39

254 12 0
                                    

Chapter 39

"Oh, c'mon, babe," he said. Natagil naman ako sa pagtawa at nanunudyo syang tignan. "Seriously, I'm the only one who have this,"

Tinignan ko ang gold nyang cross shaped necklace. Mukha ngang sya lang ang meron nito dahil halatang mamahalin.

"Oo na lang," nang aasar ko pa ring sabi.

Nagdilim naman ang paningin nya marahil ay nauubusan na ng pasensya. Tumigil na ako at nag ngiting aso sa kanya.

"You didn't believe me, huh?"

Niyapos ako nito sa bewang na syang kinagulat ko. Pilit ko syang tinutulak dahil baka may makakita sa amin pero ang higpit ng pagkakayapos nya. Mas nilapit ako nito sa katawan nito at hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

"O-Oo na... naniniwala na ako,"

"Nope,"

"Bitawan mo na 'ko," nagpumiglas ako. "G-Gab!"

"I just want to feel your body, baby. What's wrong with that?"

I cleared my throat. "N-Nandito kasi tayo sa labas... baka may makakita sa atin..."

Ngumisi naman sya. "I don't give a fuck, babe,"

Nang ilapit nito ang mukha sa akin ay napapikit ako at hinintay ang susunod nyang gagawin. Marahas akong nag mulat ng mata nang marinig ang halakhak nya.

"What are you doin', babe?"

Sinamaan ko sya ng tingin. "Heh!"

Ramdam kong namumula ang aking mga pisngi dahil sa hiyang nararamdaman. Akala ko kasi ay hahalikan nya ako kaya ako pumikit. Ang tanga ko lang.

"What?" Tatawa-tawa pa rin nyang sabi.

"E-Ewan ko sayo!"

Binitawan na ako nito.

Tinalikuran ko sya at nag cross arms ako. Nakakaasar.

"Babe,"

Hindi ko sya pinansin.

"Baby,"

Hindi ko pa rin sya pinansin.

"Darling,"

Umirap lang ako sa kawalan.

Akala nya talaga madali nya lang ako mapapaamo. Hindi 'no. Hindi na ako marupok ngayon.

"Mahal,"

Hindi ko alam pero bigla na lang nagsaya ang mga butterfly sa loob ng tiyan ko. I swear "Mahal" is the sweetest endearment. Pigil ang ngiti kong humarap sa kanya.

"Mahal your face!" Singhal ko.

He laughed.

"How are you? I hope you are doing well,"

Kasama ko si Eco Aladdin ngayon dito sa isang kilalang coffee shop. Nagyaya kasi sya at libre nya raw kaya naman pumayag ako since katatapos lang din ng klase namin sa hapon. Pagod din ako eh kaya need ko ng kape.

Humigop pa muna ako sa kape aking bago magsalita. "Okay lang ako, Eco," sagot ko. "Ikaw ba? Kumusta ka naman?"

He smiled at me. "Okay lang din ako, Angel,"

Tumango naman ako. "Good for you," sabi ko. Kumuha ako ng cookies at sumubo. "Kumusta pagiging Archi student?"

"Okay naman, maraming pinapagawa, but nag eenjoy ako,"

Ngumiti ako. "Good to hear that,"

"How about you? Kumusta pagiging Crim student?"

"Okay lang din naman," I said. "Nag eenjoy din ako, medyo stress lang,"

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now