Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
KASALUKUYANG lumalangoy na agad karamihan ng makarating sila sa private resort.Kagaya nga ng inaasahan ni Caeya ay kakaunti lang ang nakikita nilang staffs.May lima lang yata at dadalawa lang ang babae.Si Caeya naman ay nasa veranda lamang ng kwarto niya habang pinagmamasdan ang mga empleyado nilang nagsu-swimming.
"Pssst."
"Pssst."pag-ulit nito.Napatingin si Caeya sa kabilang veranda at nakita niya si Elijah na nakatayo din doon.
"Ano?"naiiritang tanong ni Caeya.Naninibago lang kasi siya na ito ang unang nag-aaproach o unang nagsismula ng usapan na hindi nito dati ginagawa.
"Let's talk."
"Were talking."pambabara niya dito.Nakita niya ang pagkamot ni Elijah sa ulo nito dahil sa paraan ng pagsagot niya.
"I mean,let's talk seriously."
"Is it about business?"she asked.
"No."
"Then no.Wala tayong dapat pag-usapan."Caeya replied at umalis na sa veranda.Naninibago lang siya sa mga ikinikilos ni Elijah towards him.Hindi naman siya dating ganun.Palagi nga siya nitong sinisigawan kapag kinukulit niya ito o kapag may mga bagay na ginagawa siya na hindi nito gusto.Actually,lahat naman.Lahat ng gawin niya dati ay hindi nito gusto.Kaya nga nananahimik na lang siya o hinahayaan na lang.
*Tok**Tok*
Napairap na lang si Caeya sa hangin.Hindi man niya asahan ay alam niyang si Elijah yun.Ngayon lang nangyari yun.Na siya ang lumayas habang kinakausap siya ni Elijah.
"Mrs. De Vera can you please open the door!?"he shouted dahilan para mapatayo si Caeya.Anong kalokohan ang pinagsasabi ni Elijah?
"What the hell Elijah!Ano bang pinagsasasabi mo!?Hiwalay na tayo diba!?Kapag may nakarinig sayo!?Anong sasabihin nila!?Ha!?"hiyaw ni Caeya dito.Natulala na lang si Elijah dahil ito ang unang beses na sigawan siya ng papaganun ni Caeya.Unang beses siyang nasigawan nito sa mukha ng wala man lang kurapan.
"I told you,let's talk."mahinahong turan nito.Napapikit na lang si Caeya dahil hindi niya mawaring nararamdaman niya.Dapat ba siyang matuwa dahil finally,nilalapitan na siya ni Elijah?O magalit kasi mali.Dahil hiwalay na sila at engage na sila ni Stacey.
"We can just talk if it's about business.Pero kung hindi?Then no."she said at pinagsarhan lang siya ni Caeya ng pinto.Kahit labag sa kalooban niya ay kailangan na niyang dumistansya dito.Kailangan na niyang pigilan ang nararamdaman niya kasi hindi tama.
Laking pasalamat niya ng tigilan siya nito.Naghintay muna siya ng ilang minuto bago lumabas ng kwarto niya at makisali na sa mga empleyado nila.Baka kasi isipin nila na KJ siya at sumama lang siya para magkulong sa kwarto.
Caeya's POV
"Mam Caeya.Mabuti naman at lumabas na kayo."bungad sa akin ni Lin kaya nginitian ko na lang sila.Inilibot ko ang tingin ko sa resort at pansin kong ako na nga lang kulang dito.Kasalanan kasi yun ni Elijah.May pagpunta pa siya sa kwarto ko.
"Mam Caeya.Look."napatingin ako sa gawing itinuturo ng mga kasama ko.Muntik pa akong masamid kasi akala ko eh kung ano na.
"Yummy.Di ba Mam Caeya?"anas ni Lin.Yung gawing itinuro kasi nila ay yung mga kasama naming mga lalaki na hubad.As in hubad.Hindi na rin ako nagulat kung makikita ko si Elijah na ganun kasi maraming beses ko na siyang nakitang walang saplot.Aminin man nating maganda nga ang katawan niya.Pero wala eh.Matagal ko ng nakita.
BINABASA MO ANG
What If It Hurts? (What If Duology #1) - Completed
General FictionWhat If #1 - (What If Duology) Selichah Caeya is an independent woman wants to be a succesful architect. She wants to be happy as she now on her right age to separate and live on her own. Not until this dream of her died when she needs to get marrie...