YOUTH 36

108 11 0
                                    

Jeuness P.O.V

Ilang araw na ang lumipas ng makauwi na kami dito sa Manila at simula nanaman ang klase namin. Masasabi kong naenjoy ko naman ang bakasyon kahit na ganun parin ang nangyare laking pasasalamat ko sa mga kasama ko na hindi man lang ako tinanong nang mga bagay bagay tungkol sa nangyare dahil ayaw ko nang ungkatin.

Nasa canteen kami ngayon dahil lunch time at sandamakmak na mga activity ang nagwelcome sa amin matapos ang bakasyon. Kasama ko sina Lennon ngayon na kumakain nang tahimik ewan ko lang kung hanggang matapos kami.

"Thank you nga pala  sainyo ah" sabi ko habang sumusubo.

Napatigil bigla sila sa pagkain at tumingin sa akin.

"Thank you saan?" tanong ni Lennon.

"Dahil naenjoy ko yung bakasyon natin kahit paano atsaka hindi kayo nagtatanong" mahinang tugon ko.

"Bakit naman kami magtatanong sayo kung alam naman namin lahat" punong puno ang bibig ni Ramsey na nagpatigil sa akin.

Binaba ko ang kutsarang hawak ko at tumingin sakanila na ngayon din ay napatigil.

"Anong alam niyo na,hindi pa kaya ako nagkwekwento sainyo" ngusong tugon ko.

"Sinong nagsabi sayong wala kaming alam,bago pa man tayo makapunta nang Pangasinan ay alam na namin ang lahat. Dahil alam naman namin na hindi ka magkwekwento kaya gumawa na kami nang sarili naming paraan. Kinausap namin siya at buong puso naman niyang sinabi ang lahat atsaka nakiusap siya sa amin na wag ka nang tanungin tungkol doon." pagkwekwento ni Lennon.

Buong akala ko ayaw lang nilang maging malungkot ako kaya hindi nila tinatanong pero mabilis pa sila kay Flash sa balita. Bakit pa nga ba ako magtataka kung kilala ko naman silang mga madalda at chismosa. Pero kasama din ba sina Meynard na may alam.

"Alam din ba nila Meynard ang lahat?" mahinang tugon ko kahit na medyo may idea na ako na alam na din nila ang lahat.

Tumango si Alvara na nagpatuloy na sa pagkain pati na din ako baka maubos ang lunch time namin kakachismiss.

"Lahat kami alam hindi kasama doon sina Angel at Cherry.Kahit na kating kati na ang mga dila namin na hungkatin iyon nung nangbonfire natin bigla ka naman kasing nagwalk out." tugon ni Alvara.

Hindi parin ako makapaniwalang alam nila dahil ang buong akala ko talaga ay wala silang alam. Nagsabi ako kina Ramsey at Alvara sila lang dalawa ang sinabihan ko.

Natapos ang lunch time namin kaya kailangan na naming ulit bumalik sa room kung saan ang first subject namin nang tanghali. Bago ka makarating sa room namin ay madadanan mo muna ang room nila Meynard na kaklase ni Cordin kaya dali dali akong naglakad nang makarating kami sa floor na iyon.

Pero masyado malandi ang mga kaibigan ko kaya gulat ako nang makita kong wala akong kasunod na maglakad dahil tumigil muna ata sila doon para alam niyo na. Hinayaan ko nalang sila at ako nalang mag-isa ang pumasok. Binuklat ko nalang ang notebook ko para makapagreview ako kung sakaling meron biglaang quiz atsaka hayaan niyo na minsan lang ako sinipag mag-aral.

"Pwede po ba tayong mag-usap" biglang tugon nang isang tao sa harapan ko habang busy ako sa pagbubuklat. Agad ko siyang tinignan at bumungad si Alanine na nakayuko habang pinaglalaruan ang daliri.

"Ano iyon?" tanong ko sa kaniya wala naman akong gagawin iba atsaka tinamad ako bigla. Umupos siya sa tapat kong upuan at doon umupo.

"Gusto ko sanang mag-sorry sayo." yukong tugon niya.

"Para saan" kunot noo tanong ko sakaniya.

"Kasi hindi ko sinabi na alam ko ang lahat. Alam ang lahat na may girlfriend talaga si Cordin nun pa simula nang makilala mo kami ayaw ko lang manghimasok dahil alam ko naman na wala naman akong karapatan para sabihin sayo." tugon niya.

"Ilang taon na kayo ni Mark" ewan ko kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.

"4 year na kami" tipid niyang tugon.

Gulat ko siyang tinignan buti pa siya matagal sila nang lokong iyon.

"Kaya alam ko na ang lahat dahil kasa-kasama din naman nun si Angel pagumuuwi siya pag bakasyon o sembreak namin. Hindi ka masyadong close ni Angel dahil hindi kami magkaugali"

"Bakit mo sinasabi ito?"

"Dahil ayaw kong may tinatago sa isang taong malapit sa akin. Wag ka na din magalit kay Mark dahil nung una palang ay ako na ang nagsabi sakaniyang sabihin sayo yung nangyare nun sa garden kung naalala mo pa kung saan sinabi ni Mark na niloloko ka lang niya dahil may girlfriend siya" tugon niya.

Naalala ko nga iyong una naming pag uusap ni Mark kung saan sinabi niyang niloloko lang ako ni Cordin. Pero bakit kailangan pang si Mark ang magsabi nun kung pwede naman siya pero paano kaya kung naniwala ako doon sa sinabi niya baka ngayon tahimik ang buhay ko at walang prinoproblema.

"Wala naman na tayong magagawa eh masaya na silang dalawa diba kaya hindi na rin importante" tugon ko habang nililigpit ang mga gamit ko.

"Importante iyon kailangan niyong mag-usap dalawa ni Cordin" biglang tugon niya na ngayon ko lang siya narinig na parang sinisigawan niya ako sa lakas nang boses niya.

"Para saan pa?" inis kong tanong. Okay naman na ang lahat ah sinusubukan kung alisin siya sa sistema ako at pilit na inaalis ang prinsinsiya niya dito.

"Marami ka pang hindi alam Jeuness" tugon niya bago lumayo na.

"Bakit kailangan ko pa siyang kausapin kong nandiyan ka naman ako magsabi sa akin" habol kung tugon.

Dahan dahan siyang lumingon sa akin at tinignan ako nang seryoso.

"Wala ako sa posisyon para sabihin sayo ang lahat. Mamayang 5pm sa garden" tugon niya sabay alis na at hindi na muling tumingin sa akin habang iniiwan ako nakatulala at inisip kung ano ano kaya hindi ako nakapag focus sa mga discussion ngayon at parang gusto ko nalang tumakbo ang oras para alas singko na at uwian kating kati na akong malaman kung ano nga ba ang hindi ko pa alam.

Thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now