Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
"KAMUSTA na pakiramdam mo?"Caeya asked.Gabi na at inalagaan niya ang asawa niya simula nung umaga pagkarating nito galing sa kung saan man.Hindi na niya ininda pa ang pagod niya at ang puyat niya kahihintay nito noong gabi.
"I'm okay.I feel better."he shortly replied.Hindi napigilan ni Caeya ang hindi mapangiti dahil kayang-kaya niya palang i-under ang asawa niya kapag may sakit.Kapag may sakit nga lang.Pero kapag hindi?Magkakaroon lang ng riot kapag pinatulan niya ito.Kaya nanahimik na lang siya.
Hindi naman napigilan ni Elijah ang makaramdam ng lungkot dahil ito ang unang pagkakataon na may nag-alaga sa kanya habang may sakit.Simula pa lang kasi ng bata siya ay puro negosyo na ang inatupag ng mga magulang niya at nagiging sekreto na ang pagkakaroon niya ng sakit.Palagi niyang naririnig na ipinagyayabang ng mga magulang niya malakas ang resistensya niya kaya hindi man lang ito dinapuan ng sakit pero ang totoo,nanahimik lang siya kapag masama ang nararamdaman niya.
Nung tumuntong na siya ng college ay napagdesisyunan na niyang tumira mag-isa.At kagaya ng ginagawa niya noong bata pa siya,itinutulog niya lang para kinabukasan ay maayos na ang pakiramdam niya.Ni walang nagpapakain.Walang nag-aalaga.
"Magluluto lang ako.Diyan ka muna.Humiyaw ka na lang kapag may kailangan ka."Caeya said at hindi napigilan ang sarili niya na mapangiti.Hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit bigla na lang gumaan ang pakiramdam niya sa asawa niya.Naiinis kasi siya dito dahil parang wala lang dito kung ano man ang gawin niya sa harap nito.He had sex so many times infront of her pero wala man lang itong karea-reaksyon.Hindi man lang ito naapektuhan.Ano bang klaseng babae ang napangasawa niya at wala man lang itong kainti-interes sa kanya.
But at the same time.She's the only girl who's beside him kahit na marami siyang kalokohang ginagawa.His mom always mad at him kapag napansin nitong nakatingin siya sa ibang babae pero ang asawa niya?Hinahayaan lang siya kahit na sa harap pa nito siya makiapag-sex.
"Umupo ka muna."she said.Napatingin siya dito habang may dala-dalang isang mangkok ng soup.Ito rin ang kauna-unahang beses na ipagluto siya ng isang babae.She never had a serious relationship kasi ayaw niya pang ma-commit.Gusto niya na malaya pa rin siyang makipaghalikan sa kahit na sinumang gusto niya.Nakasal man siya para may ipagyabang ito sa mga kaibigan niya pero still,single pa rin siya.
Hindi na nagsalita si Elijah at hinayaan na lamang niya na subuan siya ng asawa niya.
"Nilagnat ka siguro kakasakay sayo ng mga babae mo."bungad ni Caeya sa asawa niya.Nasamid ito kaya agad niyang binigyan ng tubig.
"What?Is that science related?Wala naman akong matandaan na pinag-aralan namin na nakalalagnat ang sex."he said.Napairap na lang si Caeya dahil sa pamimilosopo nito.Pinupuna niya lang kasi ang kalokohan ng asawa niya.Karma na siguro to.
"Pero HIV oo."she just said a fact kaya natahimik ang asawa niya.
"I know.But are you jealous?"pang-aasar ng asawa niya kaya ipinagpatuloy na lang nito ang pagpapakain ng soup sa asawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/275131464-288-k278417.jpg)
BINABASA MO ANG
What If It Hurts? (What If Duology #1) - Completed
General FictionWhat If #1 - (What If Duology) Selichah Caeya is an independent woman wants to be a succesful architect. She wants to be happy as she now on her right age to separate and live on her own. Not until this dream of her died when she needs to get marrie...