9

567 16 0
                                    

Chapter 9

End of school year.

Moving up and Graduation day ngayon. Napuno ng tao ang napakalawak na amphitheater ng school. Hindi ako nakinig sa opening remarks. Naglaro lang ako ng mobile legends.

"With honor... Santos, Maria Angelita Karisma A.,"

DEFEAT!

Nilingon ko ang kinaroroonan nila kuya, dad at mom. Malapad ang ngiti ni kuya at dad habang si mom naman, ay seryoso lang ang mukha. Sinunod ko namang binalingan ng tingin sina Ali, Ina at Jud, natawa ako ng mahina dahil maluha-luha pa ang mga ito. Sina Che, Lars, Eya, Chris at Marie naman, ay nag middle finger sa akin. Mga sutil talaga.

Nginitian ko silang lahat.

Naglakad ako papalapit sa gawi ng family ko. Nang marating ang kinaroroonan ng mga ito, ay kaagad akong niyakap ni kuya at hinalik-halikan ang magkabilang pisngi.

"Congratulations, Maria, my princess!" sabi nya.

I smiled at him. "Thank you, kuya!"

Bumaling naman ako kila mom and dad.

"Congratulations," si mom.

I nodded. "Thank you po,"

Naglakad papalapit sa akin si dad at niyakap ako ng napakahigpit.

"Hindi ako makahinga, dad!" natatawa kong sabi.

Humiwalay na sya sa yakap.

He smiled at me. "You're welcome,"

"Dad!" I pouted.

Hinalikan nya ako sa noo. "Congratulations, babygirl," sabi nya.

Nginitian ko sya ng malapad.

Inasar pa muna ako ng mga kaibigan ko bago kami umakyat ng family ko sa stage. Nginitian ko lahat ng tao sa stage at nakipagshakehands sa kanila nang makuha ang iploma at medal ko.

"Congratulations, Angel!" si Eco Aladdin.

I gave him a tight hug. "Thank you, Eco! Congrats din sayo!"

He smiled. "You're welcome, and thank you!"

"Alam mo, Maria, baka si Eco talaga ang para sayo!" si Ali.

Natawa naman ako sa kanya. "Yan ka na naman sa kakaship mo sa amin, eh,"

"Bagay nga kasi kayo!" sabi naman ni Ina.

Napailing at natawa naman ako sa kanya. "Eco, oh, inaasar nila ako,"

"Malay mo naman tama sila," sabi nya. Nanlaki ang mga mata ko at hinampas sya sa braso. "Shit! It hurts!" reklamo nya.

"Heh! Isa ka pa, eh," singhal ko.

Nagtawanan silang apat.

"Isip bata ka talaga!" asar ni Ali.

Nagtawanan ang tatlo kong kaibigan.

"Oo, ah. Baby yan ni Eco, eh!" si Ina.

Napailing naman si Eco at ngumiti. Sinamaan ko nang tingin si Ina at nagtawanan lang ang mga ito. Nagpaalam naman na ako sa kanila para puntahan ang isa pang circle of friends ko.

"Mauna na kami, Maria! Congratulations ulit," Lars.

"Oh, sige. Thank you sa inyo," sabi ko. Nginitian naman ako ng mga ito. "Sunod kayo sa bahay pagkatapos ng klase nyo, ah,"

"Oo naman!" si Chris.

"Bye, bye!" si Che.

Nagkaroon ng celebration sa bahay pagkatapos ng moving up. Meron sina kuya, dad, mom, tito't tita at mga pinsan ko, mother and father side.

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now