59

166 11 1
                                    

Chapter 59

Napabalik ako sa reyalidad ng may tumawag sa pangalan ko. Inayos ko ang aking sarili at umupo nang maayos. Kanina pa pala ako nakatulala sa kawalan. Mabuti na lang at hindi ako napansin ng Librarian.

"Adam,"

Tumabi sya sa akin. "Kanina ka pa nakatitig sa sa iisang direksyon, ah. Kung hindi pa yata kita nilapitan, malamang sa malamang nakatitig ka pa rin siguro hanggang ngayon,"

Napangiwi naman ako.
"May iniisip lang,"

"Ano naman iniisip mo? Don't tell me si Alvarado na naman yan,"

"Alvarado mo mukha mo!" Singhal ko.

"Nagsusungit ka na naman," tatawa-tawa nyang sabi. Napailing naman ako sa kanya. "I'm just kidding here,"

Inirapan ko na lang sya.

"Karisma,"

Hindi ko sya pinansin bagkus ay nagsuot ako ng earphones para hindi sya marinig. Inis ko namang inalis ang earphones nang yugyugin nito ang dalawang balikat ko. Sinamaan ko sya nang tingin.

He laughed. "Chill! Chill!" Dinepensahan pa nito ang sarili nya. Umusok naman ang ilong ko sa inis. "Yan ka na naman sa deadly stare mo, eh,"

"Adam, kung wala ka lang din namang gagawing matino sa 'kin, umalis ka na lang. I don't have time para makipagbiruan,"

"Why? Gusto pa naman kita asarin nang asarin hanggang sa mag usok ang ilong mo,"

Napailing na lang ako at sinuot ulit ang earphones. Sinagad ko pa nga ang volume ng aking phone para mas hindi sya marinig. Napapikit na lang ako ng mariin nang bigla nitong hablutin ang earphones ko.

"Ano ba?!" Singhal ko. Gumuhit naman ang ngisi nito sa labi. "Kita mo na ngang nananahimik ako rito, eh, tapos mangbwibwisit ka pa,"

"Ang ingay naman, ano ba yan?!"
"Si Santos at Adam ba yan?"
"Oo, beh! Bakit kaya sila magkasama ngayon? Break na ba si Santos at Alvarado?"
"Ewan! Matagal ko na rin silang hindi nakikitang magkasama, eh,"

"Quiet!" Sigaw nang Librarian.

Nananahimik naman ang mga istudyanteng nagbubulungan.

Inakbayan ako ni Adam. "Hindi naman kita bwinibwisit, eh," sabi nya. Inalis ko ang pagkakaakbay nito sa akin. "Karisma naman,"

"Can you just leave me alone? Please, gusto kong mapagisa ngayon,"

Unti-unti namang nawala ang ngisi sa mga labi nya. Sumeryoso na ang mukha nito ngayon. Nilapag ang earphones sa table at tumayo.

"Yeah, just call me if you need someone to talk with,"

Napabuntong hininga na lang ako.

Ilang segundo lang ay nilamon ako ng guilt ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Tinataboy ko ang mga taong gusto lang naman akong pasayahin.

"Hoy, beh,"

Napamura ako sa isip. Nakatulala na naman pala ako sa kawalan. Nasa room na ako't lahat lahat nagkakaganito pa rin ako. Umiling na lang ako at hinarap si Ali.

"Oh, Ali. Late ka na naman,"

Nag ngiting aso sya. "Pasensya na. Napasarap kasi ang usap namin ni jowa kagabi kaya naging masarap din ang tulog ko,"

"Sino nagtanong?" Pambabara ko naman.

"Ang bitter nito! Palibhasa single ka na naman," asar nya.

Sinamaan ko naman sya nang tingin. "Eh, ano naman sayo?"

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now