Chapter 9
"Wow ang sarap mo pala.." naibuga ko ang iniinom kong tubig sa sinabi ni Terrence,lokong lalaking 'to.
Hindi ako ang mag deperensya sa pag-iisip. Normal lang naman ang sinasabi nila pero lagi kong binibigayan ng malisya. Wala akong magagawa ganoon talaga kapag greenminded ka hindi na 'yun maiiwasan.
"Mag-luto halatang sanay na sanay ka" pinaikot ni Terrence sa tinidor ang pasta ng carbonara. Ginisa ko sa bawang ang hipon para kung sakaling mag-crave kami sa kanin ay may ulam na kaagad kami.
May cookies pa naman si Terrence pero nag-bake parin ako ng kunti para pandagdag sa stock niya paubos naman na din kasi ang stock ng cookies niya. Nabanggit sa akin ni Terrence na mahilig daw siyang Kumain ng cookies lalo na kapag sinasawsaw sa gatas na mainit mas lalo daw iyun sasarap.
"Lagi akong nag-luluto sa bahay kaso lagi din kulang 'yung ingredients pero kahit na kulang sa sahog masarap parin" proud kong asik sa kaniya at least kahi hindi ako magaling kumanta,sumayaw or ano pa man ay may talento naman ako sa pag-luluto,at pag-guhit as well.
Kumagat ako sa cookies "dito ka sa akin kompleto lahat tapos ako pa ang mag-luluto para sa'yo" tinignan ko lang si Terrence as if naman papayag ako sa gusto niya.
"Ayoko nga. Kinakabahan ako kapag nasa tabi kita"
"Crush mo ko? Hindi mahal mo ako noh!" Napaatras ako bahagya ng kinurot niya ang pisnge ko. Hindi masakit ang pag-kakakurot niya sa akin pero namula ang pisnge ko "Namumula siya yiee. Mahal mo na ako kaso may mahal akong iba. Pa'no ba 'yan bunso. Oo iyak ka na lang" tinapik ko ang kamay niyang nakakapit sa pisnge ko.
Ano na naman ang nakain ng isang 'to? Hindi na nakakatuwa ang pinag-gagawa niya sa akin. Ang hilig bumanat na nakakakilig na salita pero sa huli sasabihin na may mahal siyang iba 'e para saan ang ginagawa niya?
Tanga! Althea huwag mong sabihin na nahulog na ang loob mo sa lalaki 'e ilang araw palang kayo nag-kakilala tapos di'ba hindi mo tipo ang katulad niya pero anong nangyayari sa puso mo sa tuwing kasama mo siya? Anong nangyayari sa isip mo sa tuwing nag-kakahiwalay kayo.
No! Nahh hindi ko siya gusto.
Crush ko kaya ang isang 'to? Pinasadahan ko siya ng tingin,gumalaw ang sulok ng labi niya kaya nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Sigurado kang ayaw mo makipag-balikan sa ex mo?"
Wala akong maisip na pwede namin i-topic kaya ito ang tinanong ko saka isa pa hindi pa kami tapos sa topic na ito. Gusto ko malaman kung saan sila unang nag-kita, kung paano na discover ni Terrence ang nararamdaman niya sa babae,at kung paano ang way na ginawa ni Terrence para maging sila.
I don't know kung ano ang name ng babae. Wala din ako pake kung ano ang name niya.. ay grabe siya.
"Masaya na siya sa bago n'ya so kahit gusto ko siyang balikan ay hindi na pwede.. wala na akong babalikan"
"Aysus ang weak mo! Ako ng nakakaya mong harutin kahit hindi naman tayo close. Goooo landiin mo Ex mo para bumalik sa'yo"
Tinignan ko ang kihuna niyang isang box na sa tingin ko ay lalagyanan 'yun ng singsing. Nanlaki ang mata ko nung nakita ko ang medyo malaki na diamond sa gitna ng ring mukhang totoong diamond 'yun dahil kimikinang pa.
"Ang ganda di'ba?" Pag-tatanong niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko tapos pinatong sa palad ko ang singsing kaya malapitan ko 'yun sinuro na may kasamang ngiti sa aking labi. Matagal ko ng gustong makakita sa harapan ng ganitong singsing "sayang hindi niya na suot" bakas sa bosses niya ang pag-kadismya kahit din naman ako nadidismaya sa laki ng presyo ng singsing pero hindi man lang nagamit.
BINABASA MO ANG
Hacked (Internet Series 5)
Genç KurguEverything is a choice so I chose to love him, and give my trust voluntarily.