Chapter 5

11 3 0
                                    

Chapter 5

"Hala kala ko ba tapos ka na mag-aral? Ano ginagawa mo dito?" Iyung lalaking nag-pahiram sa akin ng phone  kanina ay 'yung lalaking nakasama ko sa bar kagabi.

Nabanggit kasi sa akin ng bina-- ni Terrence na tapos na siya sa pag-aaral,at may sarili na siyang company na sikat daw sa Lugar nila. Sa pag-kakaalam ko Business Man si Terrence hindi ko nga lang alam kung tungkol saan ang company niya. Malay ko ba sa isang 'to minsan lang siya sumagot ng matino sa akin kagabi puro pabalang ang sagot niya or minsan iibahin niya ang usapan kala mo naman interesado ako sa buhay n'ya! Boring lang ako that time kaya no choice kundi kausapin siya.

"Mag-aaral ulit.." nilingon ko ang mukha niya na sana hindi ko na lang ginawa dahil mas lalo lang ako nainis.

Isang ngisi pa nito sa akin,aangkinin ko ang labi nito.

"Ganiyan ba talaga ang mga mayayaman? Nag-aaksaya ng pera" mag-aaral 'e graduate naman na siya. Sinasayang lang niya ang pera nya kung ako sa kaniya iyung perang sinasayang niya sa walang kwentang bagay ay ido-donate ko na lang sa bahay ampunan or ibibigay sa mga taong nangangailangan ng tulong.

"Oo.. nakaka one million nga ako kada Araw.."

Hindi siya mayaman! Mayabang ang tawag sa katulad ni Terrence!

Terrence? E? Ang panget naman ng pangalan niya pero ayus lang gwapo naman siya. Walang pipigil sa akin! Basta napag-isipan ko na ito kahapon kapag nag-tagpo muli ang landas namin ni Terrence bukas uumpisa ko ng duma-moves sa kaniya. Sayang naman kasi kunga papakawalan ko pa ito 'e malaking isda 'to nga Mare!

Usapang malaki.. Malaki din kaya ang ari-arian nito...? Madami ba siyang yaman na tinatago sa banko? Or tinatago sa secret base nga di'ba ganun ang mga mayayaman? May mga secret base sila sa ilalim na kanilang mga Mansion..

Sus kung malaki nga ang ari-arian niya baka pati ang... Nako nako Althea gumagana na naman ang pagiging bastos ng isip mo.

Kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilan ang aking sarili mag-salita nako baka kung ano pa lumabas sa bibig ko,at mapahiya na naman ako sa harapan n'ya.

"Stop! Don't bite your lower lips. Let me bite it for you" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Terrence kusang gumalaw ang aking kamay para takpan ang aking labi.

Ayokong dito mapunta sa First kiss ko! Abat kala mo naman kung sino siya para mag-sabi ng ganoong kataga. Gwapo lang siya pero hindi ko hahayan na gawin ang gusto niyang gawin.

"Wala kwentang kausap" mahina kong bulong saka nag-lakad na muli papunta sa pwesto ko kaso hinawakan na naman ni Terrence ang kamay ko. Kinandong na naman niya ako.

'Wag mong sabihin kaklase ko ang Ex ni Terrence? Hindi ko naman gaanong kilala ang mga kaklase ko.

"Turn around baby. Let me bite you"

"Gag* ka ba? Bitawan mo nga ako! Ang daming nakatingin" pinag-titinginan na kami ng mga kaklase ko. Ang ibang babae ay masama ang pinupukol na titig sa akin.

Wala akong kasalanan! Si Terrence ang unang gumawa ng moves hindi ako! 'e may tama pa yata sa Ulo 'tong binata na ito abay sino ba naman ang hindi maapektuhan ang ulo kung dalawang case ng alak ang inimom buti nga hindi siya nag-susuka sa loob nako kung nag-kataon ako pa ang mag-lilinis ng suka niya  dahil customer ko siya... Customer mo reponsibilidad mo.

"Kung may laser lang ang mata siguro kanina na ako naging abo" natatawa kong asik. Sinubukan kong umalis sa pag-kakandong sa binata pero mas lalo niyang hinigpitan ang pag-kakayakap sa aking baywang "Terrence Evander!" I yelled ng naramdamam kong sinandal niya ang ulo n'ya sa leeg ko iyung bibig niya ay naka-harap sa leeg ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga.

Hacked (Internet Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon