YOUTH 18

122 12 0
                                    

Jeuness P.O.V

"Malapit na ang sembreak niyo kaya isa lang ang ibig sabihin, malapit na din ang inyong final project". Tugon ni Ma'am sa aming lahat ngayon na nasa loob nang classroom.

Dahil sa sinabi ni Madam ay kanya kanya kaming daing dahil isa lang ang ibig sabihin nun. Magiging busy na uli ang lahat.

Siguro kasi na magiging mahirap nanaman ang project katulad nung last year na kinailangan pa namin na makipag sleepover sa bahay nila Lennon para lang matapos namin ang project. Sana magkagroup parin kami para naman mas magaan at mas masaya.

"Ma'am naman baka naman pwedeng lagpasan". simangot na tugon ni Vesper na napapakamot pa sa batok niya.

Kanya kanya ulit kaming agree sa sinabi niya kaya mas lalo kaming umingay.

"Cge, pwede naman kitakits tayo next school year ulit" tugon ni Ma'am.

"Hindi naman pwede yun" tugon namin nilang sabay.

Naglakad papunta sa harap si Ma'am at tinahak ang last row. Habang nakalagay ang mga kamay sa harap niya na nakakrus pa.

"Ngayon year na ito ay magiging by two lang ang groupings natin dahil magiging madali lang naman ang ibibigay namin sainyo. Ngayong hapon kuna sasabihin kung ano ang magiging project niyo kaya be ready na. Yung mga ibang information ay mamayang hapon niyo na malalaman." Tugon ni Ma'am sa aming lahat na ngayon ay nasa harap na ngayon.

Tahimik naman kaming lahat at nakikinig nang mabuti sa sinabi ni Ma'am. Mukhang seryoso ang lahat mukhang alam nila kung kailan ilalabas ang kanilang kalokohan.

Nagsimula nang magturo si Ma'am matapos niyang sabihin ang project namin. Kahit na gusto kung intindihin ang mga sinasabi ni Ma'am sa harapan ngayon pero wala talagang pumapasok sa utak ko kundi ang plano ko tungkol sa vacation namin.

Tignan niya advance akong magisip hindi pa nga nasasabi ang project namin pero ang bakasyon na agad ang iniisip ko. Tradisyon na namin nila Alvara na magbakasyon pagkatapos ang sembreak pumupunta kami sa probinsiya nang kung sino mang free gaya nang last travel namin sa probinsiya ni Ramsey sa Cavite kami pumunta nagstay kami doon nang mahigit tatlong linggo din. Pumunta kami sa mga ipinagmamalaki nilang mga bayan kung saan nakita kami nang magagandang mga pagkain,bagay. At ngayong bakasyon sa probinsiya naman ni Lennon sa Pangasinan naman. Balak kung isama si Cordin kung sakaling sasama siya yun ang first travel naming dalawa.

"Hoy!" sigaw ni Ramsey sa akin na nagpagising sa akin. Nakatingin silang lahat sa akin ngayon.

Napa ayos ako nang upo at nang mukha.

"Ahem" mahinang tugon ko.

"Saan na ang narating mo ah." bulong sa akin ni Ramsey na katabi ko.

Inikutan ko lang siya nang mata. Nakaisip na sana ako nang plano kung ano ang gagawin namin ni Cordin doon. Panira nang mood.

"Panira ka,makinig ka nalang kaya." tugon ko sakanya kahit na ako naman din ay hindi nakikinig.

Akala ko ay nakikinig na siya dahil bigla siyang tumahimik pero maya maya lang ay nakatanggap ako nang sapak sakanya.

"Ano?." inis kong tugon sakanya na hawak ang ulo ko.

"Ano?unano." tugon niya.

Natapos ang klase namin na nag aasaran lang kaming dalawa ni Ramsey ayaw niya kasi ang tantanan na asarin nung kung ano ano.

Naglalakad kami ngayon papunta sa Cafeteria para maglunch.

"Sana naman ay madali lang project natin" tugon ni Alvara na nasa harapan ngayon kasama ang boyfriend niya si Vesper.

"Wag ka nang umasa dahil siguro pa sa siguro na sunog kilay nanaman ulit ang peg natin" tugon ni Lennon.

Umiling iling si Ramsey.

"Nakakabangungunot" tugon niya na ginugulo gulo pa ang buhok.

Nag order na kami nang kakainin namin at naghahanap nalang nang mauupuan para kumain na. Nakausap ko kanina si Cordin na sabay kami ngayon na kumain kaya paniguradong nakaupo na iyon kanina pa kasi ang labas nila.

Naghahanap kami nang mauupuan nang bigla nalang akong itulak ni Lennon buti nalang ay mahigpit ang kapit ko sa tray kundi tapon ang lahat. Masama ko siyang tinignan habang siya naman ay nakanguso nung una ay akala ko ay nang aasar siya pero doon ko narealize na may tinuturo siya.

Agad kung tinignan kung saan nakanguso si Lennon at doon ko nakita ang nakapagwapo niyang mukha ang kaniyang mukha na maliit,ang mga mata niyang may magnet habang ang ilong niyang kay tangos higit sa lahat ang labing kissable.

Yawa! Kung ano ano na ang iniisip ko.

Nginitian ko siya na agad naman niyang sinuklian. Kinuha niya ang bag niya kasama nang tray kung saan nandoon ang pagkain niya.

"Tara na" tugon niya sa akin nang makalapit na siya sa akin.

Tumango nalang ako at akmang pupunta na sa lamesa nila Alvara nang bigla nalang niya akong hinila gamit ang kanyang isang kamay.

"Gusto kong masolo ang girlfriend ko." bulong niya sa'kin habang nakahawak ang mga kamay namin. Hindi ko maiwasan na mamula sa sinabi niya sabihin niyo nang mababaw lang pero nakakakilig.

Nakarating kami sa lamesa na pang dalawaan lang matapos niyang binaba ang tray niya ay agad siyang pumunta sa likod ko para hilaan ako nang upuan.

"Thank you" nakangiting tugon ko.

"Iloveyoutoo babe" tugon niya habang papunta sa harapan ko.

Hindi ko alam kung mukha naba akong kamatis sa pamumula o parang natatae na ewan.

"Kain na tayo"tugon niya.

Nagsimula na kaming kumain nang tahimik nang muli ko nanaman naalala yung plano ko para sa bakasyon namin.

"Hmmm... may gusto sana akong sabihin" pagsisimula ko.

Binaba niya ang kutsara at tumingin sa akin.

"Ano yun?" tanong niya sa akin.

Imbes na sagutin siya ay agad kung kinuha ang notebook ko sa aking bag at agad na nilagay sa harapan niya. Habang siya naman ay nakakunot ang noo.

"Nakagawian na kasi namin nila Lennon na magbakasyon pagkatapos nang final project namin gusto kitang isama. Gusto ko sana na magsulat ka nang limang gusto mong gawin natin pag nakarating na tayo doon tapos susulat din ako nang lima para fair." paliwanag ko sakanya.

Tumango tango siya kinuha niya ang notebook at nilagay sa bag niya.

"Mamayang hapon ko nalang ibalik sayo" ngiting tugon niya sa akin.

"Cge,wag kang mag alala at magdalawang isip na sumulat nang kung ano anong gusto mong gawin natin dahil kahit ano pa yun basta magkasama tayo" tugon ko.

Tumawa siya nang malakas at agad na tinago ang mukha sa pagitan nang mga palad niya habang nangangamatis ang pisngi.

KINIKILIG BA SIYA?.

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now