Chapter 11

6 2 0
                                    

Chapter 11

Naayus ako ng pag-kakaupo nung hinawakan ni Terrence ang buhok ko. Ayokong pinapahawakan ang buhok ko kung kanino kanino.

Inis ko siyang tinignan sabay suklay ng buhok ko gamit ang aking darili. Tahimik lang niya ako pinag-mamasdan habang may nakaplaster ba ngiti sa kaniyang mapupulang labi na masarap halikan.

Inilagay ko sa bag ko ang notebook ko kung saan ako nag-lagay ng mga take notes,at ang libro ay binalik mo muli sa pinag-kuhanan ko.

Pag-katapos kong ibalik ang book sa lalagayan ay nag-hanap muli ako ng maaring basahin mamayang recess dito ako tatambay para iwas na sa gulo.

Pinagpag ni Terrence ang kulay itim niyang pantalon sabay lahad ng kamay sa akin kaya umarko ang kilay ko. Ano ang gagawin ko sa kamay niya? Tatanggapin ko? O tapos kapag natanggap ko na ay aalalayan niya aking tumayo ay  bet parang nasa Disney Princess ang peg.

"Hoy lalaki!" mahina kong masik matapos tumayo mag-isa. Hindi ko kailangan ng tulong niya kaya ko nga mag-buhat ng isang kaban ng palay "Ang gwapo mo ngayon" gumalaw ang sulok ng labi niya kaya napailing na lang ako bahagya kong tinapik ang balikat niya,at tumingkayad para amuyin ang pabangong gamit niya.

Mag kamukha pa sila ni Elton ng pabango tapos parehas ding Playboy. Kahapon nakita ko si Terrence may pinasakay na babae sa kotse niya. Mag-papahatid sana ako kay Terrence kahapon papunta sa 7/11 malapit sa bahay namin pero wala 'e may nauna na.

"Ang Bango pa. Sino ang pinopormahan mo? Nako Tiyak sasagutin ka kaagad nun" nag-lakad ko papalabas ng Library. Binata ng mga taong nakakasalubong namin si Terrence pero tanging tango lang ang ginagawang sagot ni Terrence. Ako ang nahihilo para sa kaniya "Nakakahilo ang ginagawa mo.." I said.

Ewan ko ba kung matutuwa pa ako o hindi dahil nga tumigil siya sa pag-tango pero nakikipag-kamay naman sa babae na para bang isa siyang kandidato.

"Sasagutin kaagad ako?" Nag-tataka niyang Tanong. Pinasadahan ko mo na ng tingin ang suot niya bago tumango pati ba naman sa pag-lalakad nito ay ang gandang tignan para siyang isang modelo ng mga Perfume.

"Sinasagot mo na ako?" Napatigil ako sa pag-lalakad "Ikaw ang pinopormahan ko. So Approve na ako sa'yo?" Nakangiti niyang asik. Bosses pa lang alam ko ng nag-bibiro lang siya malabo naman kasi ang sinasabi niya lalo na't lagi niyang pinag-mumukha sa harapan ko na may mahal na siyang iba.

"Wala akong oras sumabay sa trip ng buhay mo,Sir."

"Pero sumasabay ka sa trip ng kachat mo"

Lumayo ako ng kaunti sa kaniya. Ayokong dumikit sa lalaki lalo na't alam na ng Campus na siya ang bagong Teacher sa School baka isipin nila na nakikipag-close ako sa binata para tumaas ang grade ko.

"Oh nag-seselos ka ba? Kasi kung 'Oo' wala akong pake"

"Kung sabihin kong 'OO nag-seselos ako' titigilan mo na ang pakikipag-chat sa nag-papatawa sa'yo?" Bakas sa bosses niya ang pag-kairita. May binigay siyang paper bag sa akin pero hindi ko iyun tinaggap baka mag-pabayad pa ang loko katulad ng dati.

Abay inaya akong mag-recess tapos mag-order lang daw ako ng mga gusto ko pero nung pag-dating sa bayadan ay tinakasan niya ako kala ko ba naman na ililibre niya ako pero hindi pala.

Nakita ko si Nic,na nag-wawalis sa corridor sa tapat ng classroom siguro inutusan ng President namin sa room.

Inalagay ko muna sa upuan ang bag ko saka kumuha ng tambo para tulungan mag-walis ang kaibigan ko.

Ang bagal kasi niya mag-walis! Pa'no ba naman kasi nakikipag-chat pa siya.
Hindi lumipas ang araw na hindi ko nakikita si Nic na hindi hawak ang phone niya kulang na lang idikit niya ang phone n'ya sa kaniyang kamay.

Hacked (Internet Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon