38

258 11 0
                                    

Chapter 38

"Good morning, class,"

Tumayo kaming magkakaklase at binati ang professor pabalik. "Good morning, sir!"

Nang makaupo kami ay kaagad syang nagsimula mag discuss. Tutok na tutok ang lahat dahil balita ko ay strict daw ang prof. na ito. Nag take note ako para naman may mabasa pag uwi.

"Akala ko chill lang ang second sem! Hindi pala. Ang dami na kaagad binigay sa amin na gagawin!" si Che iyon.

Nandito kami ngayon sa cafeteria dahil free time namin pare-pareho. Mabuti na lang talaga dahil need ko ng pansamantalang distraction.

"Yan ka na naman, eh," sabi naman ni Chris. "Wag mo nga stress'in ang sarili mo!"

"True, mars!" sang ayon pa ni Lars.

"Tama si Chris, Che," dagdag pa ni Marie. "Kung gusto mo tulungan ka namin sa mga gawain mo sa school,"

Ngumuso naman si Che. "Talaga ba?"

"Ay, hindi!" sarkastikong sabi ni Eya. "Syempre naman! Friendship tayo rito, eh,"

Nag group hug pa nga kami.

"Marayah!"

Natigil ako sa pag aayos ng mga gamit ko. Katatapos lang kasi ng klase namin sa hapon.

"Oh, Blaster?"

He smiled. "Sabay na tayo pumunta sa parking lot,"

Tumango ako. "Sure,"

Mabilis kong sinilid ang aking mga gamit sa loob ng bag. Nang magsimula syang maglakad ay sinabayan ko sya. Nagkwentuhan kami nito habang naglalakad at unti-unti ko syang nakilala.

"Ang daldal mo pala, eh, 'no?"

Natawa sya ng mahina. "Hindi naman. Depende lang sa kausap,"

"Sus! Madaldal ka nga, eh,"

"Medyo lang,"

"Mak,"

Natigil kaming dalawa sa paglalakad at sabay na nilingon ang tumawag sa akin. Walang reaction ang mukha nito at bahagya pang nakapamulsa. Naglakad sya papalapit sa amin tsaka tumigil sa harap ko.

"G-Gab..."

Nilingon nya ang kasama ko.

"Gab, si B-Blaster kaibigan ko,"

Nag lahad ng kamay si Blaster at nginitin ang boyfriend kongunit hindi iyon tinanggap ni Gab. Inalis nya ang tingin kay Blaster at akmang kukunin ang bag ko kaya naman inabot ko iyon sa kanya.

"Let's go,"

"Teka lang, G-Gab!" nilingon ko si Blaster. "Mauna na ako, ah, mag ingat ka,"

Tumango naman si Blaster at ngumiti. "Salamat, Marayah. Kayo rin,"

"Gab!"

Hindi nya ako pinansin. Nag tuloy-tuloy lang sya paglalakad at sinundan ko naman ito. Binilisan ko ang paglakad hanggang sa makasabay na kami. Hinawakan ko ang palapusuhan nya at kaagad akong nilingon nito at tumigil sa paglalakad.

"Galit ka ba?"

"No, I'm not,"

"Galit ka, eh," pilit ko.

Hindi sya umimik.

Tumingkayad ako at hinalikan sya sa pisngi tsaka niyakap sya sa bewang ng mahigpit. Ngumisi ako nang yakapin ako nito pabalik. Umalis ako sa pagkakayakap at ngumuso sa kanya.

"Nagseselos ka na naman ba sa kanya?"

"Yeah, as always,"

Hinawakan ko ang mga kamay nito. "Ikaw lang naman, Gab, eh. Wag ka na magselos sa kanya..."

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now