48

213 12 0
                                    

Chapter 48

"K-Kuya, I'm so sorry!" Niyakap ko sya mula sa likuran habang umiiyak. "Gusto ko lang naman kasi ng a-atensyon galing sa inyo eh. Kaya ako nagkakaganito..."

Hinarap nya ako.

He smiled at me. "Princess, sayong-sayo lang ang atensyon ni kuya. Tahan na, wag ka na umiyak,"

He wipes my tears.

Unti-unti namang gumaan ang pakiramdam ko. Pinaupo nya ako at tumabi sa akin.

"S-Sorry po, kuya, ah," sabi ko. Hindi ko pa rin maiwasang maiyak. Kaagad ko naman iyong pinawi. "Promise ko po sa inyo, hindi na ako magseselos kay Natalie Kate. Hindi na rin ako maiinggit sa kanya. Susubukan ko na rin po syang gustuhin kahit pa na labag sa loob ko. Promise po!" tinaas ko pa ang kanang kamay.

"Pinapatawad ka na ni kuya. Sana mapatawad mo na rin ako sa mga pagkukulang ko," may pagsisisi sa mga mata nya. Nalungkot naman ako bigla. Niyakap nya ako at hinalikan sa noo. "Sige na, matulog ka na. Sleep well..."

Alas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako. Nang tignan ko ang aking sarili sa salamin ay kaagad kong napansin ang mga mata kong namumugto. Napahikab pa nga ako ng wala sa oras. Naligo lang ako ng mabilisan tsaka nag bihis pagkatapos. Nag lagay ng kaunting face powder sa mukha at lip tint sa labi.

Bumaba na ako ng kwarto at dumiretso sa dinning room. Nakangiti naman akong sinalubong ng isa sa mga maid namin. Nang nginitian ko ito pabalik ay mas lumawak pa nga ang ngiti niya. Umupo na ako. Nag simulang kumuha ng kaunting kanin at tatlong putahe ng ulam.

"Ang blooming mo po ngayon, ma'am!"

Tumigil ako sa pag nguya. "Ate Chin, sabi ko naman po sa inyo na Maria na lang po ang itawag mo sa 'kin," magalang kong sabi.

Nag ngiting aso naman sya. "Nasanay lang ako sa ma'am, Maria! Pasensya na!" nag peace sign pa sya. Hindi nawala ang ngiti nya sa labi. Napailing naman ako at natawa nang mahina tsaka tuluyang nilunok ang kinakain. "Pero totoo nga, ang ganda-ganda mo ngayon!" puri nya.

Binaba ko ang kutsara at tinidor tsaka ngumuso. "Ngayon lang?"

"Syempre hindi!" bawi nya.

Mas ngumuso pa ako. "Binobola mo na lang ako, ate, eh!"

"Hindi, ah! Ang ganda-ganda mo palagi!"

I smiled at her sweetly. "Talaga po ba?" Tumango naman sya. "Okay! Thank you, ate! Ikaw din po ang ganda-ganda mo palagi!"

Kinilig naman ito.

Natigilan kaming dalawa ng sumulpot si kuya. Umupo ito sa kaharap ko at kumuha ng pagkain nya. Umayos naman ng tayo si ate Chin. Kinuha pa nito ang pitsel na may lamang orange juice at nilagyan ang baso ko.

Nag thumbs ako sa kanya habang nakangiti. Nag thums up din naman ito pabalik at umayos din kaagad ng lingunin sya ni kuya. Nahiya pa ito bigla.

Natawa ako ng mahina.

"Hello, kuya!" bati ko. "Good morning po!"

"Good morning, Princess!" bati nya pabalik. "Ang aga mo yata masyado ngayon,"

"Opo, kuya. May dadaanan pa po kasi ako bago pumasok sa school,"

Tumango-tango sya. "Kaya pala." Bumaling sya kay ate Chin. Tumuwid naman ito ng tayo. "Ipag timpla mo nga ako ng kape, Chin," utos nito.

Sumulyap ako kay ate Chin. Natawa ako ng palihim ng mataranta ito. Kahit hindi nya aminin sa akin ay ramdam kong may gusto sya sa kuya ko. Kung ako ang tatanungin kung sino ang gusto ko para kay kuya? Hindi ako mag aalinlangan na sabihin ang pangalan ni ate Chin. Sa lahat kasi ng maids namin siya lang ang nakahandle sa kasupladahan ko.

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now