Chapter 4
Binuksan ko ang Rp acc na ginawa ko kahapon. Nanlaki ang aking mata ng nakita ko ang notification ko tapos ang dami na din nag-message sa akin pero nawala ang ngiti sa aking labi nung nakita ko ang laman ng aking notification puro "Lbdp" like what kailan ba talaga na kapag nag-react sila sa post mo ay dapat mag-react back ka?
Inalis ko ang isang pag-kakasukbit ng strap ng bag ko sa isa kong balikat. Nakakatamad naman pala mag Rp kung friendly lang ako siguro sisipagin ako pero hindi 'e masyado akong mapili sa gagawing kaibigan hindi ako basta basta kumakaibigan ng tao pero pag-dating sa mga alagang Hayop palakaibigan ako. Ewan ko ba mas gusto ko pa ang mga Hayop kaysa sa mga tao.
"Active ka naman sa Rp pero bakit hindi ka nag-rereply kay Clark?" Tinapik pa ni Nicolette ang balikat ko kaya nabaling ang atensyon ko sa mukha niya kung sabagay hindi na ako mag-tataka kung mas lalong lumalim ang eyebags bags niya 'e lagi itong nag-pupuyat kaka Rp "Balato mo oh!" Tinignan ko lang ang inaabot ni Nicolette sa akin na pera.
Ayoko tanggapin 'yun! Lalo na alam kong pinag-hirapan niya 'yun kitain hindi basta basta ang pagiging yaya ng isang matandan na malapit na mamatay.
"Nag-bibiro lang ako Nic" walang ka emosyon kong asik.
Umalis ka nga kasi! Utak naman bakit iyun lalaking naka-usap mo kagabi ang iniisip mo? Di'ba dapat Isipin mo kung nagawa mo ba ang Report mo? Kung nasulat mo na ba iyun sa Manila paper nako lagot ako kay Ma'am kapag hindi ko nagawa 'yun ako pa naman ang mag-rereport ngayon Araw.
"Sino 'yung lalaking kasama mo kahapon?"
"I don't know. Hindi ko natanong ang pangalan"
"Gaga! Sayang 'yun ang gwapo pa naman nako Thea minsan gamitin din ang utak hindi puro ganda"
"Ikaw Ikaw puro sus--- aray ano ba!" Tinignan ko nag-bato ng bola sa likodan ko. Napairap na lang ako ng nakita ko ang nakangising mukha ni Elton.
Simula nung hindi ko siya pinapansin ay lagi niya akong kinukulit,at sinasabi na “Bumalik na daw ako sa kaniya” like what parang walang nan-yari sa pagitan naming dalawa hah!
Babalik? Mag-mumukha lang akong kabit kung gagawin ko ang gusto niya. Hindi ako marupok na tao katulad ng kapatid ko kahit nga umiyak siya sa harapan ko hindi ko siya babalikan 'e ano ba kasi babalikan ko? Hindi naman naging “Kami”. Mag MU lang ka sa mahabang buwan.
"Hanap ka ng bagong ka MU!"
"Mag fofocus na ako sa pag-aaral Nicolette" seryoso kong asik.
Bumababa na ang ilang kong Grades. Ayoko pa naman mag-summer class tiyak dagdag naman iyun sa gastusin namin.
"Iyan din ang sinabi mo sa akin dati.."
"At least nakikita ko ang mga mukha ng nagging ka MU ko 'e Ikaw ba nakikita mo ba mukha ng ka MU mo? Alam mo ba ang tunay nilang ugali?"
Tumakbo ako paakyat sa hagdan ng nakita kong inuumpisahan ng hubadin ni Nicolette ang boots niyang makapal ang naka lagay sa ilalim nako nung minsan hinampas iyun ni Nicolette sa akin ay napilay ang isa kong braso.
Babae ba talaga ang isang 'yun? Sabagay kahit anong bagay susuotin ng babae para lang gumanda sila or para mag-agaw ng atensyon. Minsan nga may nakita ko babae nag-suot ng damit pero kitang kita naman ang loob ng kaniyang katawan.
Napatigil ako sa pag-lalakad ng nakita ko ang grupo ng kalalakihan sa gitna ng corridor. May iilang students na babae ang bumababa para dumaan sa kabila pero ako nakayuko lang habang humahakbang na mabagal malay n'yo naman hindi nila ako mapansin dahil busy sila sa kaniyang kaniyang ginagawa like Mobile Legends na usong uso ngayon.
BINABASA MO ANG
Hacked (Internet Series 5)
Teen FictionEverything is a choice so I chose to love him, and give my trust voluntarily.