Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
MAAGANG bumangon si Caeya para maghanda ng sarili.Balak na niyang pumasok sa opisina ngayon para bisitahin kung ano na ang mga nangyayari lalo na nung nawala siya.Tiyak na marami siyang nakatambak na mga papeles.
Architecture ang tinapos niya tapos ganito trabaho niya?Dapat nag-business-ad na lang siya kasi napakahirap kayang gumawa ng mga plates.Nagkandapu-puyat pa siya dahil dun.Pero ayos na din.Napakinabangan naman niya dun sa nabili niyang bahay.Kapag nakuha niya na ang titulo?Sisimulan niya na agad ang renovation ng bahay.
Pagbaba na pagbaba ni Caeya ay hindi siya nakaligtas sa mga titig ng mga katrabaho niya.Malamang.Nawala siya ng isang buwan tapos bigla bigla na lang siyang babalik ng walang pasabi.Hindi na lang pinansin ni Caeya ang mga titig na yun at dumeretso na lang siya sa opisina nila ni Elijah.Narinig niya kasi mula sa tsismis sa labas na nandoon din ang mga magulang nila para siguro pag-usapan ang kumakalat na balita.
Tamang-tama ang pagkakataon dahil inihanda niya talaga ang sarili niya para dun.Ipinangako niya sa sarili niya na ito na ang huling pagkakataon na magpapakabaliw siya kay Elijah.
She really loves him but she need to let go.She really loves him but she need to give up on him.
Hindi talaga magwo-work ang kasunduang iyon ng mga magulang nila.At maling desisyon din na pumayag siya edi sana hindi siya nakaramdam ng pagmamahal para dito.
Pipihitin na sana ni Caeya ang doorknob ng marinig niya ang pagtatalo mula sa loob.
"I'm sorry po Tito and Tita but you need to find your daughter as soon as possible para maasikaso na namin ni Stacey ang kasal namin."rinig niyang sambit ni Elijah.Natawa naman ng pagak si Caeya dahil sa narinig niya.Eh mukhang hinahanap lang siya ng asawa niya kasi may kailangan ito sa kanya.
"At bakit ka nagdesisyon ng hindi namin alam?Kung hindi pa kami umuwi?Hindi pa namin makokompirma!Paano mo to nagawa kay Caeya?"singhal sa kanya ng ina nito.Totoo ang mga sinabi nila.Kaya lang naman umuwi ng Pilipinas ang mga magulang nila ay dahil sila ang naging laman ng balita at talagang malalaman nila agad yun.
"At bakit inaalala niyo ang babaeng yun?Alam naman nating lahat na wala lang ang kasal namin.Gusto niyo akong magtino kaya ipinakasal niyo ako sa babaeng yun.Pero mom!Alam din nating pareho na si Stacey ang mahal ko!"Elijah shouted.
Agad na sumampal kay Caeya ang katotohanang,wala talagang pakielam sa kanya ang asawa niya at talagang mahal nito si Stacey.Mahal na mahal.
"Mahiya ka sa Elijah.Nasa harapan ka ng mga magulang ng babaeng nilalait mo."his dad exclaimed.Nanahimik lang ang mga magulang ni Caeya dahil totoo naman talaga ang sinabi ni Elijah.Talagang walang namamagitang pagmamahal sa kanila ng mga anak nila.They just hoping pero wala talagang nangyari.
"Tsk.Bakit ngayon eh kamping-kampi kayo kay Caeya?Mom?Dad?Diba dati?Botong-boto kayo kay Stacey!?"giit nito kaya mas lalong nanlambot ang mga tuhod ni Caeya.Parang may kung anong tinik ang bumabara sa dibdib niya.
"Kasi iniwanan ka ni Stacey para sa pinsan mo!Kasi nakita namin kung paano ka nagbago dahil sa babaeng yun!Hindi na ikaw ang dating Elijah na kilala namin.Anak!"hiyaw ng Tita Hillary niya.Nanatili pa rin sa labas ng pintuan si Caeya at seryosong nakikinig sa pagtatalo ni Elijah at ng mga magulang nito.
BINABASA MO ANG
What If It Hurts? (What If Duology #1) - Completed
General FictionWhat If #1 - (What If Duology) Selichah Caeya is an independent woman wants to be a succesful architect. She wants to be happy as she now on her right age to separate and live on her own. Not until this dream of her died when she needs to get marrie...