29

338 12 0
                                    

Chapter 29

"M1T Band!"
"Mahal ko na kayo agad!"
"Hindi mo naman agad sinabi na banda pala ang guest! Ang ga-gwapo nila!"
"Sinabi mo pa! Gwapo na talented pa!"
"Bongga, mars! Akin iyong vocalist ah!"

Napairap ako sa kawalan.

Sana pala hindi na lang ako umattend ng JS Prom. Nakakarindi kasi ang mga tao sa paligid. Kanina pa nila pinag uusapan ang M1T band.

"Ang daming patay na patay sa gwapo mong manliligaw ah!" si Lars iyon.

Napairap naman ako.

"Hoy! Ano yang irap na yan?!" sabi ni Eya.

"Naiinis siguro dahil madaming umaaligid sa manliligaw nya!" sabi naman ni Chris. "Selosa ka pala, Maria!"

"Mag tigil nga kayo," inis kong sabi. "Bakit naman ako maiinis dahil maraming umaaligid sa kanya? Wala akong pakawalan 'no,"

Nagtawanan silang lahat.

Inalis ko na lang ang tingin sa mga kaibigan ko. Muntikan na akong masamid sa alak na iniinom nang may biglang umagaw nun sa akin.

"What the?!" inis kong sabi.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig ko.

"Alis muna kami, Maria!" si Che at nag ngiting aso pa ito sa akin.

"Babalik din kami mamaya!" sabi pa ni Lars.

Nang mawala sa paningin ko ang mga bwisit kong kaibigan ay inilabas ko ang aking cellphone para mag laro ng Mobile legends. Hindi pa nga na oopen ang app ay bigla nang inagaw ng lalaking umagaw din ng iniinom ko kanina ang cellphone ko.

"Bakit na naman ba?!"

Binulsa nya ang cellphone ko. Hindi ako makapaniwalang tinignan sya. Seryoso lang ang mukha nito.

Wtf?!

"What was I told you before?"

Naalala ko naman bigla ang sinabi nyang wag na wag na raw akong iinom dahil hindi naman iyon makakabuti sa akin. Little did he know bukod sa kape ay energizer ko rin ang alak at pampakalma ko naman ang sigarilyo.

"Kaunti lang naman, ah," sabi ko naman.

Nag dilim ang mukha nya.

Napalunok naman ako.

"Don't you dare to drink that fucking liquor again, honey. Watch our performance 'til the end," at mas mabilis pa sa alas kwatro ang pag alis nya.

Honey?

Ilang cs pa ba, Gab?

"Uy!" si Lars. "Bakit nangiti-ngiti ka dyan?"

Anong nangiti-ngiti? Sumilip si Che at Eya sa akin na para bang kinikilatis ang mukha ko.

"Ayi! Bumanat siguro ang gwapo nyang manliligaw kaya sya happy!" si Eya. "Uy, kinikilig!"

Napailing si Che at kasabay iyon ay mahinang pag tawa. Nang aasar ba sya?

"Anong bumanat? Banatan ko kayo, eh!" Sabi ko.

Humagikgik si Lars. "Ikaw naman! Hindi ka mabiro. Inom na nga tayo!"

"Pass,"

"Pass?" si Che. "Anong pass?! Hindi pwede mag pass ngayon,"

Kukunin ko na sana ang aking cellphone nang bigla kong maalala na kinuha pala ni Gab sa akin iyon kanina. Napabuga ako ng marahas na hangin dahil sa inis.

"Pass ako,"

"Himala!" si Eya.

Tumitig si Che sa akin at sumulyap sa backstage. "Gosh! Wag mong sabihin na ayaw mo uminom dahil nandito ang manliligaw mo?"

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now