Chapter 18
"Teka lang. Layo! Masyado kang malapit sa akin" ako na mismo ang umatras para makalayo kay Terrence masyadong malapit ang mukha niya sa Mukha ko,at kung hindi ako lumayo sa kaniya ay baka mahalikan na niya ako sa labi.
"Ikaw ang unang lumapit sa akin" pinag-pagan niya ang suot niyang Vest tapos tumingin sa kagat kagat kong tinapay "Kapag kinagat ko 'yan" turo niya sa tinapay "Masasama ko sa pag-kagat ang labi mo" nakangisi niyang asik.
Nanlaki muli ang aking singkit na mata kahit kailangan talaga ang isang 'to walang pinipiling lugar ang kalandian niya.
Inalatag ko sa harapan niya ang mga niluto ko. Masaganan naman niya iyun kinain minsan panga sinusubuan niya ako ng kanin na may ulam "Ang sarap mong mag-luto baby! Ikaw din masarap ka din Kain-- aray naming!" Sinabunutan ko siya sa buhok niyang mahaba.
"Kailan ka mag-papagupit?"
"Kapag nag-pagupit ako wala ka ng nahahawakan na buhok kapag" hinawakan niya ang dalawa kong kamay gamit lang ang isa niyang kamay. Ang isa niyang kamay ay nasa likod ng ulo ko. Unti unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko ng naramdaman ko na ang mainit niyang hininga ay pinikit ko ang aking mata kung hahalikan man ako ngayon ni Terrence ay ayus lang sa akin.
Mahal ko naman siya,at mahal niya ako 'yun nga lang wala pa kaming label pero soon mag-kakaroon na kung sasagutin ko siya balang araw.
Saguti ko na na si Terrence? Pero masyado pang maaga, wala pa nga isang buwan nung simula niya akong ligawan saka ang sabi sa akin ni Kuya Dylan,paabutin ko daw ng isang taon ang panliligaw sa akin ni Terrence para malama namin kung kaya ba niya ako hintayin.
Susundin ko ba ang habilin ng aking Kuya Dylan or susundi ko ang sinasabi ng aking puso,at Isip?
Psh! Bahala na si Badman hindi naman siguro magagalit si Kuya kung hindi ko susundin ang payo niya saka isa pa buhay pag-ibig ko 'to kaya ako lang ang may karapatang mag-desisyon.
Napadilat ako ng narinig ko ang pag-tawa ni Terrence.
I pouted,kala ko naman hahalikan na niya ako pero hindi parin pala.
Ilang besses na niyang tinanong kung kailan ba niya ako mahahalikan pero sa tuwing sasabihin ko na 'pwede naman niya akong halikan kung kailan niya gusto' ay pag-tatawanan lang niya ako katulad ngayon.
Ang lakas niyang mag-bitin! Kainis talaga siya kung hindi lang ako babae dati ko na siya hinalikan.
Pinaikot ko sa kamay ko ang hawak kong tinidor kapag talaga hindi ito tumigil sa pag-tawa ay itatarak ko sa lalamunan niya ang tinidor "Galit ka sa akin?" Tanong ko. Kanina kasi sumisigaw siya dahil lang sa paper bag sa mahabang lamesa tapos mag minura pa siyang employee dahil sumagot ito ng pabalang.
"Hindi ako galit sa'yo" pag-sagot niya sa tanong ko. Kagat kagat niya ang labi niya na kala mo naman ay may nakakatawa sa tinanong ko sa kaniya "Ang panget ng mukha mo kanina. Nguso panga" binato ko sa gawi niya ang hawak kong tinidor buto nakailag naman siya nako kapag hindi baka bumaon 'yun sa balat niya "Bakit ka ba kasi ngumuso? Kala mo ba hahalikan kita? Hala asa ka!" Napanguso na naman ako sa sinabi niya.
Ikaw! Oo ikaw! Kinakausap kita,kapag ba may lalaking may nag-lapit ng mukha sa mukha n'yo,ano ang unang papasok sa isipan n'yo? Di'ba halik kaaagad ang papaso sa isip mo tapos grrr siya na talaga ang magaling mang-asar.
"Halikan mo 'yung pader! Kainis ka talaga Mr. Evander" sigaw ko sa kaniya. Tumayo aki para humiga doon sa sofa niyang mahaba,at malambot "Alis ka na. May meeting ka pa doon baka naiinip na sila sa'yo"
"Babalikan din kita dito. Saglit lang 'to" tinuro ko ang pintunan sabay talukbong ng unan sa aking mukha.
Maaga akong nagising kanina umaga dahil umaasa akong tatawagan ako ni Terrence ng maaaga pero hindi naman niya ako tinawagan.
Imagine alas singko ako nagising pero wala na si Kuya Dylan sa bahay kung sakaling umuwi man siya ay nag-iwan ako ng sulat sa ref siguro naman sa ref kaaagad dederetso n'yo 'yun.
Nag-bukas ako ng RPW Acc. Si Miguel kaaagad ang bumungad sa Messenger ko lagi niya ako china-chat kahit nga sabihin ko sa kaniya na 'Huwag mo ako i-chat' 'e hindi parin siya tumitigil na kala mo'y hindi nakakaintindi ng tagalog.
Ang sabi panga ng Miguel ay makipag-Rs daw ako sa kaniya. Like what may nanliligaw na ako tapos makikipag-Rs pa ako sa iba saka isa pa mas pipiliin ko si Terrence kaysa sa kaniya.
Si Terrence nakikita ko sa personal 'e siya hindi!
Sana si Terrence na talaga ang para sa akin nako kapag hindi pa siya para sa akin ay mabaliw ako.
Tipid akong ngumiti sa camera ng akin phone. Simula nung nag-karoon ako ng bagong phone ay hindi pa ako nakakapag-selfie dito.
Denelete ko ang photo ng hindi ako nagandahan doon. Humarap ako sa salamin,at saby tutok ng phone sa mukha ko. Palilat lipat ako salamin,at camera ng phone.
Bakit ganun? Ang ganda ko naman pag-dating sa salamin pero pag-dating na sa phone ay nako mukha na akong bruha.
Nag-ayus ako ng sarili ko para kahit papano ay makakuha ako ng magandang Selfie. "Ayaw gumamit ng filter pero gumagamit ng make up" naihagis ko ang hawak kong lipstick ng narinig ko ang malalim na boses ni Terrence sa aking likodan.
Pinulot ko ang lipstick ko,at inilagay 'yun sa aking bag. Ang laki ng bag ko pero kunti lang ang laman.
Musta na kaya si Nic? Ilang araw ko na din 'yun hindi nag-kikita baka nag-da-date na sila nung lalaki. Ayus lang naman ang lalaki para sa akin ewan ko lang kay Nic kung ayus lang din ang lalaki para sa kaniya.
"Mag-kano lipstick mo?" Kumunot ang noo ko sa Tanong niya. Hala ibibili kaya niya ako ng bagong lipstick? Sana ko dahil paubos na 'yung akin hindi ko pa naman afford ang mga branded na lipstick pero sino ba kasi nag-sabi na bumili ka ng branded na lipstick?
"Depende sa brand. Mmm.. two hundred ang pinaka-mura?" 'di ko sure na saad abay malay ko ba sa mga brand ng lipstick minsan lang ako bumili nun dahil mas prefer ko pa ang lip bam.
Umiling si Terrence sa sinabi ko. Ano na naman ang nasa isip ng isang 'to? "Choose one, Baby. Branded Lipstick o Labi ko?"
BINABASA MO ANG
Hacked (Internet Series 5)
Teen FictionEverything is a choice so I chose to love him, and give my trust voluntarily.