WIIH 5

24 3 0
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

***

"YOU may kiss the bride"saad ng pari.Matapos ng gabing nangyari kay Caeya ay hindi na nagka-usap pa ang dalawa.Habang si Caeya ay nagpapalamig ng ulo ay nagpapainit naman ng katawan si Elijah.Gabi-gabi itong may kabaunan ng espada.Gabi-gabi.Iba-ibang babae.

Isang linggong tahimik si Caeya simula ng mai-send sa kanya ang email na yun.Ang huling email na natanggap niya ng gabing iyon ay isang blangkong email galing pa rin sa unknown address na yun na hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya.Hindi na rin niya maiwasang matakot sa tuwing tutunog ang cellphone niya dahil  hindi niya alam kung hanggang sa ano ang kaya nitong isend.Isang linggo na din siyang nakaabang sa social media at baka kumalat ang mga litratong niyang yun na hindi naman niya alam kung saan galing.Napagtanto niyang edit lamang ito pero kapag titingnan mo sa simula ay talagang mapagkakamalang siya ito.At dahil masama ang tsismis,maaring marami ang maniwala na siya ang nasa litrato.

Ng sabihin ng pari na "you may kiss the bride" ay sinadya ni Caeya na iiwas ang mga labi niya sa halik ng binata.Pinadaplis niya lang yun sa pisngi niya malapit sa labi na dahilan kung bakit naiinis si Elijah.Yun na sana ang pagkakataon para matikaman kahit na labi man lang ng dalaga pero pumalpak pa siya.

"Congrats sa inyo pre!"salubong sa kanila ng tatlong lalaki na may mga kasamang babae.Nobya o asawa yata ang mga ito.Ang hula ni Caeya ay ito na ang mga kaibigan ni Elijah na binabanggit ng Tita Hillary niya.

"Salamat."nakangiti nitong tugon.Nabaling ang atensyon ng mga ito kay Caeya na tahimik.

"Hi Caeya.Hindi man lang nasabi sa amin nitong si Elijah na may girlfriend pala siya.Akala nga namin ay hindi na magseseryoso ang isang ito eh but look at him?He's also married."a guy with brown hair told her.Nginitian lang ito ni Caeya.Wala pa siyang gaanong alam sa asawa niya kaya hindi siya masyadong nakakapagsalita.Baka madulas pa siya at kung anong masabi.

"Hoy!3 months ding naging kami.Hindi na ako nakapaghinatay kaya nagpropose na din ako sa kanya.Hindi na ako makapaghintay."Elijah said and then he put his arm to Caeya's shoulder.Kitang-kita sa mga mukha ng kaibigan ni Elijah ang pagkamangha.

Si Caeya naman ay walang ibang nagawa kundi ang makinig sa usapan nila.Mabuti naman at mukhang saulado ng asawa niya ang ibinigay niya ditong papel.Alam niya kasing mangyayari yun.Ano nga bang isasagot nila kung sakaling may magtanong?Na arranged marriage lang sila at hindi naman nila mahal ang isa't-isa?Baka isipin pa ng mga tao na mukhang pera ang mga magulang nila kaya ginawa nila yun.

Hindi kasi nila alam ang dahilan kasi hindi naman sila bankcrupt kagaya ng ibang mga kompanya na excuse ang salitang arranged marriage.

"Pre.Napakaswerte mo sa asawa mo.Balita namin eh galing ka daw Hardvard?"tanong ng isa sa mga tatlong lalaking kaibigan ng asawa niya.

"Ahh oo.Pinalad na makapasa sa exam kaya doon ako nakapag-aral."tanging naisagot niya.Hindi rin niya mapigilang hindi ipagmalaki ang sarili niya dahil napakahirap talaga ang makapasok sa paaralan na yun.Lalong lalo na ang mga hindi taga-doon na kailangan pang mag-adjust sa lahat.Environment.Kind of students.Specially the way of teaching na nakakadugo talaga ng utak.

"Anong pinalad?Eh balita namin,Cum Laude ka daw?"sabat ng isa kaya napatango na lang siya.Pa-humble effect.Baka kasi magmukha siyang mayabang kapag nagsalita pa siya.

What If It Hurts? (What If Duology #1) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon