Chapter 8
Pinunasan ko ang pawis sa aking sintido. Ang lamig lamig pero pinag-papawisan ako ng matindi muli akong himigop sa Sopas na niluto ni Terrence kanina nung nakikipag-chat ako kay Clark the pafall. Ang dami niyang sinabi sa akin tungkol sa mga bagay na ginagawa niya araw-araw syempre nawili ako dahil isa iyun sa gusto ng babae sa lalaki,ang palakwento.
Pinag-titiisan kong kainin ang sopas. Masarap naman siya pero sa tuwing malapit ko na maubos ang laman ng bowl ay lalagyan ulit ni Terrence ng sopas ang mangkok ko.
Inabot ko ang pamintang durog tapos Inilagay sa taas ng sopas. Masarap sa sopas kapag medyo manghang.
Napaatras ako ng dinasog ni Terrence ang upuan niya papalapit sa akin. Isang dasog pa niya itutulak ko siya.
Inilabas ko ang phone ko para i-text ang Kapatid ko na “hindi ako makakauwi ngayon dahil umuulan” nag-paalam naman ako sa kaniya bago umalis. Pag-katapos ay nag-text ako kay Nicolette na kapag nag-text sa kaniya si Kuya Dylan sabihin na nasa kanila ako mabilis naman pumayag ang kaibigan ko,at tinanong din niya kung nasaan ako dahil siya daw ang malilintikan if umuwi ako bukas na may gasgas ang katawan.
Sinabi ko kay Nicolle ang exact location ko pero hindi ko sinabi na may kasama akong lalaki nako baka kung ano pa ang isipin niya,at biglang mag-bago ang isip niya
"Ako na mag-huhugas ng plato" wika ko ng akmang kukunin na ni Terrence ang bowl na ginamit ko "Mag-luluto na din ako ng pwedeng kainin. Hindi masarap sopas mo psh" pag-bibiro ko.
I sigh ng may kumalabog sa lamesa. Hala grabe ang isang 'to ang lakas naman niya akalain mo 'yun sinuntok niya ang lamesa tapos nag-karoon ng lamat ang glass. Piniling ko ang Ulo ko para tignan kung may natamo bang sugat si Terrence sa kamay ganun na lang ang pag-kadismaya ko ng wala man lang siya sugat na nakuha sayang handa pa akong gamutin siya kung nag-kataon.
Katakot ang itim na awrang bumabalot kay Terrence "Grabe galit ka na nun?" Napailing ko ng padabog na Inilagay ni Terrence ang kagamitan na ginamit namin sa labado.
"Sana kasi sinabi mo na hindi masarap para hindi na kita pinakain ng luto ko. O-order na lang ako ng pag-kain para Mamaya" Napailing na lang ako sa sinabi niya.
Ako na ang mag-luluto ng kakainin ko bahala siya umorder ng pag-kain niya. Sayang ang stock ng pag-kain niya sa condo kung hindi naman niya gagamitin imbes na ma-expired ay kakainin ko na lang. Mag-uuwi na din kaya ako ng ibang pag-kain 'e mukhang hindi naman iyun gagalawin ni Terrence Sayang may potential pa naman siya sa pag-luluto.
Tinignan ko ang expiretion date ng mga delatang nakalagay sa taas. Astig nga kasi taas,at baba may nakalagay na kabinet pero sa baba ang nakalagay doo ay mga gamit sa pag-luluto,at pag-babake.
"Pabili ako hah!" Kumuha ako ng ilang delatang hindi familiar sa mata ko. Inilagay ko sa lamesa ang mga nakuha kong delata,at kung ano ano pang nadampot ng kamay ko "Di'ba ikaw na din nag-sabi kung ano ang sa'yo ay akin din" hinitak ko ang upuan para tumuntong doon. Hindi ko abot 'yung pasta. Lumapit naman sa pwesto ko si Terrence,at inilagay ang kamay niya sa likod ng baywang ko para alalayan ako.
"Yes.." umubo siya ang kaunti "Bakit may kailangan ka pa ba na wala sa condi ko? Ano ba 'yun mag-papabili ako sa baba" wow taray bakit hindi siya bumili?
"May napkin ka dito?" Hinanap ko kung saan nakalagay ang tissue. Ilang cabinet na ang nabukasan ko pero puro pag-kain lang ang bumubungad sa akin.
Ang sarap tumira sa condo ni Terrence, Kompleto na lahat.
"W-what? N-napkin? What do you mean do you ha--"
BINABASA MO ANG
Hacked (Internet Series 5)
Teen FictionEverything is a choice so I chose to love him, and give my trust voluntarily.