34

277 12 0
                                    

Chapter 34

"H-Hello sa inyo..."

Ngumiti ang mga kaibigan ko kay Ali at isa-isa silang nagpakilala sa kanya kahit na alam nila na kilala na sila ni Ali. Nang lingunin ako ni Ali ay nginitian ko sya.

"Hayaan mo na mga 'yun, beh!" si Lars iyon. "We're here na for you!"

Nahihiyang ngumiti naman si Ali. "S-Salamat..."

"Wag ka na mahiya sa amin, girl!" sabi pa ni Chris. Inakbayan pa nito si Ali. "Hindi naman kami nangangain, eh!"

Nagtawanan ang mga kaibigan ko at ganun din si Ali.

"Oo nga," dagdag pa ni Marie. "Simula ngayon kaibigan ka na rin namin,"

Maluha-luhang tumingin sa akin si Ali at sinuklian ko naman sya ng tango. Sabi ko naman kasi na gusto rin sya ng mga kaibigan ko dahil kwinento ko na sya dati sa kanila.

"Ano nga pala kinuha mong course?" Tanong ni Che sa kanya.

"B-Bachelor of Science in Criminology," sagot naman ni Ali.

"Wow!" sabi ni Chris. "Kami rin nila Eya at Maria!"

Nanlalaki ang mga matang tumingin si Ali sa akin. "T-Talaga ba, Maria?"

I nodded. "Yeah, she's right,"

"Mag lawyer naman ako, si Lars mag Flight Attendant. 'Yung isang kaibigan namin mag Nursing," sabi pa ni Che.

Nagkwentuhan pa kami about sa mga pangarap namin para sa sarili, pamilya at mga kaibigan. Natutuwa ako ng sobra dahil naging komportable kaagad si Ali sa mga kaibigan ko.

"Alam mo na rin ba na may love life na si Maria?" si Lars.

Binigyan ko sya ng matalim na tingin.

Tumango naman si Ali.

Paano nya naman nalaman?

"Sinabi lang din sa akin ng mga kaibigan namin sa dati nyang school,"

Nanunukso namang tumingin si Lars sa akin. "Kalat na rin pala sa dati mong school, ah!"

"True!" sabi pa ni Chris. "Wag mo silang biguin, beh!"

Sinamaan ko na lang ng tingin sina Lars at Chris.

Bigla tuloy akong nahiya kay Ali dahil kahit pala hindi na kami nakakapagusap ay alam nya pa rin ang mga nangyayari sa akin. Pagkatapos namin mag bonding kasama si Ali ay hinatid na namin sya sa school nya.

Napakurap-kurap ako nang mapadaan sya harap namin. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa mawala na sya ng tuluyan sa paningin ko. Nakaramdam ako bigla ng pangungulila.

"Maria?" Si Che iyon.

Napalunok ako. "H-Hmm?"

"Sino tinitignan mo dyan?"

"A-Ah... wala, dating kaklase ko lang," sabi ko naman at nngumiti pa ng pilit.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Okay, sabi mo eh,"

Pagkarating ko sa bahay ay kaagad kong binuksan ang Instagram account ko at hinanap ang account ni Adam. Nag scroll ako nang nag scroll hanggang sa magsawa ako. Hindi ako nagkakamali, namimiss ko nga sya. Napailing naman ako. Hindi ko 'to dapat maramdaman. I'm dealing with Gab at ayoko syang masaktan.

Nasa library ako ngayon at tutok sa laptop dahil next week na ang Midterm exam namin. Pansin kong ang sipag ko na mag aral ngayon. Dati kasi ay halos sa mismong exam ako nagrereview at minsan pa nga ay bahala na si Batman. Natawa ako ng mahina.

Pagkatapos kong makuha lahat ng librong kailangan ko ay nag ligpit na rin ako. Naglagay ako ng earphones bago lumabas at inalis ko rin 'yon ng may biglang humawak sa balikat ko.

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now