44

227 12 0
                                    

Chapter 44

Umiling ako. "H-Hindi ko alam..."

Napayuko sya.

"What's going on here?"

Nagtaas ng tingin si Eco at sabay naming nilingon ang kadarating lang. Naglakad ito papalapit sa amin. Nang ilang hakbang na lang ang layo nya sa akin ay tumigil sya.

"W-Wala..." sabi ko. "Let's go?"

Hinapit ako ni Gab sa bewang.

"No," pigil ni Eco. Binitawan ako ni Gab at hinarap nya si Eco. "Kasalanan mo lahat ng 'to, kuya, eh,"

"Huh?" naguguluhang sabi ni Gab. "What? Wait–What are you talking about?"

"Inunahan mo 'ko kay Angel, kuya"

"Sinabi ko na nga sayo na gusto ko sya noon 'di ba?" Tinuro pa ako nito. Napatingin ako kay Gab at nakatitig lang ito sa kapatid nya. "Pero anong ginawa mo? Inagawan mo pa rin ako, kuya! You're so selfish! Hindi mo man lang inisip kung anong mararamdaman ko,"

Napahawak ako sa aking dibdib. Nanikip kasi ito at nahihirapan na ako himinga dahil sa mga nalalaman ko ngayon.

"We've talked about this before. You told me that whoever she chooses between us we should be happy. So it's still my fault now that she chose me?"

Nakita kong kinuyom ni Eco ang kanyang mga kamao. "At nagyayabang ka pa ngayon na ikaw ang pinili nya, huh?"

"You moved without hurrying so you got ahead,"

Nagtiim bagang si Eco. "Anong sabi mo?"

Susugurin na sana ni Eco si Gab pero kaagad ko siyang pinigilan.

"E-Eco, wag..."

"Inagaw ka nya sa 'kin, eh!" angil nya. "Ako dapat ang kasama mo ngayon, at hindi sya!"

"You're crazy,"

Nanlisik ang mga mata ni Eco sa galit. Sinugod nya ulit si Gab and this time ay hindi ko na sya napigilan. Sinuntok nya ang kuya nya hanggang sa mapaupo ito.

"Eco!" sigaw ko. "Tama na!"

Hindi pa rin sya tumigil. Patuloy pa rin sya sa pag suntok habang si Gab naman ay sinasangga lang ang mga iyon. Hindi nya nilalabanan ang kapatid nya. Sinubukan kong awatin si Eco pero sinamaan nya ako ng tingin kaya naman ay napaatras ako. Nakakatakot ang mga mata nya.

Nang duguan na ang gilid ng labi ni Gab ay tinigilan na sya ni Eco. Nag aalala akong nilapitan si Gab. Nanghihina syang tumayo. Nang muntik na itong matumba ay kaagad ko syang inalalayan.

"Are you done? Is that all you can do?" Ngumisi si Gab. Dumura ng dugo sa harap mismo ni Eco. "You are just showing her that you don't deserve to be chosen,"

Umigting ang panga ni Eco.

"You're such a mess,"

Kumunot ang noo ni Eco.

"Wag ka ngang mag malinis, kuya. Baka gusto mong sabihin ko sa harap ng girlfriend mo ngayon ang mga nalalaman ko tungkol sa plano mo?"

"A-Anong plano?" naguguluhan kong sabi. Nang lingunin ko si Gab ay nag iwas sya ng tingin sa akin. "Gab, anong plano ang sinasabi nya?"

Binalik ko ang tingin kay Eco.

Ngumisi sya. "Ano, kuya? Hindi ka makapagsalita ngayon 'no? Nasaan na ang yabang mo?"

Dinakma ni Gab ang kwelyuhan ni Eco. "Don't you fuckin' dare. I swear I'll kill you," may diin ang pagkakasabi nya sa mga salitang binitawan nya.

Humalakhak si Eco. "Kita mo na," sabi nito sa akin. "Yan ang totoong kulay ng boyfriend mo. Kung inaakala mong kilala mo na sya, hindi pa,"

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now