32

280 12 0
                                    

Chapter 32

Balik ulit sa dati ang lahat pagkatapos ng Inter high. Mas napapadalas na ang pag punta ko sa bodega dahil nagiging busy na si Gab sa pag-aaral nya. Nandito ako ngayon sa bodega kasama si Blaster. Nakakapagtaka lang kasi wala si Barbara.

"Ang lalim yata ng iniisip mo,"

Nilingon ko ang katabi. "Wala lang 'to,"

Napailing sya. "Anong wala? Meron kaya,"

Inirapan ko sya at inalis na ang tingin sa kanya.

"Sa sobrang lalim ng iniisip mo, nalunod ako," sabi pa nya. "Pero mabuti na lang marunong ako lumangoy,"

Napakunot noo ako.

He laughed.

"Nakakatawa 'yun?" Walang emosyon kong sabi.

Natigilan sya at sumeryoso. "Hindi,"

Ang weird talaga ng taong na ito. Naalala ko tuloy iyong mga araw na may sumusunod sa akin. Hindi ko akalain na kasama ko ang taong iyon ngayon.

"Bakit ka nga pala pumayag na maging spy ko?"

Nilingon nya ako. "No choice, eh. Hindi raw ipapagamit sa 'kin ni dad ang kotse ko,"

Inalis nya rin naman kaagad ang tingin sa akin. Kinagat ko ang pang ibabang labi at pinilit kong hindi matawa.

"Eh?" Naiusal ko.

He nodded. "Hindi naman ako nahirapan kahit pa saan ka nagpupupunta. Ang dali mo lang hanapin,"

Napairap na lang ako sa kawalan.

Pagkatapos ng nakakapagod na ensayo ay nagpasya na si Blaster na pauwiin kami. Napamura ako sa isip nang makita na wala ng hangin ang lahat ng gulong ng kotse ko.

"Pinagtritripan ka,"

Nag angat ako ng tingin sa taong nagsalita. "Nakakainis na!" gigil kong sabi. "Baka mag taka na ang dad at kuya ko kapag nalaman nila 'to,"

Sinilip nya ang baba ng kotse ko. "Aayusin ko," sabi ni Blaster. "Sa susunod wag ka na mag dala ng kotse. Ihahatid na lang kit–"

"Hindi," putol ko sa sasabihin nya. "H-Hindi pwede..."

Hindi nya na ako pwedeng ihatid ulit kasi baka makita na naman sya ni Gab. Sigurado ako na magseselos naman iyon sa kanya. Eh, ano naman?

Tumuwid sya ng tayo. "Bakit? Baka mag taka na sila kapag naulit pa,"

I sighed.

Saturday ngayon at niyaya ako ni Eco Aladdin sa bahay nila dahil may binake raw na cake ang mommy nya. Pagbaba ko pa lang ng kotse ay sinalubong na ako ng mahigpit na yakap sa bewang ni Elvib.

"I miss you, ate Mak!" magiliw nyang sabi. "Bakit ngayon ka lang po ulit bumisita rito?"

Pinisil ko ang pisngi nya ng ngumuso ito at sabay kaming natawa.

I smiled. "Busy ako, eh," sabi ko. "Hayaan mo magpaplay tayo mamaya. Okay?"

Tumango sya habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. Sumulyap ako sa bintana ng kwarto ni Gab pero hindi ko sya nakita. Niyaya ko na lang na pumasok sa loob si Elvib at pinuntahan si Eco Aladdin sa kitchen nila.

"Kuya, Eco! Nandito na si ate Mak!"

Nilingon kami ni Eco Aladdin.

Nakasuot sya ng apron at may bitbit na blender. Sinalin nya ang laman nito sa tatlong baso. Umalis din kaagad si Elvib sa tabi ko dahil kukunin daw nya ang mga laruan nya. Pinanood ko lang si Eco Aladdin na matapos ang ginagawa dahil ayaw nya naman magpatulong.

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now