YOUTH 27

98 14 0
                                    

Jeuness P.O.V

"Oo naman hindi naman porque naging tayo ay kailangan mo ng baguhin yung mga ginagawa at nakasanayan mo dati. May kalayaan kang gawin ang gusto mo dahil karapatan mo iyon bilang tao at hindi naman ako nangangamba dahil may tiwala ako sayo." kampanteng tugon ko sakanya. Mula sa tingin niya sa malayo ay dahan dahan niyang binaling ang tingin sa akin. Wala siyang kahit anong sinabi at tinitignan lang niya ako.

"Sorry" malungkot na saad niya na ngayon ay nakatingin parin siya sa akin.

Kunot noo ko siyang tinignan bigla bigla nalang kasi siyang nagsosorry wala naman akong maisip na ginawa niya dibale lang doon sa pagsisinungling niya sa akin.

"Sorry kasi--" pagsasalita niya pero agad itong naputol nang biglang may tumawag kay Cordin sa likuran namin.

"Cordin" mayuming tugon na boses ng isang babae.

Mabilis kung binaling ang tingin ko sa likod namin kaya hindi ko alam kung napatingin din pa siya. Bumungad sa akin ang isang babae na pamilyar sa akin ang mukha parang nakita kuna siya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Nasuot siya nang white t-shirt at blue highwaist na pantalon na pinaresan nang adidas shoes kahit na simple lang suot niya ay masasabi kung napakalakas nang karisma niya.

Masaya siyang naglakad palapit sa amin habang sabay lang kami ni Cordin
na tumayo. Para harapin at salobungin siya.

"Hello" bati niya pero mukhang kay Cordin lang siya bumati dahil sakanya lang naman siya nakatingin.

Hindi ko maiwasan na hindi mainis hello! nandito kaya ako sa harapan din niya pero parang nakakabastos naman ata na hindi man lang niya ako binati.

"Hello" mabait kong bati sakanya kaya napatingin siya sa akin.

Nginitian niya ako sabay lahad ng kanyang kamay sa harapan namin.

"Hi,My name is Angel girlfriend ni Cordin" pagpapakilala niya sa akin.

Biglang tumigil ang mundo ko biglang nanigas ang buo kung katawan na kahit saan mang parte ay hindi ko magalaw. Gulat na gulat man ako ay kinaya ko pang ngumiti kahit na hindi parin ako makapaniwala.

Paano niya naging girlfriend si Angle eh girlfriend niya din ako. Napatawa ako nang mahina baka mali lang ang pagkakaintindi ko. TAMA mali lang dahil ang ibig niyang sabihin ay babaeng kaibigan pero putek hindi naman ganun ako kabobo para yun ang maisip. Tinignan ko lang siya habang naghihintay na may sabihin si Cordin at siya na mismo ang magpakilala sa akin sakaniya pero hindi niya ginawa. Nagmistulang poste lang ako doon na katayo naguusap sila pero wala na akong maintindihan dahil pati ang pandinig ko ay parang huminto din.

G*go ganito pala kasakit ang masaktan. Dati iniisip ko lang itong bagay na to na ano kaya ang mararamdaman ko kung sakaling masaktan ako dahil sa pag ibig. Ganito pala ang pakiramdam na para kang unti unting nasisira na parang silang babasaging gamit. Ang pinagkakaingatan kung puso ay ngayon ay unti unting nadudurog. Tumalikod ako sa kanila nang maramdaman ko ang pagbasa nang aking mga mata pinipigilan ko ang sarili ko na wag maluha pero parang may sariling isip sila nagsisiunahan sa pagpatak.

"Hintayin mo nalang ako sa labas" sa wakas ay nagsalita na din si Cordin.

Hindi ko makita ang mga mukha nila pero alam ko na hindi matatago sa mata nila ang saya.

Maya maya lang ay nakarinig ako nang mga yapak na papalayo sa amin na mukhang si Angel iyon. Nanatili lang akong nakatayo doon at hindi ko alam kung ano ang lalabas sa mga bibig ko ngayon.

"Sorry" mahinang tugon niya na nakayuko ko bakas sa boses niya ang lungkot pero siwalang bahala ko nalang iyon. Isa lang ang gusto kong malaman ngayon.

"To...totoo ba yung
si..sinabi niya" utal kong tanong sakaniya habang pinipilit na wag magtunog galit ang boses ko.

Matagal bago siya sumagot kaya napahawak ako sa ulo dahil sumasakit ito.

"KAILAN PA" diko mapigilan ang sarili kung sigaw sakaniya at dali dali ko siyang nilingon na ngayon ay nakayuko parin siya.

Napasabunot ako nang ulo." Wala akong maisip na dahila para gawin mo ito sa akin. Tangina naging loyal ako sayo nakuntento ako sayo tapos ikaw pinagsasabay mo kaming dalawa. Napakagago mo" umuusok kung saad sakaniya. Nang hindi ako nakuntento sa salita ay mabilis ko siyang nilapitan at sinuntok.

Hinawakan niya ako sa aking mga braso para pigilan sa ginawa ko. Pilit kung iniiwasan ang tingin ko kasi hindi ko pa alam kung ano pa ang kaya kung gawin.

"Sinubukan kitang mahalin pero parang lahat ay bumalik nung nakita ko siya ulit. Maniwala ka sa akin araw araw kung sinusubukan kong bigyan ka nang puwang sa puso pero..." malungkot na sabi niya sa akin na nakatingin sa akin. Ayaw kung siyang tignan baka kasinungalingan lang ang makita ko sa mata niya.

"Wala akong puwang kasi siya pa din. Ano nga ba ang laban ko nireto lang naman ako ng mga kaibigan ko sayo habang siya kasama muna simula bata. Nung nagpaalam ka nung sabado sa akin na may pupuntahan kang importante nakita ko kayo sa loob ng Mall masayang magkakasama habang kumakain nang lintek na ice cream. Alam mo bang hindi ko nakikita sayo yung ngiti na yun habang kasama mo mo ako." kitang kita ko ang gulat sa mukhang niya habang nakatingin sa akin ngayon.

"Sorry" iyan lang ang nailabas nang bibig niya sa halos lahat nang galit ko sakaniya.

"Alam mo sinira mo ako,sinira mo yung tiwala na binigay ko sayo,sinira mo yung pagmamahal na binigay ko sayo. Haha!Ano na nga bang aasahan ko sa mga katulad mong lalaki ngayon. Gago manloloko manggagamit nang babae para lang sumaya,ganyan kayong mga lalaki kung sinong maraming babae yun ang malakas.G*go hindi kami laruan kung sana pala ay nung una palang sinabi muna sa akin na laro lang pala to para naman may alam ako at hindi na nagseryoso." huling tugon ko sakanya bago ako dali daling umalis.

Pinagtitinginan na nila ako habang naglalakad dahil hindi parin tumitigil sa paglabas ang mga luha ko. Wala naman akong ginawang masama sakaniya para makaranasan ko ito pero okay na din naman ito atleast maaga pa kaysa pinatagal pa niya lalo at papalikutin pa ako.

AYAW KUNA SA MGA LALAKI SABAY SABAY SANA KAYONG MABAOG PARA DINA KUMALAT ANG PAGIGING MANLOLOKO.

Thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now