YOUTH 6

218 18 8
                                    

Jeuness P.O.V

Tamad akong bumangon sa higaan ko para akong pagod na pagod dahil sa mga nangyayare sa school.Simula kasi nang makilala ko ang napaka isip bata kong manliligaw...Oo talagang pinandigan kuna na manliligaw ko siya dahil araw araw niyang ginugulo ako.Halos isang linggo na din ang lumipas nang bigla nalang kunin nang mga kaibigan ko ang bag ko at ibinigay yun kay Cordin para magkita kami.

Ang daming nagbago sa mga nakagawain ko gigising,papasok,tapos doon na magsisimula ang lagi kong sakit sa ulo.

Bumaba na ako para kumain nang almusal.Natadnan ko sa kusina si Kuya na kumakain mag isa kaya agad akong umupo sa tabi niya.

Napatigil siya sa pagkain niya at tumingin sa akin na parang may dumi ako sa mukha.

"Alam ko na maganda ako kaya wag mo na akong masyadong titigan,alam kuna" biro ko kaya agad niya akong pinagtawanan.

"Tss,hindi ka maganda kung inaakala mo...pero maiba ako totoo ba ang naririnig ko na nililigawan ka ni Cabrera" seryosong tugon niya kaya naman naging seryoso na din ako.

Bigla akong nakaramdam nang kaba nung tinanong sa akin iyon.Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko baka magalit si Kuya pag sinabi kong Oo.

"Bakit?" yan nalang ang naging tugon ko.

"May girlfriend yung lalaking iyon,nasa Laguna doon nag aaral kaya kung ako sayo lalayuan kuna yang Cabrera na yan" tugon niya.

Bigla naman akong naguluhan may Girlfriend siya ang sabi niya sa akin wala.Lagi ko siyang tinatanong at inaasar na baka may magalit sa mga ginagawa niya para sa akin ang lagi naman niyang sagot wala.Hindi ko alam kung kanino ako maniniwala pero baka hindi tama si Kuya pero pwede din naman na tama siya.Mas mabuti nalang siguro na kausapin ko siya mamaya para maliwanagan ako pero kung totoo nga na may girlfriend ko anong mararamdaman ko.

Ewan ko.

Sa isang linggo namin magkakilala at magkasama medyo nagiging malapit na din kami sa isa't isa para ko na rin siyang tropa slash manliligaw.

Hindi ako nakakain nang maayos kakaisip sa sinabi ni Kuya.Hindi naman basta basta magsasalita nang ganun si kuya para sirain ang isang tao atsaka paniguradong ako lang iniisip niya.

Pagkapasok ko sa gate nang school ay hindi na ako nagulat nang biglang sumulpot si Cordin bigla sa harapan ko nakagawian na niya na kakasimula palang nang araw ko sisirain niya na.

"Magandang Umaga" tugon ko.

"Mas maganda kapa sa umaga" banat niya na hindi na bago dahil yun nalang lagi ang sinasabi niya.

Niligpasan ko lang siya kaya todo habol sa akin para magsabay kaming maglakad.Hindi ko kasi alam ang gagawin ko ayaw kung magtanong sakanya at baka di ko magustuhan ang isasagot niya pero....hayss.

"Ilan na naging ex mo?" Tanong ko sakanya.

Napatingin ito sa akin at tumawa.

"Bakit?" Tugon niya.

Nakibit balikat ako"Wala naman gusto ko lang malaman"tugon ko.

"Hmmm...isa palang ex ko eh first love mukha lang akong gago pero matino ako sa mga babae may kapatid kasi akong babae ayaw kong magloko." Tugon niya mukhang yung sinasabi ni Kuya na girlfriend niya sa Laguna ang ex niya dahil isa lang naman ang nagiging ex niya.

"Bakit kayo naghiwalay?" naging curious ako kung ano ang nangyare sa kanila.

"Umalis siya nang hindi nagpapaalam sa akin,sa probinsiya na daw siya mag aaral.Nagising nalang ako nun na wala na sila tinanong ko doon sa mga kapitbahay namin ang sabi umalis na daw sila.Kababata ko siya at dahil na rin siguro sa lagi kaming magkasama nahulog kami sa isa't isa at di kalayunan ay naging kami.Tumagal din kami nang isang taon dahil na rin siguro sa legal kami sa mga pamilya namin kahit mga bata pa kami." pagkwekwento niya.

"So kung hindi kayo nagkita bago sila umalis paano kayo nagbreak through chat?" tanong ko.

Mukhang tama nga ako na yung babaeng nasa laguna yung tinutukoy ni Kuya na girlfriend niya.Pero paano naman kaya nalaman ni Kuya yun nasa ibang school siya kalalaking tao chismosa.

"Wala pa kaming mga cellphone nuon" sagot niya.

Sa kwentuhan namin ay hindi ko napansin na nasa harapan na pala kami nang pintuan nang classroom kaya kahit na marami pa akong gusto itanong biglang umurong ang dila ko.

"Bat mo nga pala natanong?" kunot noong tugon niya.

"Wala naman naiisip ko lang" pekeng ngiti ko.

Nagulat ako nang dahan dahan niyang kinuha ang mga kamay ko at tinignan ako.

"Wag kang mag alala ikaw lang naman eh wala nang iba,hihintayin kita hanggang masagot muna ako" tugon niya.

Natango nalang ako at nagpaalam na siyang umalis dahil malalate na siya sa klase niya.

Sana wag siyang magsawa na hintayin ako dahil kinikilala ko pa siya ayaw kung pumasok sa isang relasyon na gusto ko lang siya kundi dahil mahal ko siya. Wala man akong karanasan sa pag ibig nayan pero alam kung mahirap.

Gusto ko pag sinagot ko siya walang ibang babaeng kasali.

"So kailan ang monthsary" bungad sa akin ni Lennon nang makapasok na ako.

"Sira ka,walang kami" tugon ko at umupo na sa aking upuan.

Kanya kanya sila nang palibot sa akin na mukhang tatadtadrin ako nang mga tanong.

"Bat parang ang tagal mo naman siyang sagutin" tugon ni Alvara.

"Wag mo nga igaya sayo si Uness na isang araw lang nagpapaligaw" tugon ni Lennon kaya kitang kita nanaman na magkakasagutan nanaman ang dalawa.

"Atleast hindi  nagwa-wanpipte" tugon naman niya sa Baklang Lennon na nanlilisik na ang mga mata wag kayong mag alala ganyan lang talaga ang dalawa iyan mamaya close nanaman sila.

"Pero baka ses mahinip si Baby Cordin maghanap nang iba" singit naman ni Ramsey.

Hindi naman siguro siya magsasawa dahil kung gusto niya talaga ako kahit na umabot pa nang isang taon ang panliligaw okay lang sakanya.

"Pero hindi na uso ngayon ang magkaroon nang label ngayong panahon natin basta naglalandian kayo parang kayo na din" tugon ni Ramsey.

"Tama siya pero iba parin pero talaga kung pagmamay ari mo siya para alam mo ang gagawin mo kung may sakaling may magtangkang lumandi" tugon ni Alvara.

Tama si Alvara dapat talaga meron kaming label para naman alam mo kung saan ka lulugar atsaka teka lang bakit ba atat na atat silang sagutin ko si Cordin sila pa sasagot eh kinikilala ko pa ang tao.

Ngayon para sa akin sapat na yung gusto ko siya at kung lumalim man ito handa ako.

Iba pa naman ako magmahal binubuhos ko lahat isama muna atay at balun balunan ko.

thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now