YOUTH 34

107 16 0
                                    

Jeuness P.O.V

Napasinghot ako dahil sa sariwang hangin nang bumaba kami sa gilid nang daan kung saan tanaw na tanaw mo ang beach resort na tutuluyan namin nang dalawang araw.

Nalaman namin mula kay Lennon na marami mga maipagmamalaking mga dagat at resort dito sa Pangasinan kaya naisipan kaming dalhin dito ni Lennon magstay kami dito nang dalawang araw tapos ay babalik kami ulit sa bahay nila dahil hindi kami pinayagan ni Tito Leno na tumagal dito dahil rin siguro na kami kami lang at walang kasamang matanda.

Sina Alvara ay kanya kanya nang kuhanan nang litrato dahil sa ganda nang paligid. Agad ko na din kinuha ang cellphone ko para makakuha din nang litrato nang paligid at nang sarili ko nahihiya naman akong tawagin sila dahil baka makaistorbo ako.

Libang na libang ako sa pagkukuha nang litrato kaya hindi ko napansin na pumunta na pala ang mga kasama ko sa resort at ako nalang mag-isa dito.

Dahil ba mag isa lang ako iniwan iwan lang nila ako mga hampaslupa. Ang bawat hakbang ko ay may kasamang pagtatabog ang sarap nilang iwanan dito pero syempre hindi ko kabisado ang lugar na ito hindi ako makaalis mag isa baka maligaw pa ako.

Pagkapasok ko sa resort ay mas lalo akong humanga sa ganda nito. Ang mga palamuti nilang galing sa mga kabibe na nakasapit sa entrance nang resort ang kaniyang mga upuan na yari sa matibay na kahoy at ang mga litrato nang mga lugar na pwede mong puntahan dito sa resort na ito. Meron ditong scuba diving,snorkling,banana boat at iba pang mga water activities mukhang mageenjoy kaming lahat dito syempre hindi ako papayag na mabadtrip ako.

"Ang ganda dito" masayang tugon ni Ramsey na nililibot ang tingin sa kabuohan ng loob nang resort.

Lumapit si Nathan sa kaniya at hinawakan niya ito sa kanyang bewang sabay titig nang malagkit dito. Malandi.

Pinili namin na pagtuluyan ay ang house cottage na sikat daw dito sa resort dahil nasa tabing dagat ito na parang cottage pero mukhang bahay....cottage house nga dito at gawa ito sa kahoy kaya eco friendly ito. Pinili namin ang dalawa ang kwarto para nakahiwalay parin kami mga babae sa lalaki.

Nang masigurado na okay na ang lahat ay doon na kami nagsimulang magsaya. Nagpalit na mga swimsuit sina Ramsey habang ang boys naman ay nagsisimula nang magihaw nang mga kakainin namin. Wala akong balak na maligo at wala din naman akong pagligong damit dahil sakto lang ito sa pangdalawang araw na stay namin dito.

"Alis muna ako" paalam ko kay Lennon dahil alam ko naman na magagalit siya sa akin mamaya at baka hanapin pa ako. Mabilis niya akong tinignan kasama sina Meynard na nakarinig sa pagpapaalam ko.

"Saan ka pupunta?" agad na tanong niya sa akin hindi parin nila inaalis ang tingin nila sa akin kaya mukhang gusto din nilang malaman.

"Maglalakad lakad lang muna ako" tugon ko bago tumalikod at magsimulang maglakad iniwan ko na din doon ang tsinelas na suot ko gusto kong maramdamn ang alon sa aking mga paa.

Nakakarelax ang paligid na ito kung stress ka sa trabaho o kaya naman may problema ka ito ang magandang puntahan mabubusog ka sa ganda nang lugar na ito mas lalong mong maapreciate ang creation ni God. Para kang dinuduyan sa bawat pag dating nang alon sa dalampasigan isama mo pa ang mga rock formation na matatawag mo art. Kung ano man ang iniisip mo dito magandang ilabas ang lahat masarap sigurong tumira dito yung bang araw araw mong nakikita ang ganda nang tanawin na ito sa bawat pagmulat nang mga mata mo mabibighani kana.

"Ang ganda no" biglang may nagsalita sa aking likuran na agad kong tinignan.

Kita ko si Cordin na dahan dahan naglalakad na hindi kalayuan ang distansiya sa akin. Para pati siya ay nabighani din sa lugar na ito tumingin nalang uli ako sa harapan ko at hinayaan siyang sundan ako ayaw kong masira ang mood ko.

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now