19

415 13 0
                                    

Chapter 19

Inter high

Nakasuot ako ng track pants at oversized t-shirt. Dalawang buwan na ang nakalilipas, tuluyan na ngang nawasak ang pagkakaibigan namin nila Ali, Ina at Jud. Masakit man para sa akin na si Ina ang pinili nila ay wala akong magagawa. Simula't sapul ay silang tatlo naman kasi talaga ang magkakaibigan. Nakisawsaw lang ako. Sumapaw lang ako. Hanggang ngayon, ay hindi ko pa rin alam kung anong dahilan ni Ina kung bakit nya nasabi sa akin lahat ng iyon.

"Nakakalunod ka naman,"

Napapikit ako ng mariin. "Wala akong panahon sayo, okay. Umalis ka sa harap ko,"

Nandito ako ngayon sa gymnasium. Nanonood ng laban nila Eco Aladdin.

"Hindi ako aalis," matigas nyang sabi.

"Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhh"
"I-shoot mo na!"
"Ilang kembot na lang!"
"Go go go! "Waaaaaaaaaaahhhhhhh"

Binalingan ko sya. "Ano bang kailangan mo sa 'kin?" kunot noong sabi ko.

"Ikaw nga," sabi nya.

Umirap ako. "Tigilan mo na ako,"

Ngumiti sya. "Nahuhulog ka na ba?"

"Ano?!" gulat kong sabi.

Ang kapal ah! Nairita ako nang marinig ang tawa nya.

"Hindi ako mahuhulog sayo!" singhal ko pa.

"Bakit naman hindi? Pogi naman ako, ah,"

"Mas prefer ko ang same age,"

"Talaga ba?" nang aasar ang tono nito.

Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanya.

"Si Enzo Gabriel?" Tanong nito. Mabilis ko rin namang binalik ang tingin ko sa kanya. "Ano mo sya?"

Napalunok ako ng wala sa oras. "Uh, i-idol ko sya!"

"Idol, huh?" nakangisi nyang sabi.

Umirap ako. "E-Eh, ano naman sayo?"

"Wala lang. Ang sungit mo naman," natatawa nyang sabi.

"Pake mo ba?" sabi ko, inalis na ang tingin sa kanya.

"Go Ecooooooooooooooo"
"Go Enzooooo!"
"Go go go!"

Tumayo ako at naglakad sa kung saan para makalayo sa kanya. Nag time out ang kalaban. Nakangiti si Eco Aladdin habang naglalakad papalapit sa akin at sinuklian ko naman iyon.

"Naboboring ka na ba?" si Eco.

Nakangiti akong umiling. Iniabot ko ang gatorade sa kanya.

"Thanks,"

"Gatorade rin sana!" si Red.

"Sweet, wala namang label!" si Zandro.

Natawa ako ng mahina. "Wag nga kayong ano dyan,"

Umupo na kami ni Eco Aladdin.

They won.

Nagkaroon ng mahaba-habang oras ang pictorial ng mga nakapasok sa Top 3 bago kami tuluyang nakalabas ng gymnasium.

"Thank you, Eco," at niyakap ko sya.

Kumaway pa muna ako sa kanya bago ako pumasok sa bahay.

"Kumusta naman ang inter high nyo?" Salubong na tanong ni kuya.

Naglakad ako papalapit sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. "Okay lang po, kuya,"

"You sure? Is there any problem?"

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now