41

232 12 0
                                    

Chapter 41

"Excuse me, nakaharang ka sa dadaanan ko,"

Marahas kong nilingon ang babaeng iyon.

Nandito ako ngayon sa dinning area habang nakaupo at nagkakape. Nagmumuni-muni lang ako dahil wala naman akong magawa sa kwarto. Tapos ko na schoolworks ko eh.

"Huh?"

Pumawewang sya. "Nakaharang ka sa dadaan ko,"

Tumuwid ako ng upo.

"Beh, ang luwang ng space," sarkastikong sabi ko.

"I know right, gusto ko lang dumaan mismo dyan sa kinaroroonan mo,"

Nairita ako bigla sa kanya.

"Papansin ka ba?"

Ngumisi sya. "Hindi naman, sadyang agaw atensyon lang ako,"

"Kung hindi ka ba naman tanga," pabulong kong sabi.

Kumunot ang noo nya. "Anong sabi mo tanga ako?"

"Wala akong sinabing tanga ka, beh," sabi ko. Binigyan ko sya ng pakeng ngiti. "Baka alam mo na talaga 'yon sa sarili mo," at tumayo ako tsaka naglakad papalayo.

"What?! Hoy! Bumalik ka rito!"

Napailing na lang ako sa kawalan.

"Sa wakas!"

Dito na lang ako sa garden tutal may epal sa dinning area. Umupo ako sa bench at pinagmasdan ang paligid. Ang lalago ng mga halaman tapos idagdag mo pa ang presko ng hangin. Nakakaginhawa lang.

"Wag mo 'ko kausapin!" masungit kong sabi.

Nandito ako ngayon sa tree house namin kasama si Gab. Nang hawakan nito ang braso ko ay inalis ko ang kamay nya. Tumawa lang ito na syang kinainis ko. Lumalabas talaga kulit ng mokong na 'to sa tuwing kaming dalawa lang. Kaasar.

"Baby..."

"Ano?!" inis kong sabi.

He pouted. "You don't love me anymore,"

Inirapan ko lang sya.

Lumapit sya sa akin at hinapit ako sa bewang paharap sa kanya. Napalunok ako ng malala ng mas idikit nito ang katawan sa akin. Tumitig sya sa mga mata ko at ako naman ay nahihipnotismo.

"I just wanted your affection,"

Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Gusto nya lang pala ng lambing tapos aasarin nya pa ako. Nakakainis talaga sya kung hindi lang sya gwapo.

Natawa ako sa isip.

"Baby..."

Nilingon ko sya.

Hinalikan ako nito sa labi. Nagkagulo ang mga butterfly sa loob ng tiyan ko. Ano bang nangyayari sa akin? Parang tanga naman.

"I love you, mahal..."

Mahal...

The sweetest endearment.

I smiled at him. "Mahal... I love you too..."

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko namalayan na next week na pala ang final exam namin ng 2nd sem. Nandito ako ngayon sa libray nagrereview kasama si Blaster.

"Ang hirap naman i-review ng Envi Sci,"

He chuckled. "Hindi kaya, saan ka ba nahihirapan dyan?"

Pinakita ko sa kanya ang mga formula. "Dyan oh! Ang hirap i-memorize ng mga formula,"

"Wag mo kasi i-memorize, i-analyze mo,"

Sinamaan ko sya ng tingin. "Kahit ano gawin ko mahihirapan pa rin ako 'no!"

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now