YOUTH 4

277 24 10
                                    

Jeuness P.O.V

Hingal na hingal ako nang maabutan ko ang loko nakikipag usap sa tatlong lalaki sa bench na mukhang mga kaibigan niya.

Hindi muna ako lumapit sakanya dahil baka kung ano ang sasabihin niya pag nakita niya ako hindi ko pa naman alam kung ano ang takbo nang isip niya.

Umupo muna ako saglit sa kabilang bench kung saan nandoon sila.Hindi ko naman din ugali na makinig sa usapan nang may usapan kaya nagmuni muni muna ako habang nagpapahinga.Malayo layo din ang tinakbo ko para makita siya.

Habang tumitingin ako sa mga taong papalabas na nang school ay hindi ko sinasadyang marinig ang sinabi ni Cordin sa mga kaibigan niya.

"Siya nga pala si Jeuness nililigawan ko" tugon niya.

Mukhang nakita niya na ako kahit hindi ko man nakikita ay paniguradong tinuturo niya ako dahil hindi naman ako malayo sa kanila.

"Kita niyo siya,siya yun oh" tugon niya.

Napalakas ang pagkasabi niya kaya medyo may mga napatingin sa akin bigla naman akong nakaramdam nang hiya kaya todo takip ako nang mukha ko.

Ano pa ang nasa isip niya,pinapakilala niya ako o gusto niya lang akong asarin.Masyado akong mahiyain kaya ayaw na ayaw ko ang pinagtitinginan ako dahil hindi naman ako sanay.

Binaling ko nalang ang tingin ko sa kabilang banda para magmukhang hindi ko narinig ang mga sinabi niya.Bigla akong napatayo sa gulat nang may biglang humila sa aking kwelyo kaya napasama ako.

"Wag kang magpanggap na hindi mo ako narinig" tugon niya habang hila hila parin ako.

"Ano ba" tugon ko at tinabig ang kamay niya sa kwelyo ko.Tinignan ko siya nang masama.

Nginitian lang ako nang loko at tumingin sa mga kaibigan niya.Bigla niya akong inakbayan na pilit kong inaalis pero masyado siyang malakas.

"Siya nga pala si Jeuness" pagpapakilala niya sa akin.

Agad akong napangiti sakanila na agad din nilang sinuklian.Infairness ang gwagwapo nila ah halatang habulin nang mga babae.Unang naglahad nang kamay ang lalaking medyo singkit na makamatay ang ngiti.

"Meynard" ngiting tugon niya.

Tinangap ko iyon at ngumiti din nakakabaliw ang ngiti niya hindi nakakasawang tignan.

"Jeuness" tugon ko.

Sumunod naman ang lalaki na mukhang iba ang lahi dahil sa kulay nang balat niya at mata medyo brown.

"Ethan" pagpapakilala niya.

"Nathan" pagpapakilala din nang isa.

Magkapatid siguro ang dalawang ito pero hindi naman siya magkamukha pahaba ang mukha ni Ethan habang medyo bilog naman ang mukha ni Nathan ang mga mata din nila ay magkaiba.Kahit saan mo anggulong tignan hindi talaga sila magkamukha.

Nakarinig ako nang pagtawa kaya bigla akong natauhan na kanina ko pa pala sila tinitignan.

"Hindi kami magkapatid,sadyang magkatunog lang ang pangalan namin" patawang tugon ni Ethan.

"Ganun ba hehe" tugon ko.

"Oh paano mauuna na kami,magdadate pa kasi kami eh" tugon ni Cordin na agad kong tinignan.

Nagtawanan pa sila na mukhang hindi na nagulat sa inasal ni Cordin.Pasekreto ko siyang siniko kanina pa siya namumuro sa akin.

Anong date?uuwi na kaya ako agad dahil patay ako kay Mareng Jane (Mama)pag ako ay nalate uwi ano nanaman ang sasabihin kesyo  hindi ko alam kung anong oras ang uwi ko.

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now