3

662 17 12
                                    

Chapter 3

Kinabukasan ay matamlay akong umalis sa kama. Nilalagnat pa rin kasi ako. Mabilis lang ang ginawa kong pag ligo at pag aayos sa aking sarili. Bumaba na rin naman ako kaagad.

"Good morning, Karisma," bati ni kuya, kakababa lang din nya.

Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa at napataas ang kilay nito. Sila lang ni dad ang nasa dining area.

"Good morning, kuya, d-dad," bati ko sa kanila, kumuha ng mug at nag timpla ng kape.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" si Kuya, kumuha rin ito ng mug at nag timpla ng kape nya.

Magsasalita pa lang sana ako pero naunahan ako ni dad.

"Bakit? Anong nangyari kay Maria?" Tanong nya.

"Nilalagnat po sya, dad. Dalawang araw na nga po, eh,"

Nilingon naman ako ni dad na may pag aalala sa kanyang mga mata.

"Okay na po ako, d-dad. Magaling na po ako. Don't worry po," sabi ko.

Umaliwalas naman ang mukha nito.

"May pasok ka ba ngayon?" si kuya.

Natigil ako sa pag nguya.

"Opo, kuya,"

"Thursday ngayon, ah. Nagbago na ba ang schedule nyo?"

Nanlaki ang mga mata ko. Nasamid ako bigla. Mabilis kong kinuha ang basong may lamang tubig. Nang makainom ay huminga pa ako ng ilang beses bago maging okay ang pakiramdam. 

Nakangiwi ako habang tinatanggal ang necktie. Akala ko ay may pasok ngayon. Kung sana kasi ay Monday-Friday na lang ang klase namin. Gusto kong makita si Adam. Gusto ko syang makasama ngayon.

Kumuha ako ng yosi sa drawer at sinindihan. Tutal ay wala naman akong gagawin buong mag hapon magmumumi-muni na lang ako. Hindi ko namalayan na nakatatlong stick na pala ako. Wala na akong iba pang magawa kundi humiga na lang sa kama at tumitig sa kisame habang naglalakbay ang isipan.

Nakatulog ako.

Naalimpungatan nang maramdamang may nakatitig sa akin. Napakurap-kurap pa ako para maaninag kung sino iyon.

"Karisma..."

Napangiti ako ng marinig ang boses nya.

Bigla akong nabuhayan. Para bang nawala ang lagnat ko. Pwede na nga ako tumakbo ng ilang ikot sa buong school.

Lol.

"A-Adam..." nanghihina ko kunwaring sabi.

Naglakad na sya papalapit sa akin. Tinago ko ang mga ngiting na gusto ng kumawala sa labi ko.

"How's your feel? Okay ka na ba?" he asked.

Umupo sya sa tabi ng kama ko.

"Okay na ako..." Sagot ko naman.

"Thats good to hear. Hindi ka nakapagreply sa messages ko kaya alam kong hindi ka pa magaling. Nandito ako para alagaan ka," malambing ang boses nyang sabi.

Tuluyan na akong napangiti.

Nang tangka syang hihiga sa kama, ay umusog ako para mag kasya kaming dalawa. Pinaunan nya ako sa braso nya. Napapikit ako ng simulan nyang haplusin ang noo at buhok ko.

It's relaxing.

"What do you want to eat? Ipagluluto kita," sabi nya, nilalaro naman nya ngayon ang ilang hibla ng buhok ko.

"Nothing, I'm not hungry..." bulong ko.

Mas nilapit nya ako sa katawanan nya. Nang magsawa sa buhok ko ay kinuha nya naman ang isang palad ko. Pinisil-pisil nya ang mga ito. Nilaro nya rin ang mga daliri ko. Nanatili akong walang imik habang pinapanood ang ginagawa nya.

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now