Chapter 16
Napaatras ako ng hawakan ni Terrence ang pisnge ko "Grabe na mumula ka parin" inalis niya ang pag-kakahawak sa pisnge ko pero nanatili ang paningin niya sa aking labi na dry dahil hindi ako naka pag-lip bam kanina "Dry na labi mo" binasa niya ang labi niya gamit ang kaniyang labi "Pwede ba kitang halikan?" Nanlaki ang aking mata sa sinabi ni Terrence dali dali akong Tumakbo sa pwesto ng aking Kapatid.
Wow! Ang daming pag-kain sa lamesa kahit kakakain ko lang kanina ay parang gusto ko ulit kumain. Sayang naman kasi kung silan dalawa lang ang kakainin nito tiyak hindi nila 'yun nauubos,at isa pa ang ibang putahe ay bago lang sa akin paningin mukhang sa mamahalin pang restaurant 'yun binili ni Terrence.
Kinuha ko ang Burger,at Milk tea na Red Velvet ang flavor akma pangang tatapikin ng Kapatid ko ang kamay ko pero pinigilan siya ni Terrence.
May kung anong binulong ang binata sa aking Kapatid kaya napakunot ang aking noo. Ano na naman kaya ang sinabi nito sa Kapatid ko? Nako kapag nalama ko kung ano 'yun sasapakin ko talaga siya.
Tinignan lang ako saglit ni Terrence bago umupo sa aking tabi samantlang ang kapatid ko naman ay nakaupo sa akin harapan. Busy siya sa pag-tingin sa mga pag-kain na parang sinusuri ang lahat,at pumupili kung ano ang una niyang kakainin.
Napaatras naman ako ng kinuha ni Kuya ang Milk tea sa aking kamay. Walang pasantabi niya 'yun hinigop,at muling binalik sa kamay ko.
Wala naman sa akin kung mag-salo ang laway naming dalawa 'e mag-kapatid naman kami kaya walang malisya doon.
"Wala bang kiss diyan?" Tinapakan ko ang paa nia Terrence sa ilalim ng lamesa para patigilan siya sa pag-sasalita.
Nakakahiya sa kapatid ko kapag narinig niya ang aming pinag-uusapan "Shut up. Later na!" Mariin ngunit mahina kong asik sa kaniya.
Terrence nooded as a response. Ngumiti ako sa kapatid ko ng nag-angat siya ng paningin sa aming dalawang kulang na lang mag-tulakan kasi ba naman dikit ng dikit si Terrence sa akin. Ang lagkit pa kaya ng katawan ko,wala pa akon ligo simula kanina.
"Boto ako sa'yo Mr. Evander"
"Hala Kuya! Tatakbo ba si Sir bilang President ng Philippines?" Naguguluhang kong asik "Ako din boto sa kaniya!" Napaamang ako ng humagalpak si Kuya Dylan na kala mo ay may sinabu akong nakakatuwa.
Tawa ng tawa ang kapatid ko samantlang ako ay nag-tatakang nakatingin sa kaniya habang sumusubo ng kainin... Kainin tapos ang ulam ko ay kanin din di'ba ang sosyal ko na!
Ngumiti ako kay Terrence. Nag-tataka din ang itsura niya habang nasa Kapatid ko ang paningin.
Relax Althea Kapatid mo 'yun hindi ka dapat mag-selos pero kung sila man ang mag-katuluyan sa huli. Why not?
Bagay kaya silang dalawa tapos parang may Chemistry silang dalawa.
Napatawa ako sa sarili kong isip. Malay n'yo naman kasi sila talaga para sa isa't-isa,at naging instrumento lang ako para mag-kakilala silang dalawa.
NAG-LALAKAD kami sa pasilyo ni Nic. Tahimik lang si Nic habang seryosong nag-titipa sa kaniyang phone. Ano pa ba ang aasahan sa babaitang ito 'e simula nung iniwasan ko siya ay mas lalo siyang nag-babad sa pag-gamit ng Phone hindi na ako mag-tataka if mabulag siya kinabukasan dahil sa kaniyang ginagawa.
"Wala bang manliligaw sa'yo in Reality World?" Boring kong asik kahit ano naman kasi ang ginagawa kong pag-papayo kay Nic ay hindi niya ako pinapakinggan, mas pinipili niya ang sarili niyng disisyon.
Nadaanan naman si Terrence pero hindi kami nag-pansinan dahil ang sabi sa akin ni Kuya Dylan na iwasan daw namin mag-pansinan kapag nasa school kami pero sadiyang may pag-karupok kaming dalawa kaya tuwing recess ay patago kaming nag-kikita sa likod ng school.
BINABASA MO ANG
Hacked (Internet Series 5)
Teen FictionEverything is a choice so I chose to love him, and give my trust voluntarily.