Chapter 15
Napatigil ako sa pag-kilos ng may naramdaman akong brasong nakayakap sa akin pilit ko itong tinatanggal pero mas lalong humigpit ang pag-kakayakap niya sa akin kaya wala akong magawa kundi hayaan ko na lang na yakapin ako ni Kuya Dylan na miss ko na din kasi ang yakap niya minsan na lang kasi kami mag-kasama dala na din na parehas kaming busy sa pag-aaral.
May time naman kaming mag-bonding sa gabi pero lagi siyang wala sa bahay hindi naman ako tanga para hindi malaman na may part time job din siya katulad ko.
Alam na kaya niya tungkol sa pag-tratrabaho ko sa gabi sa isang bar? Pa'no na manyayari sa akin kung sakaling malaman na niya? Nakakatiyak akong papagalitan niya ako dahil isa ang pinakaayaw niya ay 'yung nag-tatago ako ng sikreto sa kaniya.
Niyakap ko ng pabalik si Kuya Dylan,at sa dibdib niya ako umiyak ng umiyak hindi ko alam bakit ganoon ang mga tao ngayo sa tuwing hindi ko sila pinapatulan ay mas lalo silang nag-papansinan pero kapag pinatulan ko naman ay gaganti naman sila sa akin minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung saan ba dapat ako lulugar kung sa banyo ba or sa kwarto ko.
Naramdaman kong tinapik tapik ni Kuya Dylan ang likodan ko kaya mas lalo akong napaiyak "Mr. Evander told me everything" kinagat ko ang ibaba kong labi upang pigilan ang pag-papakawala ng ingay "Madami ka daw bully tapos tuwing gabi nag-tratrabaho ka sa Bar bilang isang Waiter. Delikado ang ginagawa mo bunso,Alam mo bayun?" Tumango lang ako bilang sagot
"Nako alam mo ba bunso balak ko sa ng sugudin ang nag-buhok sa'yo ng tubig pero pinigilan lang ako ni Mr.Evander" Patuloy parin siya sa pag-tapik ng mahina sa aking likodan "Ang bait ng Teacher mo. Akalain mo 'yun binantayan ka niya habang wala ako sa bahay" Teka lang. Wala si Kuya sa bahay nung hinatid ako ni Dylan?
Dali dali akong lumayo kay Kuya sabay tingin sa suot ko kung napalitan ba ito or hindi. Nanlaki ang mata ko ng nakita kong iba na ang suot kong damit "K-Kuya Dylan!" Kinakabahan kong asik. May tiwala naman ako kay Terrence na wala siyang balak na gawin sa akin na masama pero bakit ganito ang suot ko? Damit 'to ni Terrence 'e!
Pinakiramdaman ko kung masakit ba ang maselang bahagi ng katawan ko pero wala akong sakit na naramdaman "W-What happen?" Kabado kong asik ng nakita ko ang leeg kong madami pula na kahit anong gawin kong kuskos ay ayaw mawala.
Wala akong natatandaan na may nanyari sa amin ni Terrence kagabi!
"Allergic ka sa kinain mo kagabi. Mani na nilaga" nag-tataka akong napatingin kay Kuya,dati pa ako kumakain ng mani sa school pero hindi naman nag-kaganito ang leeg ko "Madumi pambahay mong damit kaya 'yung extrang damit ni Mr. Evander ang sinuot niya sa'yo. Don't worry nakapikit daw siya habang pinapalitan ka niyan ng damit"
"Dapat hindi na niya ako pinalitan ng damit!" Galit kong sigaw sa aking Kapatid na ngayo ay inaayus na ang higaan ko "Pa'no ka nakakasigurado na hindi siya tumingin sa katawan ko? Baka nga may ginawa pa siya sa katawan ko habang tulog ko!" Pag-mamaktol ko sa Kapatid ko.
Ano ba kasi ang trabaho ng isang 'to,at lagi siyang wala tuwing gabi?
"Nah.. Kung may ginawa man sa'yo si Mr. Evander, nakakatiyak akong pananagutan ka niya.." hinawakan niya ang kamay ko para alalayang lumabas ng kwarto "Grabe kang alagaan ni Mr.Evander kagabi kung hindi ko nga lang siya pinauwi baka siya ang katabi mong matulog.." Masaya niyang asik pero kitang kita ko sa mata niya ang pag-kalungkot na may halong selos "Buti pa si Mr. Evander na aalagaan ka ng maayus samantlang ako hindi. Ako 'yung kapatid mo kaya dapat responsibidad kita pero imbes na sa'yo ko ang antensyon ko ay sa iba ko 'to tinutuon" kinagat niya ang kaniyang ibabang labi upang pigilan niya ang pag-luha.
BINABASA MO ANG
Hacked (Internet Series 5)
Teen FictionEverything is a choice so I chose to love him, and give my trust voluntarily.