Epilogue

37 2 0
                                    

Disclaimer:This is a work of fiction.

Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.

Play When You're Gone by Avril Lavigne while reading this part.

***

Elijah's POV

"Caeya?"

"Surprise!"

Napatingin ako sa paligid.Maraming mga lobo ang nagkalat.May banner din na nakalagay na Welcome Back.Para namang nawala ako ng ilang taon eh one week nga lang.Mayroon ding mga pictures ko.Ano to?Sabay naming kinukunan ang isa't-isa ng hindi namin alam?May regalo din na may nakasulat na malaking pangalan ko kaya alam kong para sa akin.May pagkain din sa mesa.Kaso nakatakip ang mga yun.

Inihanda niya ba to mag-isa?

Pero wala si Caeya.

Walang sumalubong na Caeya.

That was just a video from the TV.It was just a video of her.

"Caeya!?"hiyaw namin ni Trale pero walang tumutugon.

"Kwarto?"

Agad ko namang tinanguan si Trale dahil sa sinabi niyang yun.Pero naka-lock.Nakasara ang pintuan ng kwarto niya.Agad kong inilibot ang tingin ko at nahagip ko ang isang baseball bat sa gilid at walang atubiling winasak ang door knob.

I took 5 minutes bago pa namin tuluyang nasira ang pintuan.Medyo matibay ito kaya nahirapan kami.Bakit ba kasi magla-lock siya ng pinto eh wala naman siyang kasamang iba dito sa condo.Yung pinto sa harap,okay pa.Pero sa kwarto.Pwede namang hindi na.

Mabilis kong binitawan ang baseball bat pagkabukas na pagkabukas ng pinto.

"Caeya!?"we both exclaimed.

Nagkalat ang sari-saring gamot sa sahig pati na rin ilang mga gamit na syringe.Mga papel.Mga towel.

"Caeya!?What happened?"nag-aalala kong tanong dito pero wala akong makuhang sagot.

"Caeya?"pag-ulit ko pero parang wala siyang narinig.

"Caeya.Kung matutulog ka lang din naman,dapat sa kama.Huwag sa sahig."reklamo ko pero wala pa rin.Hindi pa rin siya tumutugon.Hindi pa rin siya sumasagot.

"Caeya bangon diyan."utos ko sa kanya pero hindi siya gumalaw.Hindi siya sumasagot.Ano ba?May prank pa kami.Magpo-propose pa ako.

"Caeya."mahinang tawag ko sa kanya pero wala pa ring tugon.

Nanginginig ako ng lapitan ko siyang nakahiga sa sahig.Hinawakan ko siya at inihiga sa mga bisig ko pero iba na ang nararamdaman ko.Iba na ang nararamdaman ko.Iba na ang pakiramdam.Kinakabahan ako.Parang gustong lumundag ng puso ko sa dibdib ko dahil sa kaba.

"Caeya?"nakikiusap kong tawag sa kanya pero wala pa rin.Nakita ko si Trale na binabasa ang ilang papel na naka-kalat sa kama niya habang hawak hawak ko pa din si Caeya.

"Coronary Artery Disease?"napatingin ako kay Trale.Nakita kong mangiyak ngiyak itong nakatingin sa akin.Ano?Nagsisimula na ba siyang umakting para sa prank?

"Caeya?Gising na."pagtawag ko ulit sa kanya pero wala akong nakuhang kahit ano..

"Caeya.Ano ba?"pagyugyog ko sa kanya.

What If It Hurts? (What If Duology #1) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon