YOUTH 31

115 13 0
                                    

Jeuness P.O.V

Nagising ako sa dahil sa sunod sunod na tapik sa aking pwet. Sesermonan ko sana ang taong tumatapik sa akin na nakita ko ang mukha ni Alvara kaya dali akong napaupo.

"Labas na nakarating na tayo" tugon niya sa akin sabay turo na kaming dalawa nalang ang tao sa sasakyan.

Tumango ako sakaniya at akmang tatayo na sana ako nang bigla nalang walang balanse akong napaupo ulit. Napapikit ako at pinakiramdaman ang katawan ko dahil ata sa hindi ko pagkain ay nanginginig ngayon ang buong katawan ko at walang lakas na tumayo manlang.

May pag alala akong tinignan ni Alvara.

"Okay ka lang ba?" may pagalalang tanong sa akin ni Alvara.

Umiling iling ako at napahiga uli.

"Hindi ako makatayo" mahinang tugon ko sakaniya.

"Bakit?Anong nangyare sayo?Lennon" sunod sunod na sabi at sigaw ni Alvara habang halata sa kaniyang ang pagkataranta.

Agad akong nakarinig nang yapak na sunod sunod.

"Anong nangyare" mabilisang tugon ni Lennon na kakarating lang kasama sina Mark.

"Hindi daw siya makalakad" tugon ni Alvara na parang nagsusumbong.

"Talaga naman manghihina ka kong walang laman tiyan mo simula pa kaninang umaga." inis na sigaw ni Lennon sa akin ba na parang nanay ko kung magalit.

Inalalayan ako ni Alvara para makalipat sa harap habang nanunuod naman sila sa akin sa labas. Nang makarating ko sa tapat nang pintuan nang Van ay agad na sumalubong sa akin ang lahat nang lalaki naming kasama habang nakatingin naman sina Ramsey sa akin sa likod. Agaw atensyon pa ako nito hayst.

"Buhatin na kita" biglang pagpresinta ni Cordin na mukhang hindi lang ata ako ang nagulat. Nakatingin pa ito sa akin kaya agad kong binaling ang tingin sa ibaba.

"Hindi okay lang kay Ethan nalang ako magpapabuhat" mahinang tugon ko mukhang nabigla si Ethan sa sinabi ko. Wala na siyang magawa kundi ang pumunta sa harap ko
habang napaatras nalang si Cordin sa gilid.

"Kay Cordin kana sumakay malakas siya HAHAHA" biglang sabat ni Angel sa usapan.

Huminga ako nang malalim bago tumingin kay Cordin na gulat ako nang makitang nakatingin na pala siya sa akin. Mukhang nabasa naman niya ang isipan ko kaya agad siyang bumalik sa pwesto niya kanina tama lang ito para hindi naman magtaka si Angel kung bakit hindi ko siya pinapansin pero paano kaya pag nalaman niya baka mainis siya sa sarili niya.

Dahan dahan kung nilagay ang dalawang kamay ko sa balikat niya kaya lumapit pa ito sa akin lalo kaya wala nang metro ang pagitan naming dalawa.

"Medyo mabigat ako"  hiyang tugon ko sakaniya na pinahina ko para siya lang ang nakarinig.

Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Dahan dahan niyang kinuha ang dalawang paa ko para mabuhat na niya ako. Pilit kong pinapagaan ang sarili ko pero hindi ko naman makontrol dahil sa panghihina. Sinulit ko ang sandaling hawak niya ako pakiramdam ko kasi ay ito na ang magiging huling hawak niya sa akin.

"Alagaan mo nga ang sarili mo Jeuness para naman hindi kami mag alala sayo lalo na at pinagkatiwala ka ni Tita sa amin" pagsesermon parin ni Lennon sa akin habang papasok kami sa loob nang bahay nila.

Wala padin naman nagbago sa ayos at ganda nang bahay nila Lennon pagpasok mo palang ay makikita muna ang mga antique na kagamitan nila dito sa bahay nila mula sa mga cabinet,upuan at sa mga nakadisplay na mga frame. Bahay matanda kasi ito kaya kung hilig mo ang mga historical na gamit magugustuhan mo itong bahay. Nakadisplay din sa pader ang malaking family picture nang family na kasing laki ata mga nakikita sa TV na display nandoon din.

