto at tinignan ako nang masama.

"Bakit may problema ba doon Maria Jeuness" pagtatawag niya sa buong pangalan ko.

Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Malapit ko ng maubos ang pagkain ko nang makita ko ang pagtawag ni Ramsey sa akin na agad ko naman sinagot.

"Hi" tugon ko sa kabilang linya.

"Sama ka punta tayong Mall" diretsong tugon niya na hindi man nag hello ang loka.

Agad kong tinignan si Mama na abala ulit sa pagluluto paniguradong hindi niya ako papayagan at baka sermon lang ang abutin ko.

"Hindi na ako sasama  wala naman akong pera atsaka nakakatamad." mahinang tugon ko sa telepono baka marinig ako ni Mama na malapit lang sa akin.

Rinig ko ang buntong hininga ni Ramsey bago siya magsalita ulit.

"Hindi naman tayo magtatagal eh" sabat ni Alvara na mukhang kasama nila. Agad naman sinang ayunan ni Ramsey.

"Kahit na patay ako kay Mama pag umalis ako" tugon ko. Panigurado akong hindi papayag si Mama na aalis ako ngayon kung payagan man niya ako maaga niya ako papauwiin diko din lang maeenjoy yung Mall. Kilalang kilala ko na si Mama pag tungkol sa gala ang usapan hindi ka pa nakakalabas ng pinto pinapauwi kana kaagad.

"Hay nako!Labas ka nalang sa bahay niyo may ibibigay nalang ako sayo tutal naman ay hindi ka sasama.Siguro naman hindi na Magagalit si Tita kung lalabas ka para pumunta nang gate niyo may iaabot lang ako" tugon niya. Mukhang hindi na niya ako kukulitin na sumama pero ano naman kaya ang ibibigay niya?.

"Cge ngayon naba?" tanong ko.

"Oo mabilis lang" tugon niya sabay patay nang tawag.

Dali dali kong tinapos ang pagkain ko at hinugasan na din ang pinagkainan ko atsaka ko napagpasyahan na lumabas na nang bahay hindi na nagtanong pa si Mama kung saan ako pupunta dahil nakapambahay lang naman ako.

Pagkalabas ko ay nakita ko agad ang Van na sasakyan ni Ramsey isang Van driver ang Papa niya sa isang kompanya kaya malamang ay meron din silang sarili.

Hindi na ako nag atubiling lumabas nang gate namin. Bumukas ang pintuan nang Van at doon lumabas sina Ramsey na may bitbit na paperbag,Alvara,Lennon at Meynard. Gulat ko silang tinignan akala ko kasi ay si Ramsey lang ang pupunta hindi ko naman alam na may kasama pala siya kasama pa si Meynard na kaibigan ni Cordin.

"Bakit ang dami niyo naman maghahatid?" tanong ko sakanila nang makalapit na sila sa akin.

Tumawa nang mahina kaya agad akong napatingin sakanya mukhang napansin niya yun kaya napahawak siya sa bibig niya habang bigla naman siyang siniko ni Alvara.

WEIRD.

Akmang kukunin kuna ang paper bag na inaabot sa'kin ni Ramsey nang bigla nalang may nangyare hindi ko inaasahan sa isang iglab ay nasa loob na ako nang Van at nagsisimula na itong umandar.

Paano ba naman ay nung kinukuha kuna ang paperbag ay bigla nalang nila akong binuhat si Alvara at Ramsey sa Paa ko habang sina Meynard at Lennon sa braso ko para tuloy akong malaking palaka nang buhatin nila ako.

Sumigaw ako nang napagtanto ko na malayo na kami sa bahay siraulo talaga ang mga kaibigan ko kahit kailan hindi ko inakala na gagawin nila ito.Patay ako kay Mama pag nalaman niya atsaka hello nakapambahay ako at wala pa akong braaaa....

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now