Disclaimer:This is a work of fiction.
Paalala: Ang ano mang pagkakahawig ng mga pangalan at mga pangyayari sa reyalidad ay di sinasadya at nagkataon lamang.Ito ay gawa gawa lang malilikot na imahinasyon at walang kahit anong masamang intensyon para sa mga mambabasa.
***
"CAEYA,kumakain ka ba ng gulay?"tanong siya kanya ni Dolores habang nasa hapag-kainan sila.Nagulat pa nga siya dahil sa dami ng nakahanda sa mesa na daig pa ang may piyesta eh dadalawa naman sila ni Dolores dahil bumalik ang asawa nitong si Arturo sa Maynila para kumuha ng mga binhi para sa sakahan nila.
"Syempre naman po.Hindi naman ako mapili."tanging naisagot niya.Kung hindi man siya kumakain nun ay kailangan niya pa ring kumain kasi nakakaramdam din ito ng hiya.Biruin mo?Kinupkop ka na nga at inalagaan tapos may gana ka pang mag-inarte?
"Naku.Mabuti naman kung ganun.Kumain ka ha at magpalakas.Ililibot kita sa sakahan namin."mungkahi nito kaya hindi napigilan ni Caeya ang mapangiti.Nagkaroon tuloy ang mag-asawa ng instant housemate.Tapos may libreng tour pa.Miss na din kasi niya ang simoy ng hangin sa probinsya.Yung totoo?Marami siyang na-miss dito sa Pilipinas simula noong umalis siya dito five years ago.
"Talaga po?Hindi ko po yan matatanggihan."she just replied.Gusto muna niyang kalimutan kahit papaano ang ginawa sa kanya ng asawa niya kasi ayaw niya na kagalitan ito.Hindi niya alam kung bakit.Hindi niya alam kung sa kabila ng ginawa nito ay ganun pa rin ang nararamdaman niya.Gusto niya lang munang magpahinga.
"O siya.Bilisan mo na.At ipapakilala kita sa aming bukirin."pagkasabing-pagkasabi nun ni Dolores ay hindi na nila napigilang magtawanan.Kung nandito sana ang mom niya?Tiyak na magkakasundo ang dalawang ito.
Pagkatapos na pagkatapos nioang makakain ay napagdesisyunan nilang lumabas.Ngayon lang nakita ni Caeya ang kabuuan ng bukirin dahil hindi niya ito nakita kinagabihan.Nasa Quezon Province pala sila at mayroon itong napakalawak na taniman ng niyog.Mayroon ding taniman ng palayan na matatanaw mula sa di kalayuan.Medyo mataas kasi ang pwesto nila ngayon dahil nasa taniman sila ng mga gulay.Hindi niya akalaing dito pala ito nakatira dahil hindi naman niya namalayan sa kung saan na siya nalakarating dahil ang gusto niya lang at ang makatakas muna sa asawa niya dahil tila mainit ang ulo nito sa kanya.Siguradong may hindi magandang nangyari sa Laguna.
Isang linggo ang bakasyon nila at bakit naman ito uuwi ng biglaan kung walang nangyaring masama lalo na at mas lalo niyang magagawang makapambabae dahil wala namang nakakakilala sa kanya doon.Bakit nga ba ito umuwi ng biglaan.
Agad namang isinantabi ni Caeya ang asawa niya at saka na lang siya babalik kapag maayos na ulit ito at kapagmalamig na ang ulo nito.Hindi naman napigilan ni Caeya ang hindi mamangha sa kanyang nakikita dahil ngayon lang siya nakakita ng ganitong kalaking lupain.
"Sa inyo po ito?"hindi niya napigilang tanong.
"Oo."tanging sagot nito sabay ngiti kay Caeya.Hindi nito napigilang hindi lalong mapangiti dahil napakaganda mg lugar na kinatatayauan niya.Hindi niya akalaing may ganitong lugar pa palang nakatago.
"Wow.Talaga po?"she reacted kaya tinawanan lang siya ni Dolores.
"Tara.At ng mailibot kita."pag-akay niya kay Caeya.
Nakahinga naman ng maluwag si Caeya dahil kahit papaano ay medyo nakalimutan niya ang magulong buhay niya sa Maynila.Yung nakakapagod na office works at lalong lalo na ang magaling niyang asawa.
BINABASA MO ANG
What If It Hurts? (What If Duology #1) - Completed
General FictionWhat If #1 - (What If Duology) Selichah Caeya is an independent woman wants to be a succesful architect. She wants to be happy as she now on her right age to separate and live on her own. Not until this dream of her died when she needs to get marrie...