YOUTH 30

105 11 0
                                    

Jeuness P.O.V

Nagising ako dahil sa sakit nang aking katawan lalo na ang likod ko. Dahan dahan akong gumalaw para ibahin ang pwesto ko sa pagkakahiga magpapatuloy pa sana ako sa aking magtulog ng may narinig akong ingay mula sa kung saan. Bumangon akong nakapikit pa ang mga mata ko para tignan kung ano ang ingay na iyon.

Dahan dahan kung binuksan ang mata ko na umaadjust pa sa liwanag ng buong room. Nilingon ko ang buong paligid nang masiguradong wala naman iyon ay hihiga pa sana ulit ako dahil sa napagod ako kagabi.

"MARIA JEUNESS SEBRANO" biglang sigaw nang kung sino na rinig na rinig sa buong kwarto. Napatayo ako bigla sa gulat at tumambad sa akin sina Ramsey kasama si Nathan hawak hawak nila ang mga gamit ko pati ang sapatos ko.

"Anong ginagawa niyo dito?" takang tanong sa kanilang dalawa.

Imbes na magsalita si Ramsey ay mabilis siyang lumapit sa akin habang nandoon lang si Nathan na nakatayo.

"Ano pang ginagawa mo jan,aalis na tayo" tugon niya sa akin sabay bigay sa'kin ng sapatos ko.

Agad kong sinuot ang sapatos ko bago ko siyang harapin ulit.

"Hindi ako sasama,sinabi kuna kay Lennon" sabi ko sakaniya tumayo na ako para magkapantay na kaming dalawa.

Napa smirk siya sa akin.

"Tss. Parang hindi mo naman kilala yun hindi papayag na may hindi sasama. Tumayo kana jan kanina pa kami naghihintay sayo buryong buryo na daw si Alvara doon sa labas." tugon niya sa akin.

Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya so kanina pa pala sila dito at hinihintay akong magising. Tama naman din siya dahil kilala ko si Lennon hindi nga papayag yun na hindi sasama ang isa sa amin. Magsasalita pa sana ako para sabihin na hindi ko pa tapos yung folder ko kahit na checking nalang iyon nang bigla nalang nagsalita si Nathan na hawak hawak ang folder ko na tinaas pa niya hanggang balikat niya.

"Tapos muna ang project mo ako nalang din ang magpapasa kay Ma'am Vangie pagbaba natin." seryosong saad niya na tinignan pa ako na parang 'SUMAMA KANA' look.

Huminga ako nang malalim mukhang wala na nga akong takas sa kanila. Kagabi ko pa talaga naiisip na pipilitin nila ako pero hindi ko naman alam na susunduin pa ako at dito pilitin.

"Hindi pa ako nakapagpaalam kay Mama" bigla sabi ko akala ko ay wala na akong madadahilan pero buti nalang ay matalino ako. Bakit nga ba ayaw kong sumama?

Kasi alam kung nandoon sila,sasama din silang dalawa. Ayaw kong sumama dahil baka magmukha lang akong tanga doon. Mas okay nang hindi ako sasama magbobonding nalang kami nila Mama.

Inikotan niya ako nang mata bago magsalita.

"Bago kami pumunta dito nagpaalam na kami kay Tita at nakapag impake narin siya para sayo kaya wala ka nang dahilan para hindi sumama kaya tumayo kana diyan dahil kanina pa naghihintay sila Lennon doon sa baba ikaw nalang ang hinihintay." inis na tugon ni Ramsey kaya wala na akong nagawa kundi inayos ang sarili ko,inayos ko ang damit ko na gusot na dahil sa pagkakahiga ko inayos kuna din ang buhok ko.

Nagsimula na silang maglakad kaya sumundo na ako. Pagkarating namin sa ground ay nagkahiwalay kami ng daan dahil sabi nga ni Nathan ay siya na daw ang magpapasa habang kami ay papunta na sa labas.

Nang matanaw kuna ang kulang itim na van ay binagalan ko ang paghakbang parang hindi pa ako handang makita siya mukhang nahalata naman ni Ramsey iyon.

"Wag mo silang tignan kung ayaw mo,isipin mo na wala sila para dika mahirapan." tugon niya mula sa likuran ko.

Hindi na ako sumagot madaling sabihin pero mahirap gawin ang mga sinabi niya. Pagkalapit namin sa van ay agad itong bumukas at sobrang suwerte ko dahil silang dalawa ang bumungad sa akin.

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now