YOUTH 17

133 14 0
                                    

Jeuness P.O.V

Wala nang nagawa sina ate dahil sina Vesper na mismo ang nagpaalis sakanila. Hindi maipinta ang mukha nila habang pilit na umaalis doon sa upuan habang kami naman ay abot langit ang ngiti.

"Diba sinabi kuna sainyo" proud na tugon ni Alvara sa amin. Tumango tango naman ang mga kasama ko.

"Ikaw na oh" tugon ni Lennon na pinapasa ang invisible niyang korona.

Napatawa naman kami nang malakas uupo na din sana ako nang bigla niya akong tawagin. Kaya napatingin ulit ako sakanya.

"Cge na puntahan muna kailangan niyan ng goodluck kiss" pagtataboy nila sa akin.

Iniwan kuna ang bag ko sa upuan ko para naman malaman nila na may nakaupo na doon atsaka ako lumapit sakanya.

Ang gwapo gwapo talaga nang boyfriend ko yung mga ganitong may itsura dapat tinatarpulin pero baka maraming umagaw mahirap na.

"Bakit?" bungad ko sakanya nang makalapit ako.

Hindi niya ako sinagot dahil agad niya akong hinila habang ako naman ay nagpahila hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Nakaramdam nanaman ako ng kuryente sa paghahawak namin nang kamay.

Huminto kami sa bandang gilid nang gym kung saan kaunti lang ang dumadaan.

"Bat dimo ako pinuntahan kanina" mahinang tugon niya habang pinaglalaruan ang kamay ko.

Lihim ako napangiti sa ginagawa niya ngayon pag kasi marami kaming mga kasama ay mahiyahin siyang sabihin yung mga ganitong bagay. Okay lang naman sa akin hindi ko naman siya pinipilit na maging sweet sa akin pag may kasama kami sapat na sakin yung malambing siya pag kami lang dalawa.

"Sorry" tugon ko.

Biglang napawi ang pag nguso niya at napalitan nang ngiti.

"Okay lang yun kasama naman kita ngayon" ngiting tugon niya.

Hinga Jeuness kalma ang puso!

"Haha.babawi ako sa susunod" tugon ko.

Kumawala ako sa pagkakahawak sakanya ay dali daling pinisil ang kanyang mga pisngi na sobrang taba.

"Abunjing bunjing" gigil ko sakanya.

Hindi naman siya magkadamayaw sa kakatawa dahil sa ginawa ko sakanya. Napakasarap niyang pagmasdan pag tumatawa siya lalo na't ako ang dahilan.

Tumigil ito sa pagtawa habang nakatingin sa akin. Gulat ako nang bigla din niyang nilagay ang mga kamay niya sa pisngi ko.

"Ang cute cute nang girlfriend ko" seryosong tugon niya na nakatingin sa akin.

Wala akong pakealam kung ano man ang mukha namin ngayon dahil nakahawak parin ako sa pisngi din niya.

Gusto ko mang magtagal kami sa ganong posisyon pero naalala ko na may laro pa pala siya. Kaya kahit ayaw ko pa siyang bitawan ay wala na.

"Cge na,baka hinahanap kana nila" tugon ko sakanya.

Malungkot din niyang inalis ang kamay niya sa akin.

"Bago ako umalis baka naman ano...." tugon niya sabay kamot noo pa.

"Ano?" tanong ko sakanya.

Ngumiti ito nang nakakaloko sabay turo sa pisngi niya parang alam kuna ang gusto niya.

Ngitian ko siya at dali daling hinalikan ang pisngi niya.

"Goodluck" tugon ko.

"Panalo na kami" biro niya.

Napatawa nalang ako syempre holding hands kamo habang papaalis doon.

Hinatid niya muna ako sa upuan namin bago siya umalis.

"Labas tayo pagkatapos" tugon niya bago siya umalis.

Sakto lang ang pagupo ko dahil doon na nagsimula ang laro. Hindi naman iba ang mga kalaban nila taga dito din naman sila sa kabilang building nga lang. Wala akong kilala sa mga iyon habang kilala ko naman silang lahat sina Meynard lang naman.

Wala akong alam sa basketball kaya todo cheer nalang ang nagawa ko pag nakakapuntos sina Cordin. Nakikisali ako sa hiyawan nila Alvara na halos maubos na ang boses kakasigaw.

Masasabi ko naman a magaling silang maglaro  at napakalinis yung mga galaw nila pang NBA halos lahat magaling. At dahil magaling sila syempre sino pa nga ba ang mananalo kundi sila.

Patalon talon na may kasamang pagtakbo ang ginawa namin habang papunta sa kanila na ngayon ay nagcecelebrate na.

"Cordin" tawag ko sakanya kaya napatingin ito sa akin.

Nilagay niya sa ire ang kanyang dalawang kamay katapat nang kanyang mga balikat at handang handa para yakapin ako. Kaya mas lalo kong binilisan ang pag takbo.

Agad ko siyang niyakap sabay sabi nang.

"Congrats" tugon ko sakanya habang nakayakap.

"Nandiyan ka eh,HAPPY MONTHSARY BABY" tugon niya na nagpagulat sa akin hindi ko inasahan na sasabihin niya iyon dahil ang akala ko ay nakalimutan na niya at balak kong ako ang unang magsasabi.

"HAPPY MONTHSARY TOO BABY" nakangiting tugon ko.

"Hintayin mo ako jan magpapaalam lang ako sakanila" tugon niya sa akin sabay kawala sa yakap.

Tumango nalang ako habang tinitignan siyang papalayo sa akin para magpaalam sa mga kasama niya.

Napagdesisyunan namin na sa food court nalang kumain para tipid na din kami dahil pareho kaming estudyante.

Hindi naman kailangan sa mamahalin ka kumain sapat na yung kahit sa gilid gilid lang basta magkasama kayo.

Hindi ko rin siya hinayaan na siya ang lahat nang sumagot sa mga kinain namin nakihati ako sa bayarin para naman fair lang para sa aming dalawa.

Masaya kaming kumain habang nagkwekwentuhan nang kung ano ano tungkol sa mga bagay bagay para mas lalo naming makilala ang isa't isa.

Hinatid niya ako sa harap nang bahay namin kahit na wala pang alam sina Mama na may boyfriend na ako. Sasabihin ko nalang siguro pag ready na ako atsaka pag sigurado na ako sakanya.

Lahat nang nangyare sa akin ngayon ay bagong bago sa akin dahil hindi ko naman naranasan noon ang mga ganitong bagay. Pagkatapos nang klase uwi agad ako habang sina Alvara ay nagpapaiwan para manuod nang laro nila Vesper na kadalasan nangyayare sa isang buwan pero ngayon marami nang nabago. May araw araw nang nagpapasaya sa akin at nag aalaga at syempre nagmamahal iba parin iyon.

Hindi na ako makapaghintay na magcelebrate namin ni Cordin ang 1st Anniversary naming dalawa. Kung may darating man na iba na susubukin kami lagi ko siyang pipiliin at gagawa ako nang maraming dahilan para mahalin at hindi siya iwan.

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now