64

166 11 6
                                    

Chapter 64

"A-Adam..."

Mabilis itong naglakad papunta sa akin. Nang nasa tapat ko na ito'y niyakap nya ako ng mahigpit. Nakaramdam man ako ng sakit mula sa aking braso ay inalintala ko na lang iyon. Dinama ko ang yakap nya.

"Karisma, naman, eh!" Naiiyak nyang sabi. Umalis na ito sa pagkakayakap sa akin. "Saan ka ba nagpunta? Anong nangyari sayo? Pinag alala mo–"

I cut his words. "Adam..." Pabulong kong sabi. Inabot ko ang kamay nito at napatitig sya sa akin. "I'm fine now. Kumalma ka lang,"

He shook his head. "No, hindi ko kayang kumalma ngayon lalo na't nalaman kong may tama ka ng baril sa braso mo," seryoso nyang sabi. Nakagat ko na lang ang aking pang ibabang labi. "Who did that to you? Tell me, at gagawin ko ang lahat para mabura ang taong 'yun. Maipaghiganti ka lang,"

"U-Uh..."

"Sino, Karisma? Sino ang may gawa nyan sayo? Sabihin mo sa 'kin,"

Hindi na ako umimik pa.

Ayokong sabihin sa kanya kung sino ang may gawa nito sa akin dahil ayoko syang madamay. At isa pa, naging magkaibigan din naman kami ni Barbara kahit papaano. Alam ko na nadala lang sya sa bugso ng damdamin nya kaya nya nagawa ang bagay na 'yon sa akin.

"Adam, hijo," pagsalo ni dad. Binalingan naman sya ni Adam nang tingin. "Let her rest muna for the meantime. Kailangan nya ng pahinga para makarecover sya ng maaga,"

"Okay po, tito," at binalik na nito ang tingin sa akin. Humalik ito sa aking noo at niyakap ako. "Take a rest, and get well soon. Okay? Aalis na muna ako sa ngayon dahil marami pa akong kailangang gawin. Bibisita na lang ulit ako kapag may pagkakataon,"

I smiled at him. "Sige... Mag ingat ka, ah,"

Tumango na lang ito sa akin.

Pagkalabas ni Adam ng silid ay sumunod namang umalis si dad at kuya sa kanya. Nagpaalam ang dalawa sa amin dahil marami pa raw silang aasikasuhin sa company. Naiwan naman kaming dalawa ni Gab sa loob. Nang lingunin ko ito ay nakatingin lang ito sa iisang banda. Seryoso ang mukha niya.

"Gab..." pagkuha ko sa atensyon nya.

Nanatili lang ito na nakatingin sa pader.

"Enzo Gab–"

"Didn't I tell you before na Gab na lang ang itawag mo sa akin?" May inis sa tono nito. Napakamot ako sa tungki ng ilong ko. "Maybe you forget about it,"

"H-Hindi naman, eh..." Sabi ko. Napailing naman ito. "Ayaw mo kasi tumingin sa akin kaya tinawag kita sa real name mo... which is... ayaw mo na tinatawag ko sayo,"

"Are you teasing me?"

Umiling ako. "H-Hindi, ah,"

"Tss,"

Tumayo sya mula sa kinauupuan at mabilis na lumapit sa gilid ng kama ko. Napapikit ako ng dahan-dahan nitong nilapit ang mukha nya sa akin. Sa sobrang lapit ng mga mukha namin sa isat-isa ay naaamoy ko na ang mabango nyang hinga. Napamura naman ako sa isip nang maalalang ilang araw na akong hindi nakakapagtoothbrush.

Ibinukas ko na ang aking mga mata at buong pwersa ko syang itinulak papalayo sa akin. Kumunot naman ang noo nito. Nag tago pa nga ako sa ilalim na aking kumot.

"What's wrong with you?" Inis nyang sabi. Pilit pa nga nitong hinihila ang kumot na nakatakip sa akin. "Maybe you didn't want me to kiss you anymore,"

Narinig ko ang mga yabag nyang papalayo sa kinaroroonan ko. Inalis ko na ang pagkakakumot sa akin at nang tignan ko si Gab ay bumalik na ito sa kinauupuan nya. Nakasimangot ito na para bang bata na hindi nabilhan ng laruan. Napangiti naman ako ng wala sa oras dahil ang cute nito tsaka ang gwapo at the same time.

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now