Dahan dahan na binaba ako ni Cordin sa mahabang upuan nila sa may sala kung saan nakaupo din si Tito Leno ang papa ni Lennon nakiramdam ko ay napakasaglit lang niya akong binuhat kahit ayaw ko pang bumitaw ay wala na akong nagawa dahil nakaupo naman na ako alangan naman sabihin ko sakaniya na magstay lang kami kung nandito ang girlfriend niya.

Bumaling ang tingin ni Tito sa akin sabay tawag sa akin.

"Nesang" pagtawag niya sa palayaw ko galing sa kaniya agad akong umusog at nagmano sakaniya.

"Kumusta po Tito?" masaya ngunit mahinang tanong ko.

"Ayos naman ako,bakit ka nga pala binuhat pa ni hijo" saad niya na nakaturo pa kay Cordin.

Ibubuka ko palang ang bibig ko nang maunahan ako ni Lennon sa pagsasabi.

"Hay nako tay gusto atang magpakamatay ni Jeuness hindi ba naman kumain nang almusal at tanghalin ni tubig di uminom" pagsusumbong niya kay Tito na inukutan ko lang nang mata.

Ganito kaming lahat nila Ramsey sa magulang nang bawat isa para na namin mga nanay at tatay na din dahil narin siguro sa tagal namin magkakaibigan ganun na kalalim ang turingan namin sa isa't isa gaya nalang ngayon na malayo si Mama ngayon para sermonan ako at si Tito Leno naman ang pumalit.

"Hindi ka dapat nagpapalipas nang gutom nesang,malaman ko pang nagpalipas ka nang gutom isusumbong kita sa Nanay mo" pagbabanta niya sa akin na tanging tango nalang ang nasagot.

Nahihiya ako dahil halos sila ay nanditong lahat sa sala habang pinapagalitan ako. Imbes na kumain ay diretso sa kwarto ang ginawa nila dibale lang sa akin na diretso sa kusina. Sinabi sa amin kanina ni Lennon na hiwalay daw ang kwarto nang mga boys sa amin may CCTV din daw nakalagay sa mga kwarto para mapanatili ang safety namin hindi na kami nakapag reklamo dahil utos ni Tito.

Halos nakalahati ko ang nakaapag na pagkain para sa aming lahat. Gutom na gutom ako nang sobra na pati ang kamay ko ay kulang para kumuha nang kung ano ano. Matapos kung kumain ay nagpahinga muna ako sandali bago tumayo at naiisipang aakyat na din hindi ko parin nakikita ang bag ko hindi ko tuloy alam kung ano ano ang idinala ni Mama sa akin na damit.

Pagkapasok ko ay nadatnan silang nakabihis na nang panibagong damit halos lahat sila ay nakashort ng maikli off-shoulder at crop top mukhang may pupuntahan.

"Ah nagyaya kasi si Lennon na lumabas para libutin ang paligid dito sa bahay nila gusto mong sumama?" tugon ni Angel na sexy ngayon sa sout niyang maong na short at crop top.

"Hindi nalang siguro ako sasama" tipid kong ngiti.

Tumango tango nalang sila at sabay sabay na umalis. Kahit na wala naman talaga akong gagawin dito ay hindi na ako sumama ewan ko ba bakit hindi man lang ako nakakaramdam nag excitement. Hinanap ko nalang ang bag ko na hindi naman ako nahirapan makita nasa tabi iyon nang vanity table hindi siya kalakihan ang bag mukhang kaunti lang ang gamit ko.

Agad ko iyon kinuha at umupo sa may kamay dali dali ko siyang binuksan unang tumambad sa akin ang mga essential na gamit tulad nang facial wash,toothbrush,skin care kemerot atsaka mga pampaganda pulbo,lip balm,lip tint at ako pa nakalagay ang lahat nang ito sa medyo malaking bag sunod ko naman tinignan ang dami ko inalis ko ang tatlong damit ko na halos lahat ata ay oversize, ang sunod naman ay ang dalawang maong na short isang pantalon at isang pajama na pantulog meron pang nakapatong na maninipis na mga short na magaan lang suotin. Pagkaalis ko nang mga short ay nagulantang ako sa sunod kong nakita napasabunog nalang ako nang buhok nang maalala na ito rin pala ang bag na pinaglagyan ko nang mga damit na binili ni Cordin para sa aming dalawa na mukhang hindi na masusuot. Tanga ko nalang kung suotin ko yung isang tapos walang kapares na magsusuot yung isa tss baka pagtawanan pa nila ako mukhang kaunti lang ang masusuot ko dahil hindi ata alam ni Mama na malapit lang ang baguio dito kaya di na ako magugulat na magiging malamig dito.

Thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now