YOUTH 29

102 12 0
                                    

Jeuness P.O.V

"Opo Ma medyo malalate po akong uuwi ngayon." tugon ko kay Mama sa telepono. Tinawagan ko siya para sabihin na malalate akong umuwi dahil ginagawa ko parin itong error sa folder ko.

"Ganun ba,cge tawagan mo ako pag pauwi kana para maipasundo nalang kita sa Kuya mo" sabi ni Mama sa kabilang linya na mukhang nanunuod nang balita dahil naririnig ko ang boses nang TV.

"Opo Ma" saad ko bago ko ibinaba ang tawag. Napahawak nalang ako nang buhok ko dahil sa kastress ang sabi ni Ma'am ay kaunti lang ang mali pero nung binuklat ko ay halos kalahati nang project ko ay may kulay pulang mark na nagpapakita na mali. Nandito parin ako sa room kasama si Ma'am na dito na piniling gawin ang checking kasama din naman ang mga ibang hawak niyang section na may mga mali din sa kanilang folder kaya hindi ako nag iisa dito.

Huminga muna ako nang malalim bago ulit inumpisahan ang ginagawa ko inioff ko muna din ang cellphone ko para masigurado talaga akong makakafocus ako at sa kadahilanan narin na tinatadtad na ako ng mga chat nang tatlo mukhang nasagap na nila ang nangyare sa amin. Tumingin ako sa orasan nang room at mag aalas singko na pala kaya medyo dumidilim na din hindi naman masyadong nakakatakot dahil bagong gawa palang naman itong building at lahat naman nang ilaw dito mapahallway o classroom ay nakasindi ang ilaw dahil may kanya kanya din silang ginagawa pag ganitong panahon nang final project dito mo talaga masasabi na ang school ang second home mo dahil mararanasan mo ang matulog dito. Dahil nung mga baguhan palang kaming apat dito nila Ramsey ay nasubukan namin ang camping sa labas ng school mahigit limang araw dahil sa pagtapos nang project at doon kaming nagtanda na kailan namin tapos agad ang mga gawain lalo ang project.

Sa makalipas na oras ay pagaasikaso ang at paguulit ang ginawa ko. Inayos ko yung mga grammar na hindi naman mali kulang lang at mali ang pag gamit nang mga words,inulit ko ang mga dapat ulitin pero hindi parin sapat para matapos ko ngayong araw lang dahil tumingin nanaman uli ako sa orasan at magaalas otso na nang gabi ng hindi ko namamalayan. Mapaunat ako nang kamay kaya napatingin sa akin si Ma'am narinig kong mahina siyang napatawa.

"Ano uuwi kana ba?" tanong niya sa akin na napaunat din nang katawan.

"Opo Ma'am medyo lumalalim na din po ang gabi kaya bukas ko nalang siguro itutuloy uli" tugon ko kay Ma'am habang nagliligpit na para sa paghandang umalis.

"Kung ganun ay mag ingat ka sa paguwi mo. Mukhang may kasama ako bukas ah" biro ni Ma'am kaya napatawa ako.

Nagpaalam na ako kay Ma'am para umalis. Bumaba akong magisa sa hagdanan kaya ang tunog lang nang sapatos ko ang naririnig may mga nadaanan akong karamihan sa mga classroom ay may nakahanda nang paghigaan ang mga estudyanteng mag iistay dito.

Tahimik akong naglalakad palabas nang makasalubong ko bigla si Angel na mukhang papasok naman nang school. Agad akong yumuko para at nagdiridiretso sa paglalakad pero namukahan parin ako.

"Ikaw yung kasama kanina ni Cordin diba?" nakangiting tugon niya ganun parin ang suot niya dibale lang dahil may dala itong isang paperbag. Mukhang napansin niya ang pagtingin ko sa paperbag.

"Pinagdalhan ko siya nang dinner niya hindi pa kasi siya kumakain" saad niya sabay taas sa paperbag na hawak niya.  Nagtataka ko siyang tinignan hindi ko alam na may project din pala sila hindi man lang niya nabanggit sa akin.

Malungkot ko siyang tinignan. Buti pa siya kahit kakarating niya lang alam niya.

"Matagal na kayong dalawa?." biglang tanong ko sa kaniya na kahit ako ay nabigla sa nilabas nang bibig ko.

Sumilay sa kaniya ang maganda niyang ngiti habang nakatingin sa itaas na parang binabalikan ang lahat nang moment niya.

"Oo matagal na kami halos 3 years na din naging LDR lang nang pumunta ako sa Laguna para doon mag aral pero matatag kaming dalawa kaya hanggang ngayon kami pa" masayang sabi niya.

Ang tagal pala nilang dalawa samantalang kami mag three months palang ngayong month na ito. Parang mas lalo kong sinasaktan ang sarili ko at ngayong kausap ko siya.

"Hindi ko nga akalain na maraming naging kaibigan dito si Liam dahil ang buong akala ko lang ay si Mark lang kaibigan niya." tugon niya sa akin.

"Sino si Liam?" nagtatakang tanong ko sakaniya.

Napatigil ito saglit at biglang tumawa na may pahampas pang nalalaman.

"Ay sorry si Cordin nakalimutan kong yun nga pala ang tawag niyo sakaniya. Arzealiam Cordin full name niya." paliwanag niya sa akin. Mukhang kilala nga talaga niya si Cordin nagmumukha tuloy akong walang alam dito. Tumango tango nalang ako sakaniya.

"Cge mauuna na ako sayo ah. Ako nga pala si Jeuness" pagpapakilala ko sa sarili ko kahit na ayaw ko pero nagmumukhang bastos naman ako kung bigla bigla nalang akong aalis.

Nagsimula na akong maglakad at iniwan siya doon na nakatayo. Hindi pa man ako nakakalayo nang marinig ko ang pagtawag sakaniya ni Cordin buti nalang ay umalis na ako kong hindi ay baka matameme ako.

*****

Kinabukasan ay may lakad kami nila Mama nagyaya kasi si Papa na kumain kami sa labas kasama ang mga anak niya nila ni Tita Rose kaya hapon na nang pumunta ako sa school para tapusin ang natira ko pang gawain kahapon. Wala na akong ibang ginawa sa loob sa room kundi iyon lang kasama ko pa din si Ma'am kaming dalawa nalang ngayon. Nang makaramdam ako nang gutom ay tumigil muna ako at nagunat unat tumingin ako sa paligi at maggagabi nanaman ng hindi ko namamalayan. Agad kong kinuha ang cellphone ko na halos pumuputok na sa sobrang text at call nang mga kaibigan ko na kahit isa ay wala akong binibuksan.

Tinawagan ko si Mama para sabihin na malalate nanaman ako nang uwi pero hindi na siya pumayag dahil wala daw magsusundo sa akin. Dito nalang muna daw ako matutulog syempre kinausap muna niya si Ma'am. Pagkatapos nang tawag ay nagtext naman ako kay Lennon para sabihin na hindi na ako sasama.

Mareng Lenna
Hindi na ako sasama bukas.Enjoy nalang kayo.

Text ko sakaniya wag na kayong magulat kung bakit ganun pangalan niya sa akin pangarap kasi niyang maging babae hayaan na natin.

Agad din akong nakatanggap nang replay niya.

Mareng Lenna
Subukan mo lang na hindi sumama. Pasusunog ko bahay niyo.MARIA

Thank you for reading♡
please vote and comment♡

-spicyerisa

YOUTH LOVE[COMPLETED]Where stories live. Discover now