8

574 16 0
                                    

Chapter 8

"Who's your date?"
"Boyfriend ko!"
"Wala kang boyfriend!"
"May face of the night ba?"
"Ewan ko,"

Loud fucking music. Loud fucking people. Loud fucking environment. Nice.

I'm wearing an off shoulder black dress. All black. Mula sa suot na sandals, kwintas at hikaw. Nakabrush up at straightened ang buhok ko. Nakakairita.

Sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ako a-attend pero nakakatawa lang kasi nandito ako ngayon. Pinilit lang naman ako ni Ali, Jud at Ina. Lumuhod pa ang mga ito sa harap ko. Nakonsensya naman ako kaya pumayag na lang ako. Ngayon lang ako nakapunta sa ganito. Wala pa akong first dance ever since. Hindi ko pa nararanasan kahit sa kasalan man lang. Ang boring. Hindi pa kasi nagsisimula ang JS Prom. Ang sabi nila ay inaayusan pa ang ibang teachers. Tumutugtog ang mga banda for entertainment. Madami na rin namang tao.

"Pupunta ba ang boyfriend mo, Ali?" si Ina.

Nilingon sya ni Ali. "Oo!"

"Papuntahin ko nga rin ang boyfriend ko," si Jud.

Natawa kaming tatlo sa kanya.

"Bakit?" Tanong nya.

"Wala kang boyfriend!" sabay-sabay naming sabi.

Napakamot ulo naman sya.

"Good evening, lady's and gentlemen!" magiliw na sigaw ng emcee.

Umugong ang malakas na musika na gawa ng dj. Mas umingay na naman ang paligid kumpara kanina. May tumatalon, sumisigaw at tumatawa. Nag perform ang dance troupe ng school ng ilang sayaw. Naka-all black ang mga ito at nakamaskara.

Napalitan ng dim at disco ang ilaw. Ang tutog na masigla kanina, ay napalitan ng kantang 'Mabagal by Daniel Padilla and Moira Dela Torre'. Ang mga lalaki ay naghanap na nang isasayaw. Pinangunahan iyon ng mga senior high students na sinundan naman ng mga grade 10. Nakamaskara ang mga lalaki iyong tipong hindi talaga kita ang kanilang mga mukha habang kami namang mga babae ay nakahair dress.

"May I have this dance?"

Napaangat ako ng tingin nang may naglahad ng kamay sa harapan ko.

"Sige na, Maria!" si Ali.

Nang tignan ko sya ay magsasayaw na sila ng boyfriend nya.

"Gora!" si Ina.

Nilapag ko na ang kamay ko sa kamay ng lalaki. "Uh, sure..." sabi ko.

Ilalagay ang iyong kamay sa aking bewang
Isasabay sa tugtog ng kanta
Ating katawan
At dahan-dahang magdidikit,
ating mga balat
Matagal ko nang gustong mangyari ito

Napatitig ako sa lalaking kaharap ko ngayon. Ewan ko ba, pero kahit na hindi ko sya kilala at hindi ko nakikita ang mukha nya, ay ang komportable ko sa bisig nya. Nang itaas nito ang isang kamay ko at dahan-dahan ako nitong pinaikot ay pakiramdam ko para akong isang prinsesa.

Gusto kitang isayaw nang mabagal
Gusto kitang isayaw nang mabagal
Hawak kamay
Pikit-mata
Sumasabay sa musika
Gusto kitang isayaw nang mabagal

"Thank you, Mak..." he whispered.

I gulped.

"Hoy babae!" si Ali.

Napalingon ako sa kanya.

"Upo na tayo!" si Jud.

Nang ibalik ko na ang tingin sa lalaking kasayaw ko, ay wala na ito. Nilibot ko ang paningin sa paligid. Nasaan na 'yun? I pouted. Pagkatapos ng unang sayaw ay nasundan na naman hanggang sa hindi ko na mabilang. Tinigil pansamantala ang sayaw upang kumain muna. Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na pupunta ako sa comfort room.

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now