Chapter 17
Ilang linggo na din ang lumipas nung hindi pumapasok si Rence bilang teacher sa paaralang pinapasukan ko.
Ang sabi kasi sa akin ng binata ay may naging problema daw sa kaniyang Kompanya kaya kailangan na siya ngayon. Sa pag-kakaalam ko ay nawala ang budget ng company niya kaya ayun nag-kanda puyat sila sa pag-hahanap ng nawawalang pera,pero hindi naging bigo si Rence sa pag-tawag sa akin tuwing gabi para kamustahin ako,at ang aking pag-aaral.
Nag-papadala naman si Rence ng mga Aktibidad sa amin kaya walang nagiging problema,minsa nga ako pa gumagawa ng power point niya para sa mga studyante niya.
Tinignan ko ang orasan sa taas ng aming T.V. Mag aala Nuebe na ng umaga pero hindi parin ako tinatawagan ni Rence mukhang busy talaga sila. Sino ba kasi ang mag-nakaw ng pera nila? Nakakatiyak akong isa sa mga Employee ni Rence ang may gawa nun or else baka ang Papa.
Mag-kaaway si Rence,at papa niya. Malaki ang galit ng Papa ni Rence sa kaniya ewan ko kung ano ang dahilan, ayaw kasing ikwento sa akin ni Rence,at ayok naman siyang pilitin mag-kwento dahil baka magalit ulit siya sa akin katulad ng dati nako nako ayaw kong nagagalit si Rence sa akin kasi ba naman kapag nagalit mo siya ay buong linggo ka niya hindi papansinin.
Pumunta ako sa kusina namin para mag-luto ng almusal. Sabado ngayon pero wala si Kuya Dylan sa bahay hindi ko na naman alam kung na saan siya nag-susuot. Sa tuwing tatanungin ko naman siya ay sasabihin niya na 'Diyan lang sa kanto' like what Ang dami kayang kanto.
Bahala na siya sa buhay n'ya. Malaki naman siya,at alam naman niya ang Tama,at mali.
Nag-luto ako ng maaaring dalhin sa Company ni Rence, minsan na din ako nakapunta doon pero sa harapan lang ng building hindi ako pumasok dahil ayaw akong papasukin ni Rence baka daw kasi mawala ako,at maagaw ako sa kaniya, sus sino ba kasing nag-sabing handa akong mag-paagaw.
Tahimik lang ako sa loob ng Taxi hindi ako mapakali dahil tingin ng tingin sa akin ang driver na ani moy may binabalak siyang masama sa akin.
Ilalabas ko na sana ang spray sa bag mo ngunit tumagil na siya sa pag-papatakbo ng sasakyan. Tumingin ako sa labas para tignan kung na saan kami ngayon, malakas ang pinakawalan kong bugtong hininga ng nakita ko ang Company ni Rence.
Dali dali akong nag-labas ng pera para ipambayad kay Kuyang Driver na sa tingin ko ay kasing edad lang siya ni Rence. Ngumiti sa akin sa lalaki kaya kahit kinakabahan ako sa presenya niya ay ngumiti na din aki sa kaniya.
Pag-tungtong ko pa lang sa harapan ng Pinto ay hiningan na kaagad ako ni Manon Guard ng I.D. syempre wala ako nun dahil hindi ako mag-tra-trabaho sa Kompanya ni Rence pero pinakita ko naman sa guard ang mga picture namin ni Rence sa aking phone kaya ayun sa wakas sa mahabang pag-hihintay sa labas ay pinapasok na din ako.
Tinanong ko sa babaeng nasa counter kung saan floor ang office ni Terrence sa nung una ay hindi niya ako tinarayan pero nung napatingin siya sa mukha ko ay mabilis niyang sinabi sa akin kung na saan si Terrence ngayon.
Meeting Room? May ka meeting ba siya? Ang sabi sa akin ng babae ay mamayang ala una nag-uumpisa ang Meeting nila. Alas dose pa lang ng tangahali tapos nandoon na kaagad si Terrence sa room. Kumain na na siya ng tangahalian? Maarte pa naman din ang lalaking 'yun pag-dating sa pag-kain parehas lang sila ni Kuya.
Naalala ko tuloy nung pinagalitan ni Terrence si Kuya dahil hindi niya nagustuhan ang luto nito pero sa huli humingi naman siya ng tawad. Ang lakas kasing mag-reklamo pasalamat nga siya dahil pinag-luluto pa siya ni Kuya 'e ako nga hindi pinag-luluto ni Kuya.
Inilibot ko ang aking paningin sa buong Meeting room. May mahabang lamesa sa gitna tapos sa bawat upuan ay may nakapatong na Laptop. Wow sosyal naman nila may sarili silang laptop dito.
BINABASA MO ANG
Hacked (Internet Series 5)
Teen FictionEverything is a choice so I chose to love him, and give my trust voluntarily.