Chapter 6
"Kuya Dylan. Aalis ako saglit baka bukas ng hapon na ako makauwi.." paalam ko sa Kapatid kong busy sa pag-titipa ng kung ano sa phone. Nilingon niya ako saglit "What the.. saglit pero aabutin ng ilang oras nasaan isip mo Thea?!" Galit niyang sigaw sa akin. Sige pa Thea mainit na nga ang Ulo ng Kapatid mo mas papainitin mo pa.
Balak ko sanang mag-over time sa pag-papartime job ko sa 7/11 total wala kaming pasok sa umaga pero sa tangahali meron. Wow grabe sakit yata ang hinahanap ko.
Mag-papahinga naman ako sa Sabado. Promise pinapangako ko sa sarili ko na hindi ako mag-tra-trabaho sa araw ng sabado. Baka kasi mag-kasakit ako ng malala sa ginagawa kong pag-papahirap sa aking sarili.
"Grabe may galit na palang ngumingiti" I laugh "Pakalbo ka na Pareng Dylan" muli akong tumawa para mas lalong siyang inisin kaso hinagisan ako ni Kuya Dylan ng unan kaya sinalo ko iyun bago paman tumama sa Mukha ko.
Pikon..
Ginagayak ko ang mga gagamitin ko para mamaya siguro naman hindi na pupunta doon si Terrence. Kapag pumunta siya sa bar aalis na kaagad ako doon. Naiinis parin ang sa pag-mumukha niya masyadong malinis ang mukha nya hindi bagay sa magaspang niyang ugali.
Ang yabang yabang na kala mo lahat ng bagay sa mundo ay kaya niyang bilhin. Oo sabihin na natin kaya niyang bumili ng tao pero hindi niya mabibili ang idalawang bagay 'Ang tunay na pag-mamahal,at ang Tunay na saya sa piling ng taong mahahalaga para sayo' may nag-mamahal ba sa binatang na 'yun? Mukha wala 'e halatang kulang sa bakuna.
"Isang Pare mo ba diyan sasapakin na kita"
"Isang tawa mo pa diyan na mag-isa. Isusumbong kita kay nanay! Ngiti ng ngiti wala naman Jowa!"
"At least ngumiti hindi katulad mo laging naka-kunot ang noo,at laging nakabusangot na kala mo naman kinaganda mo"
Sinukbit ko ang bag ko tapos muling nag-paalam sa Kapatid ko. Tanging tango lang ang nakuha kong sagot mula sa kaniya. Sinabi ko naman na kila Nicolette ako mag-papalipas ng gabi. Kilala naman ni Kuya si Nicolette minsan na din itong natulog sa amin nung naabutan siya ng malakas na ulan.
Nice ang galing mo talaga mag-sinungaling Althea. Ihahanda ko na lang ang sarili ko kung sakaling malaman niya na nag-tratrabaho ako tuwing gabi. Hindi ko naman 'yun kasalan kung nag-tratrabaho ako sa gabi need ko din naman kasi ng Pera para sa mga pansarili kong pangangailangan. Isa pa binibigay ko din ang iba kong kita sa aking Nanay.
Nag-lakad lang ako papaunta sa pinakamalapit na sasakyan ng may isang itim na kotseng huminto sa aking gilid. Mabagal ang naging pag-lakad ko para malayang tignan ang magarang sasakyang.
Lamborghini yata 'to di'ba two seater lang 'yun? Wow grabe ang mahal pero dalawa lang ang pwedeng makaupo.
"Get in" ay anak ng tokwa! Si Terrence.
Iba ang gamit nitong sasakyan kanina hah! Hala grabe siya siguro madami 'tong koste na hindi naman ginagamit.
Sino sasama? Mag-nakaw sa Mansion ni Evander.
Sinabi sa akin ni Terrence ang exact location ng Mansion niya.
Nag-lakad muli ako,at hindi pinansin ang mga sinasabi ni Terrence sa akin. Naging mabagal ang pag-papapagtakbo ni Terrence sa sasakyan na para bang sinasabayan niya ako sa pag-lalakad.
"Ihahatid na kita sa Bar. Dumidilim na baka kung ano pa nanyari sa'yo sa daan"
"Alas Singko pa lang ng hapon. Tignan ko papalubog pa lang ang araw saka hindi ako sa bar pupunta"
BINABASA MO ANG
Hacked (Internet Series 5)
Teen FictionEverything is a choice so I chose to love him, and give my trust voluntarily.