37

263 12 0
                                    

Chapter 37

Napatitig sya sa akin.

"Ganun mo na ba talaga sya ka mahal, Karisma?"

Hindi ko sya sinagot bagkus ay nag iwas ako ng tingin sa kanya.

"Bakit iba ang nakikita ko sa mga mata mo? Hindi tugma sa mga sinasabi mo,"

Umiling ako. "N-Nagkakami ka lang, Adam,"

"Hindi, eh," pilit nya. Naibalik ko ang tingin sa kanya dahil sa sinabi nito. "You can lie to me, but I can clearly see in your eyes what you really feel-"

"Oo na! Mahal pa rin kita, pero mas mahal ko na sya kesa sayo, Adam!" Pag amin ko. Natigilan naman ito at napatitig sa akin marahil ay nagulat sa mga sinabi ko. "Baka nga 'yung nararamdaman ko sayo hindi na purong pagmamahal, eh, kundi dahil na lang din sa awa,"

Hinawakan nito ang mga kamay ko. "Karisma, kahit gaano pa kaliit yang natitirang pagmamahal mo sa 'kin, I'll fight for it. A-Ako na lang piliin mo..."

Inalis ko ang pagkakahawak nya sa mga kamay ko. "Adam, wag mo ng ilaban pa. Ipipilit ko pa ba? Ipipilit pa ba talaga natin 'to?" sabi ko. Siya naman ang nag iwas ng tingin sa akin ngayon. "Kasi sa tuwing sinusubukan natin palagi na lang tayo nasasaktang dalawa, eh. Alam mo sa tingin ko kaya tayo pinaglalayo ng tadhana kasi hindi talaga tayo. Hindi tayo ang para sa isat-isa, Adam..."

Dumoble ang sakit na naramdaman ko nang maalala ang ilang beses naming pagtabuyan ang isat-isa. Alam ko na ngayon na hindi ko naman talaga sya ganun ka mahal kundi naaawa lang ako sa tuwing nakikita ko syang nasasaktan ng dahil sa akin. Nalilito lang talaga ako sa nararamdaman ko noon.

Hinawakan nya ang mga kamay ko at matamang tumitig sa aking mga mata. Nang pumatak ang mga luha ko ay pinunasan nya ang mga iyon at hinaplos ang pisngi ko. Napapikit ako sa ginawa nya at naramdaman ko na lang na hinalikan nya ako sa labi.

Naitulak ko sya ng dahil sa gulat.

"Adam, what the hell?! What did you do that? Nahihibang ka na ba?"

"Tang ina naman!" inis na sabi nya. "Bakit kasi hindi na lang ako, Karisma? Bakit hindi na lang ako piliin mo sa aming dalawa? Mas nauna naman ako kesa sa lalaking 'yun, eh! I can treat you better than he can,"

Nagtiim bagang ako. "Ikaw nga ang nauna, pero sumuko ka kaagad!" sumbat ko. Naitikom naman nito bigla ang bibig nya. "Naalala mo nang umanin ka sa akin noong highschool pa tayo? Nalito lang ako sa nararamdaman ko noon... g-gusto rin kita. Gustong-gusto rin kita. Pero anong ginawa mo? Pinilit mo 'kong angkinin kahit hindi pa ako ready mag commit! Hindi mo ako inintindi. Hindi mo ako hinintay. Napaka-selfish mo, A-Adam!"

"K-Karisma-"

"Tumigil ka!" I cut his word. "Kung inaakala mo na ikaw lang ang nahihirapan. No. Hindi lang ikaw, Adam! H-Hindi lang ikaw..."

"I'm sorry, K-Karisma. I'm so sorry..."

"Bakit parang wala akong karapatang magmahal ulit?" malungkot kong sabi. "Hindi ka ba masaya para sa 'kin?"

Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Adam, pinapatawad na kita sa lahat ng nagawa mong kasalanan sa akin. Okay na ba tayo sa part na 'yun?" malumanay kong sabi. "Let's just forget about the past. Nagbago na lahat, eh. Hindi na ako 'yung dating Karisma mo na pwede mong ipagdamot sa iba... kasi may nag mamay-ari na sa 'kin. Pwede bang tanggapin mo na lang na hindi na talaga ikaw?"

Nanlumo sya. Huminga sya ng malalim at malungkot na ngumiti.

"O-Okay..." natawa sya ngunit pilit iyon. "I give up, take care,"

Niyakap nya ako. Narinig ko ang hikbi nya ngunit parang wala na lang iyon sa akin. Ito na siguro ang huling yakap naming dalawa dahil alam kong hindi na muli kami magkikita. Kung ito man ang huli ay ayos lang upang mahanap nya na ang totoong kahulugan ng pag-ibig. Ang pag-ibig na para sa kanya.

It's You (Bad Girl Series 1) On Going | Under Editing Where stories live. Discover now