7

580 16 0
                                    

Chapter 7

"A-Ano?" Naiusal ko, nanlambot pa ang mga tuhod.

I wish I was dreaming.

"Kasi–gusto na kitang maging girlfriend, Karisma. Hulog na hulog na ako sayo. I can't help it,"

I was shocked and stunned.

Nakangiti na ito.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko magawang maniwala sa kanya ngayon. Gusto ko sya, oo, but I don't want him to be my lover. Nangako kasi kami ni Adam sa isat-isa na walang mahuhulog sa amin. Sinabi nya sa akin na para nya na akong kapatid at hinding-hindi nya ako liligawan. Nangako si Adam. Nangako sya. Kaya ko nga pinipigilan ang sarili kong mahulog sa kanya kasi hindi pwede.

Prank.

"Is this a prank?" iyon ang lumabas sa bibig ko.

Naglaho ang ngiti sa labi nya. "I'm not fan of prank. Gustong-gusto kita, Karisma. Bakit ba ayaw mong maniwala sa 'kin?!"

Wtf?!

Ano ba ako?

Bobo ba ako o tanga?

Gusto ko rin sya!

Humakbang sya papalit sa akin at kaagad naman akong umatras. Napapailing ako habang hindi pa rin makapaniwala sa mga sinabi nya kanina. Naguguluhan ako at hindi ko alam kung bakit ako naguguluhan.

Tinalikuran ko sya.

"Karisma!" rinig kong sigaw nya.

Napasinghap ako nang hinigit nito ang kaliwang braso ko at marahas na iniharap sa kanya.

"Give me a chance... p-please?" nanunubig na ang mga mata nya.

Nag iwas ako ng tingin. Inagaw ko ang aking braso at tinalikuran sya ulit. Mabilis akong naglakad para hindi nya maabutan pero hinila nito ang bag ko.

"Adam!" reklamo ko.

"Wag mo akong talikuran!" sigaw nya.

Napaigtad ako.

"Say something, Karisma..." bulong nya.

Tumitig lang ako sa kanya.

"Magsalita ka!" singhal nya.

"H-Hindi tayo pwede,"

Napatitig sya sa akin. "B-Bakit, Karisma?"

"Adam, hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo. K-Kaibigan lang ang turing ko sayo,"

Ang inis sa mga mata nya ay napalitan na ng lungkot.

Napalunok ako.

"Hindi naman 'yun mahalaga sa akin... ang gusto ko lang ay payagan mo akong mahalin ka..."

Hindi ko na maintindihan pa ang sarili ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang tama o mali. Sa tingin ko tama naman itong ginagawa ko. Tama ito.

"Subukan lang muna natin,"

Umiling ako. "A-Ayoko, Adam,"

"Bakit? Mahirap ba akong mahalin?"

"Hindi naman sa ganun, Adam, pero baka kasi masaktan lang kita,"

"Nasasaktan mo na ako, Karisma!" mariin na ang pagkakasabi nya nun.

Huminga pa muna ako ng malalim bago tuluyang nag angat nang tingin.

"You know me well, Adam. Alam mong hindi pa ako ready sa relationship. Immature pa ako. You don't deserve me, you deserve someone better. I'm sorry..."

"No!" pilit nya.

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now