62

188 12 3
                                    

Chapter 62:

"Lalabas tayo and we'll try to escape again. This time, I'm going to distract and fool them,"

Nagkatinginan naman kami ni Blaster.

"Sigurado ka ba dyan sa gagawin mo?" Tanong ni Blaster kay Gab. Tumango naman ito sa kanya. "Hindi ba tayo mas lalong mapapahamak dyan? Ikaw na mismo ang nagsabi na magsusumbong ang mga 'yon sa pinuno nyo,"

"Yeah, but–"

Blaster cut his words. "But? Bakit may pero pa?" Nagdududang sabi nito. "Alam mo, pre, ayokong mapahak si Marayah kaya kung hindi ka naman sigurado kung magtatagumpay tayo dyan sa plano mo, wag na lang,"

"Man, don't be advance thinker. Let me finish first what I'm trying to say," kalmadong sabi ni Gab. Nanahimik naman si Blaster. "Madali lang linlangin ang mga taong 'yun. I know them well,"

Nakinig naman kami sa plano nya. Plano nitong harapin ang mga ito at sabihing kaya nya lang ginawa iyon sa kanila para makuha ang loob namin. Para mas madali lang kaming huliing dalawa. Noong una ay nag alinlangan pa kami, ngunit sa huli ay sumang-ayon na rin naman.

Nilisan na namin ang lumang bilyaran. Huminga pa muna ako nang malalim bago sumunod sa dalawa. Aminado akong kinakabahan ako ngunit ito na lang ang tanging paraan para makatakas kami rito. Umiling na lang ako at isinantabi ang kaba. Ilang metro pa lang ang layo namin mula sa bilyaran, ay napatigil na kami dahil sa umalingawngaw na tunog ng baril sa 'di kalayuan.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Blaster.

"This is a war,"

Pinakinggan naming mabuti kung saan nagmumula ang ingay at naglakad patungo roon. Nang makarating ay nagtago kami sa kakahuyan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang aking mga kasamahan sa ALAS. Nakikipaglaban ang mga ito sa UVOS.

"Nandito sila," naiusal ko.

"Oo, Marayah," napatingin ako kay Blaster. "Hindi ako makapaniwala sa mga pangyayaring nasasaksihan ko ngayon. Hindi ko inakalang masusundan ako ng mga kasamahan natin sa Alas,"

"Tara na," determinado kong sabi. Tumango naman ang dalawa. "Hindi na para maduwag pa,"

Lumabas na nga kami sa aming pinagtataguan at nakipagsabayan sa mga kalaban. Mas lumakas pa ang loob ng mga Alas makipaglaban ng makita kami. Putakan dito, putukan doon. Dumanak na ang mga dugo sa lupa ngunit patuloy pa rin ang digmaan.

"Marayah!"

Napalingon ako sa taong yumakap sa akin mula sa gilid ko. Namilog ang mga mata ko nang makitang sumuka ito ng dugo. Nanghihina akong napaupo habang yakap-yakap nya pa rin ako.

"B-Blaster..."

Hinawakan nya ang mga kamay ko. "M-Marayah..."

"B-Blaster!" Umiiyak ko nang sigaw.

"M-Marayah, p-patawad kung hanggang dito na lang ako..."

Umiling-iling ako. "H-Hindi! Wag mong sabihin yan! Lumaban ka!"

Nanghihina syang ngumiti. "H-Hindi ko na kaya, M-Marayah... Ipangako mo na lang sa 'kin na lalaban ka, i-ipaglaban mo ang mga kasamahan nating lumaban hanggang sa huli nilang hininga. Ipangako mo rin sa 'kin na mabubuhay ka, m-mabuhay ka pa ng matagal..."

"Blaster, please!" Hunihikbi kong pagmamakaawa. Hinawakan nya ang mga pisngi ko. "L-Lumaban ka parang awa mo na,"

"Ikaw na lang ang lumaban para sa 'kin... H-Hindi ko na talaga kaya, M-Marayah," malungkot nyang sabi. Inalis nya na ang pagkakahawak sa mga pisngi ko. "Na–Na–Naalala mo pa ba 'yung sinabi ko sayo tungkol sa totoong pumatay kay B-Badj? It's E-Enzo Gabriel Alvarado... ang taong m-mahal mo. He killed my d-dad..."

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now