YOUTH 11

144 16 0
                                    

Jeuness P.O.V

"Tumahimik kayong lahat" sigaw ni Alvara. Wala kasi kaming klase ngayon kaya para kaming mga takas sa mental sa sobrang gulo at ingay. May meeting ang mga Adviser sa Social Hall kaya biglang vacant namin.

Kanya kanya kami nang ginagawa ang mga boys sa likod ay nagbabatuhan nang papel na nakapabilog kaya sobrang kalat na ng classroom ang ibang mga lalaki naman ay nakapulong sa may gilid may pinapanuod na di maganda alam niyo na yun.

Kami naman mga babae ay kanya kanya din ng ginagawa ang iba nagaayos yung iba naman ay nagchichismisan nang mga kung ano ano. Kami ay nakahiwalay dahil nasa harap na malapit sa board wala eh Class President tropa namin. Si Alvara.

"Wag ka nang magalit sa amin.hoy" tugon ni Ramsey. Hindi ko kasi sila pinapansin dahil hindi ko parin nakakalimutan ang ginawa nila kahit na naging way yun para magkaroon ako nang boyfriend.

Speaking of boyfiend ay hindi ako nakatulog ng maayos gabi sa kakaisip nang kung ano ano. Ang dami ko nang plano na gagawin namin pero hindi parin naman siya nagpapakita sa akin.

"Alam niyo bang kaunti nalang ay kalbuhin na ako ni Mama buti nalang ay nakatakbo agad ako sa kwarto ko" inis kong tugon sa kanila. Umaapoy si Mama kagabi nang makita akong pumasok sa pintuan namin buti nalang ay medyo magaling akong umiwas sa pagpalo ni Mama  ng sandok sa akin.

"Sorry na,bahala ka jan hindi kita susuyuin" ngusong tugon ni Ramsey sabay alis sa kinauupuan niya. Sira ulo.

Napatigil kaming lahat nang biglang may pumasok na lalaki sa classroom namin pinapasabi daw ni Ma'am Vangie na adviser namin na maglinis nang room kaya kanya kanya kami nang galaw pero may mga iba din na parang walang narinig.

"Sasabihin ko kay Madam kung sino ang mga maglilinis para mabigyan nang plus points" sigaw ni Alvara na nasa table ni Ma'am.

Dahil sa sinabi niya ay gumulo ang lahat may mga kumukuha nang walis at bunot para kiskisin ang sahig ang mga walang hiya ay dumadaan pa sa harapan para maipakita lang kay Alvara na nagtratrabaho sila.

Tumayo na ako at inayos nalang ang mga upuan wala na kasing walis dahil sa mga kumuha. Kasama ko si James kaklase naming na lalaki inayos niya ang kasunod na upuan sabay sigaw.

"Alvara nag aayos ako ah" tugon niya sabay galaw sa lamesa.

"Tss" tugon ni Alvara. Marami ang nakapaligid sakanya dahil na siguro nakikipagplastikan sakanya.

"Ano kaya pwede pang gawin" tugon nang kaklase kong si Paul na nasa likod ko lang.

Humarap ako sakanya."Kumuha kana nang bunot tapos magbunot ka nang sahig" suggest ko sakanya.

Umalis siya at kumuha nga nang bunot dito sa classroom may mga kanya kanya kaming mga ugali pero close namin ang isa't isa nangongopyahan nang mga answer at lalo na pag may quiz.

Nagyaya pa siya nang mga kasama niya kaya dumami na sila ngayon pero mukhang wala siyang balak na mag linis maglalaro lang sila.

Matapos namin maglinis lahat ay kanya kanya naman kami nang labas para bumili nang mga pagkain pero dahil pwede naman ang mag order sa Cafeteria at ihahatid nila ay yun nalang ang ginawa namin.

"Magsisingil ako nang tig bente bibili tayo nang pagkain" tugon nang president.

"Makakatikim ba kami?"

"Oo nga baka burger lang yan ah"

"Wala akong pera abonuhan mo muna"

"Wag nalang tayong magbigay makakakain din naman tayo"

Samut saring mga boses ang mga nagsalita at lahat sila ay mga lalaki ano pa nga ba ang aasahan mo.

"Kung ayaw niyo,edi wag sibukan niyo lang humingi ah" pagbabanta ni Alvara.

Nangolekta na ng tig bente sina Lennon at James na parehong Treasurer mayayaman kami kaya dalawa treasurer namin. Dumating na si Ate na nagtitinda para kunin ang order at bayad namin. Napag pasyahan namin na spaggetti o palabok,ensaymada tapos juice hindi kana rin lugi sa bente mo.

Habang naghihintay kami sa pagdating nang pagkain ay iba nanaman ang mga mundo nang bawat isa hindi na ako nakisali pa kila Lennon na nagkwekwentuhan ng tungkol sa mga lalaki. Habang ako ay nakadungaw lang sa labas nakasalong baba iwan ko pero gusto ko talaga siyang makita ngayon. Ano kayang nangyare bakit hindi siya nagpapakita ngayon.

Dahil nakatingin ako sa labas ay nakita ko si Kuya na papalapit sa room namin mukhang ako lang naman ang nakakita sakanya kaya ako nalang ang kumausap.

"Ano yun kuya?" tanong ko.

"Pwede bang makahiram nang bunot nagfloorwax kasi kami" tugon ni kuya na napakamot pa ng batok mukhang nahihiya.

Tinanguhan ko lang siya at lumapit sa lalagyanan namin nang mga walis dahil doon din nakalagay ang mga bunot. Pagbukas ko ay wala akong nakita kaya pinalibot ko ang mata ko sa buong room pero wala pa din akong nakita. Agad akong lumapit kay Alvara dahil siya lang naman ang nakaka alam.

"Ilan ang bunot natin?" tanong ko.

Kunot noo niya akong tinignan"Lima bakit?" tanong din niya sa akin.

"Wala doon sa lalagyan,tinignan kuna din sa mga sulok sulok wala" tugon ko. Tumayo siya at tumingin din sa mga sulok sulok pero wala talaga.

"Sinong gumamit nang mga bunot,gusto niyo pa yatang iuwi" sigaw na tugon ni Alvara na nakuha ang atensyon nang lahat sinenyasahan ko muna si Kuya na "sandali lang".

"Binalik namin ang mga bunot na ginamit namin" tugon ni Paul na siyang gumamit.

"Tignan niyo sa mga ilalim baka nandiyan" tugon ko kaya kanya kanya sila nang hanap. Kainis dahil sa bunot na yan naiistress ako.

Akmang lalapit na ako kay Kuya para sabihin na nawawala ang mga bunot namin nang may biglang nagmura.

"Tang*ina bakit may bunot sa bag ko" tugon niya. Inilagay niya sa lamesa niya ang bag niya at sabay kuha nang dalawang bunot sa loob tawa naman kami nang tawa.

"Tignan niyo mga bag niyo baka meron" tugon ni Alvara at doon na nga isa isang napamura ang mga kaklase ko paano ba naman ang iba ay may mga bato na nakalagay sa mga bag nila hindi maliit na bato ah kundi yung malalaki. Ang iba naman ay nakatali ang mga bag sa mga upuan nila kaya todo tanggal sila. Ganito lang naman kasama ang buong klase sa sobrang komportable namin sa isa't isa ay kahit na maglagay pa nang mga bato sa bag ay imbes na magalit ay nakikitawa pa. Hindi talaga kompleto ang high school life mo pag walang mga ganitong ganap.

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now