46

216 12 0
                                    

Chapter 46

"Mas mabuti pa siguro na umalis na lang muna ako," at tinalikuran ko na sya.

"Maria!" sigaw nya. "Please. Wag kang umalis! I'm so sorry. Maria! Maria!"

Sinubukan nya akong habulin at pigilan pero hindi ako nagpa awat sa kanya. Nagdidilim na ang paligid ko at parang wala na akong naririnig. Umakyat ako sa kwarto at kinuha sa drawer ang susi ng kotse ko. Patakbo akong bumaba at dumiretso sa garahe at mabilis na pumasok sa kotse.

Sa loob ng kotse ay ibinuhos ko ang sakit at bigat na nararamdaman. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa mapagod ako. Nanghihina akong nag maneho papunta sa lugar kung saan ay makakapag pahinga ako

The Bar.

Nasa private room ako ng mag isa. Ito lang naman ang tanging paraan para makalimutan ko ang nangyari kahit ngayong gabi lang.

Nag vibrate ang phone ko.

Che is calling...

Inalis ko ang tingin sa phone at kumuha ng beer tsaka iyon i-tinungga.

Nag vibrate na naman ang phone ko.

Gab cutie is calling...

Ni isa sa mga tumawag ay wala akong sinagot. Kailangan kong mapag isa para maayos ko ang sarili ko. Kailangan kong intindihin ng mabuti ang sarili bago ako bumalik sa bahay at humarap sa kanila. Hindi ko na mabilang kung ilang bote na ba ng beer ang na inom ko. Basta ang alam ko lang masaya ako sa ginagawa ko.

"What do you think you're doing?"

Napa angat ang tingin ko.

It's Gab.

Malamig man ang tingin na ginawad nya ay hindi ako natakot. Inirapan ko sya. Iinom na sana ako ng bigla nyang agawin ang bote ng beer sa akin.

"Ano ba?!" inis kong sabi. "You, what do you think you are doing here? Answer me! Ano, huh?!"

Nag lakad sya papalapit sa akin. Hinayaan ko lang sya at kumuha ako ng panibagong beer. Mabilis ko lang iyong ininom. Nasapo ko ang aking noo ng bigla itong kumirot. Nahihilo na sa dami ng na inom na beer.

Marahas akong umiling.

Nabitin ang pag tungga ko ng agawin na naman ni Gab ang bote. Inis akong kumuha ng tissue dahil nabasa ng natapong beer ang suot ko.

"Ano bang gusto mo?!" sigaw ko.

"You," sabi nya. "I want you,"

Inis akong kumuha ng bote. Ibinato ko iyon sa kanya pero nakaiwas sya.

"Umalis ka na!" galit ko ng sabi. Hindi man lang sya natinag. "Wala ka namang matutulong sa akin! Please. Leave me alone, G-Gab... Please."

Tumulo ang mga luha ko.

"You're weak," he said. "Such a crybaby,"

Ako?

Mahina?

Iyakin?

Fuck me!

Pinunasan ko ang mga luha ko at galit syang tinignan.

"Anong sabi mo?!"

"I said... you're weak, and crybaby also,"

"Inulit pa nga," inis kong sabi. Nanlilisik ang mga mata kong nag lakad papalapit sa kanya. "Alam mo bang kaya kitang burahin ngayon sa paningin ko kung gugustuhin ko?!"

"Then do it," nakangisi nyang sabi.

Uminit ang ulo ko.

"Are you challenging me? Gusto mo bang pasabugin ko yang bungo mo ngayon dito?! Ano?!"

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now