22

367 12 0
                                    

Chapter 22

"May boyfriend ka na po ba, mommy?" Tanong ni Elvib, nakaupo ito sa ibabaw ng table.

Nasa magkabilang sofa na kami ngayon ni Enzo Gabriel. Tinutulungan nya kasing mag buo ng lego si Elvib.

"Wala akong boyfriend, Elvib," sagot ko rito.

Bumaling naman sya sa kuya nya. "Ikaw, daddy?" sabi nya. "May girlfriend ka na po ba?"

Natigil si Enzo Gabriel sa ginagawa. "No, I don't have a girlfriend,"

Ngumiti naman si Elvib.

"Si mommy ay kay daddy lang, Si daddy ay kay mommy lang," pagkanta nito.

Napailing na lang ako at natawa ng mahina.

"Ang saya-saya!" Magiliw nyang sabi.

Naglalakad na kami ngayon paloob sa bahay nila. Nasa magkabilang gilid nya kami at hawak-hawak nya ang mga kamay naming dalawa ni Enzo Gabriel.

"Kailan ka po ulit bibista rito, mommy?" Tanong ng bata.

I smiled at him. "Hindi ko pa alam, Elvib, eh,"

Ngumuso sya. "Ganun po ba?" Sabi nya. Tumango naman ako. "Alam nyo po ba, ngayon lang po lumabas si–"

Binuhat ni Enzo Gabriel si Elvib.

"Ibaba mo po ako, kuya!" nakangusong sabi ni Elvib. "Kuya!"

Natawa naman ako sa kanya. Natigil ako sa pag tawa nang maramdaman na nakatingin sya sa akin.

"You are too noisy," Enzo Gabriel's said.

Nang mag lakad na si Enzo Gabriel habang bitbit pa rin si Elvib ay nasa side nya naman ako. Natatawa na lang ako ng mahina sa tuwing nagpupumiglas si Elvib. Ibinaba na rin naman ni Enzo Gabriel ang kapatid nya ng nasa loob na kami.

"Uuwi ka na po ba?" Tanong ni Elvib.

Ngumiti ako. "Oo, Elvib, eh," sabi ko.

Yumakap sya sa bewang ko. Naglalambing pa nga ang mga mata nito.

"Pwede po bang dito ka na lang matulog?" he pouted. "Please?"

"No, Elvib," si Enzo Gabriel ang sumagot. "She can't do that,"

Nilingon sya ng nakakabata nyang kapatid. "Why, kuya?" si Elvib, mas ngumuso pa ito. "Ipapaalam naman natin sya sa family nya. Sige na po? Please. Please. Please,"

"Elvib?" Kuha ko ng atensyon nya. Bumaling naman ito sa akin. "Kailangan kasing umuwi ng ate Mak mo ngayon, eh. Sa sunod na punta ko rito magpapaalam na ako, sasamahan kitang matulog sa kwarto mo,"

Nag liwanag ang mukha nya. "Talaga po, ate Mak?!"

Mas humigpit ang yakap nya sa bewang ko at ngiting-ngiti na sya.

"Yup," sabi ko. "Maglalaro tayo nang maglalaro hanggang sa mapagod tayo,"

Humalakhak si Elvib. "Gusto ko 'yun, ate Mak!"

Nang balingan ko ang kinaroroonan ni Enzo Gabriel kanina ay kumunot ang noo ko. Nasaan na 'yun? Luminga-linga ako sa paligid.

"Hinahanap nyo po ba si kuya?"

Napaigtad ako.

"Umalis na po sya, ate Mak,"

Nag ngiting aso na lang ako.

Nakasuot ako ng cargo pants at oversized t-shirt. Kukunin ko kasi ang credentials ko sa school para hindi na ako mahirapan pa sa enrollment. Gusto sana sumama ni kuya pero sinabi kong kaya ko na.

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now