Chapter 2

22 3 6
                                    

Chapter 2

Napakunot ang aking noo nung may marinig akong halakhak mula sa kusina.

Psh iyan na naman ang kapatid kong baliw lagi ko na lang siya naririnig na tumatawa mag-isa. Wala naman siyang pinapanood na palabas pero grabe kung makatawa minsan nga sinubukan kong buksan ang phone niya para tignan kung sino ang nag-papasaya sa kaniya pero hindi ko nagawa. Ang linis ng messenger niya halatang nag-dedelete ng chat.

Inilagay ko sa isang upuan ang bag ko tapos kinuha ang noodles na kinakain ng Kapatid ko. Tahimik akong nasa likodan niya kaya naman pala tawa ng tawa nanonood pala siya ng Tiktok ang sikat na apps ngayon.

May video din kaya siya sa tiktok? Tiyak kahit panget ang video niya ay magiging sikat siya doon. Gwapo naman siya kahit papaano.

Pinukpok ko ang hawak kong tinidor sa ulo ni Kuya Dylan ng nakita ko kung ano ang pinapanood niya "Kuya Dylan!"  Mabilis kong binaba ang noodles sa lamesa,at dali daling nag-hugas ng aking mukha kaya Ayoko mag-babad minsan sa social media kasi kahit Saan yatang platforms may makikita kang basta alam n'yo na kung ano ang ibig kong sabihin!

Masama kong tinignan ang aking Kapatid na tawa na tawa. Binaba muna niya ang phone nya sa lamesa bago mag-seryoso pero sa huli tumawa muli siya ng ubod ng lakas.

"Susumbong talaga kita kay Mama!"

"Bitter ka ba Thea? Normal lang sa mag-jowa ang mag-halikan!" Inirapan ko lang siya bago tignan ang maaaring uluto mamayang hapunan. Huwag na natin asahan na si Kuya Dylan. "Palibhasa wala ka pang nagiging jowa kaya wala pang humahalik sa'yo sa labi"

Walang akong jowa pero madami na akong naging ka M.U!

Oras na yata para gumawa ng Rp acc. Wala naman mang-yayari sa akin kung susubukan ang sinasabi sa akin ni Nicolette. Normal lang naman sa mga High School students ang ganoon dahil halos lahat ng kaklase ko iyun ang pinag-uusapan meron pa nga akong narinig na “May nakabingwit daw ng mayaman pero matanda” like what kung ako 'yun imemeet ko na ang matanda tapos mag-papakasal kami tapos kapag na tegi na siya mapupunta sa akin ang kalahati ng yaman niya.

"Ikaw din naman! Hindi ka pa mag-kakaroon ng Jowa." sinukbit ko ang bag ko. Kailangan ko pang mag-handa na damit na susuotin ko mamaya. Ilang Araw na akong hindi pumapasok sa Bar 'e kasi ba naman tuwing lalabas ako ng kwarto nakikita ko si Kuya Dylan nasa kusina habang hawak hawak ang phone "Si Margaux? Kaibigan mo di'ba iyun?" Minsan na kasing pumunta ang babae sa bahay namin 'yun nga lang hindi ko siya napag-tuonan ng pansin kasi hindi ko trip ang ugali niya masyadong siyang mabait para sa akin.

Ako? Kung tatanungin ayaw ko si Margaux para sa Kapatid ko pero kung may namamagitan man sa kanila ay wala na akong magagawa.

E? Malabo naman na pumatol si Kuya sa babae hindi ganoon ang mga tipo ng Kapatid ko saka isa pa siya na din nag-sabi sa akin na mag-kaibigan lang sila,at hanggang doon na lang daw iyun. Babae din naman ako kaya alam ko kung ano ang kilos ng mga babae kapag may gusto sila sa isang lalaki.

"Oo. Ang kulit mo Thea,ilang besses mo na iyan tinanong! Naka unli ba bibig mo?"

"Naninigurado Lang Kuya Dylan baka kasi kinabukasan kayo na"

"Hindi ako pumapatol sa kaibigan Thea!" Sigaw niya sa akin kaya medyo naiinis ako. Ayoko pa naman 'yung tipong mahinahon mo siyang tinatanong pero pasigaw siya kung sumagot " Hanggang mag-kaibigan lang kami Thea. Huwag kang ma-issue kaya ka laging gino-ghost ang advance ng isip mo"

"Alam mo ang panget mo talaga!"

"Iiyak na ang ginosh!"

"Kung hindi lang kita kapatid siguro kanina pa kita minura!"

Hacked (Internet Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon